Natuloy nga ang sleepover nila sa bahay at talaga namang sinulit din nilang magpaluto ng pagkaen sa akin. Natatawa tuloy ako habang naaalala kung paanong nagkaroon ng instant party.
------
"Magluluto ako pero kayo ang bahala sa mga lulutuin. Call??" I told them.
"Call." Sabi naman ni Ethon bago bumaling kay Light. "Kasi si Light ang gagastos sa lulutuin kasi nga sya ang may birthday kuno." Dagdag nya na nakangisi.
"Why me? Sinabi ko bang idahilan nyo ako para sa sleepover?" Masungit naman nitong sagot.
"Ah so ayaw mo? Ganun ba yon Light?" Eica asked him na nakataas pa ang kilay. Napatingin naman ako kay Light na noo'y nakatitig na kay Eica bago nag-iwas ng tingin dito at napadpad sa akin ang linya ng tingin kaya ako naman ang napaiwas.
Si Eica ba ang tinutukoy ni Ethon na gusto ni Light? Bat parang may gumuhit na kirot sa dibdib ko. Ano to?
Nawala ako sa iniisip ko ng maramdaman ko ang may kalakasang paghampas sa tagiliran ko.
"Bat kayo nanghahampas? Masakit kaya." Angil ko sa kanila.
"Tulala ka e kinakausap kita kanina pa." Irap ni Izel. "Ano nanaman ba kasi ang iniisip mo?" Dagdag tanong nya pa.
"Psh. Ano nang plano nyo? Anong lulutuin natin. Anong petsa na?" Sabi ko nalang para iliko ang usapan at pasimpleng sumulyap kay Light na nakatingin kay Eica. Ayon nanaman ung kirot kaya mahina kong hinampas ang dibdib ko.
"Eto na nga. Pero teka ayos ka lang ba?" Tanong nya nang mapansin ang paghampas ko sa dibdib ko. "Kailan ka pa may sakit sa puso?"
"Anong sakit sa puso sinasabi mo diyan? Nababaliw ka nanaman. Ano na nga, may plano na kayo? Baka magbago isip ko at palayasin na lang kayong lahat." Banta ko sa kanila kaya naman nakarinig agad ako ng mga protesta. "Bilis na kasi, aabutin tayo ng syam-syam eh. Ako nalang magdedesisyon kung ano ang lulutuin. Ginugutom ako sa bagal nyo." Asik ko pa.
"Mabuti pa nga Amira, isulat mo na lang para sila na mamili. Yung mga boys." Sang-ayon ni Michie na tinanguan ko.
Nagtungo ako sa kwarto ko at kumuha ng papel at ballpen para sa paglista ng mga lulutuin. Yaman din lang at libre lubos-lubosin na. Nilista ko ang mga ingredients para sa spaghetti, buffalo wings, lumpiang shanghai, kaldereta at sopas. Bahala na sila sa inumin. Birthday daw e. Perks of being alone kaya natuto ako ng maaga sa pagluluto.
"Walang bibili ng alak." Dinig kong sigaw ni Loera ng paalis na sila para mamili. Ang lumabas para bumili ay sina Kairo, Nero, Ronder at Josh kasama din si Eica at Sheika. Kaming naiwan ay nagprepare na ng mga gagamitin.
------
Napangiti ako sa nangyaring yon nung isang linggo. Hindi ko din alam kung anong nangyari at paanong naging mas malapit kami ni Light but i don't care.
Kagaya ngayon kasama ko sya dito sa tambayan at kinukulit ako. Never did i thought na ang tatahi-tahimik na Rich Kid ay napakakulit pala.
"Oi. Spacing out again. Problema mo?" Tanong nya ng bigla akong matahimik. Napakunot naman ako.
"Pag spaced out may problema na kaagad? Hindi ba pwedeng nagmemeditate lang." Ani ko.
"Meditate mo mukha mo. Ako pa paglolokohin mo. Wag ako Leigh." Asik nya kaya lumabi ako sa kanya. Umakma naman syang pipitikin ako sa labi.
"Subukan mo lang ilapit yang daliri mo, makakatikim ka talaga sa akin ng sabunot Light." Banta ko naman.
"Psh. Ewan ko sayo. Bakit ka nga pala nandito at wala kang kasama!? Nasaan sila?" He then asked. Nagkibit-balikat lang ako sa kanya. "Nagcutting classes ka no?" Dugtong nya na ikinalaki ng mata ko.
BINABASA MO ANG
After All
Fiction généraleAmira Leigh Tiong Monfiasco experienced the cruelty of life in such a young age. It molded her to a cold ruthless bitch but very much respected to the world of business she got into. Will she ever have the best ending she ever wished for?