Prologue***
"Babyboss, 'wag kang magpapagod masyado," salita niya habang pinupunasan ng tuwalya ang likod ko.
"You knucklehead! ikaw lang naman ang nagpapahirap sa 'kin. Kung ginagawa mo ng maayos ang training mo, sana matatapos tayo agad," pangaral ko sa kanya.
Ngumuso lang ito at ipinagpatuloy na ang pagpunas ng pawis ko. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, siya pa ang naging apo ni Don Zandro Mogzevere? ang Godfather ng La Costa Muestra. Kaya wala akong choice kundi turuan ang knucklehead na lalaking ito.
"Anong iniisip mo, BabyBoss?" tanong niya.
"Wala."
"Yung totoo? baka iniisip mo na naman ako ah! wag ganun!"
"At bakit naman kita iisipin?"
"Kasi ako ang love mo? Hihihi," pagtawa niya.
"Sinong nagsabi sa 'yo na mahal kita?"
"Eh? dine-deny mo na naman feelings mo sa 'kin," nakangusong salita nito." Chrime, Bilisan mo na lang ang pagpupunas diyan. Magsisimula ulit tayong mag-ensayo. Tuturuan kita kung paano gumamit ng baril," paliwanag ko.
"Done!" turan nito.
"Good, let's start."
Pumunta naman kami sa shooting range. Ipinakita ko sa kanya kung paano gumamit at mag asenta ng target.
"Chrime, Ikaw naman, tamaan mo 'yung target," utos ko.
"Di-d-d-di ako marunong, BabyBoss," parang batang sabi niya.
"Ipinakita ko naman 'di ba? now, try it," utos ko.
"Waaaah!" sigaw niya. Dahil siguro sa gulat kaya nakalabit niya yung trigger. Hindi ako makapaniwalang nasapul niya ang target.
"Waaah! ayoko na talaga! hindi ko ito kaya, BabyBoss. Suko na ako. Sabihin mo kay Lolo na ayokong maging Mafia King! Ayoko pang mamatay! papakasalan pa kita!" tuloy-tuloy na salita nito.
"Tss. Tumigil ka na diyan. Nasapul mo ang target. Magaling. Next stop naman tayo,"
"Meron pa, BabyBoss?" tanong niya.
"Nagsisimula pa lang tayo, humanda ka sa susunod."Lumakad naman ako palayo. Hindi naman mahirap turuan ang isang 'to. Nasa dugo niya na talaga ang pagiging Mafia.
I am Sheol Calvarin, the Underboss. At ang tinuturuan ko ay si, Zachrimo Mogzevere. Ang susunod na Mafia King. Abangan niyo na lang kung paano ko babaguhin si "Chrime" ang, THE KNUCKLEHEAD MAFIA KING.
BINABASA MO ANG
The Knucklehead Mafia King
ActionHindi lahat ng Mafia King seryoso, meron ding ipinanganak na bobo. xD