CHAPTER 1: Prologue

8 1 0
                                    

Athena's P.O.V.

  "Do what you Love, Love what you Do. But you can't always win what you Do." I can prove to you all na totoo 'tong sinasabi at pinaniniwalaan ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

*Flashback...

  "One, Two, Three, Four... Ms. Salvatore, what is happening to you? Are you out of your mind. Mag-focus ka naman. Ang dami niyo ditong tinuturuan ko at nasayang ang last 5 minutes natin nang dahil sayo! What are you thinking?" Tanong sa akin ni Ma'am Irish Croft, ang ballet choreographer and also our teacher.

 "I'm Sorry Ma'am.." mahina kong pag-sagot. Hindi ko lang masabi na ang daming nangyayari sa akin na hindi ko maintindihan. Ang dami lang kasing tanong na hindi masagot. Lalo na ngayon. Ilang weeks na niya akong hindi kinakausap at hindi na rin siya umaatend sa boys ballet classes nila eh. Ano ba yan. Naluluha na naman ako. Paano ba naman kasi, kung kailan 2 years na kami at nakabangon na ako at napalitan na ang dating Athena, at saka pakiramdam ko, ngayon pa siya nagiging cold.

 "Anong sorry? The next time na magkamali ka pa I will remove you in this class. Okay, ballet class dismiss. I will see you all tomorrow, and I hope (masamang pagtingin sa akin ni Ma'am Irish) na wala naman sanang tatanga-tanga ang magkamali in such an easy step. Do you understand?" she asked again.

  "Yes Ma'am." sagot ng lahat. And the class had been dismissed. At umalis na nga ang lahat. The only one that I've been thinking off is that, hindi talaga ako makalakad ng maayos kanina pa eh. "What the ----!" Nakakainis talaga. Hindi ko na nga sila pinapansin eh may nagdikit pa ng bubble gum sa sapatos ko. Eto na nga lang ang nag-iisa kong sapatos na luv na luv ko because my mom gave it to me.. At tumulo nga ang luha sa mga mata ko. Napaluhod ako nang may bigla nalang nagbigay ng handkerchief at pinunasan ang mata ko.. Sino ba 'to? At bigla ko siyang inakap nang malaman ko na si Ethan pala, ang partner ko sa sayaw at hindi nagtagal, naging BF ko siya dahil siya yung nagpapasaya sa akin. 

 "Aaaah!" tili ko nang makita ko si, "Adrian, ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. "Wala naman. Oh, ayan. pinadaan lang sakin ng BF mo."-Adrian "Sulat? pero bakit?" tanong ko sa kaniya. Nakakapagtaka lang kasi bakit sa baliw na best friend ko pa pinabigay at pinadaan 'tong sulat na ito. "Abay ewan ko. Don't put me into a hard situation. (Tingnan mo, baliw talaga 'to eh) Hindi joke lang.. Totoo nga, hindi ko talaga alam. Boyfriend mo yan eh. Pero I'm happy talaga na nagbalik ka na Tin-tin!" uto talaga 'to. "Sabi ko naman sayo wag mo kong tinatawag na Tin-tin eh. Hindi bagay! Kahit Athena na lang, okay!" Si mommy ko lang kasi ang tumatawag sakin nun eh. Alam naman niya yun. At saka parang ang pangit kasi pag lalaki ang nagsasabi ng nickname ko na yun eh. Na nalaman lang ni AA (Adrian) nung lumipat kami the next house sa kanila sa tapat ng Mountain of Love. Doon pinaniniwalaan na kung sino man ang unang lalaki o babae na makakasabay mo sa pag-akyat sa mountain na yun eh makakatuluyan mo. Hindi naman ako naniniwala kasi, si Adrian yung unang lalaking nakasabay ko dun eh, tingnan mo naging best friends pa kami. At dahil lang naman yun sa pagiging baliw niya nung una ko siya nakita. And take note, I didn't like him by "LOVE", nagustuhan ko siya by friendship. And that's why nalaman niya ang nickname kong Tin-tin, na actually, ang unang tumawag sa akin nun is dad, but when mom and him got separated because of financial problems, na hindi naman ako naniniwala because I saw dad with another woman (Kaya nung ma-annuled sila at nasanay ako sa Tin-tin, my Mom tried to copy that from dad). Pero doon nila ako pinaniwala, kasi totoo naman, as a 12 year old kid, hindi ko pa naman talaga masyadong maiintindihan. And because of that kaya ako tumakbo sa mountain while crying (because of the fresh air, cause I have an asthma). And that's the reason kung paano ko nakilala yung baliw na lalaki na yun na si Adrian. He started introducing his name to me. Naalala ko nga yung saktong-saktong pagkakasabi niya sa akin eh.

  "Hi! (hihihi) My name is, (hihihi) Adrian Alexander Montefalco.. (hihihi) what's your name? Why are you crying?"* Diba, baliw talaga. And siyempre, dun ako nagsimulang tumawa. Kahit malungkot ako, nabawasan ito kahit papaano. Tapos I remembered pa nung bigla siyang.."Ay! Tin-tin nga pala!"-Adrian "How did you know my name? And actually, Athena Katherina Salvatore is my name. Nice meeting you."-Athena "I'm sorry Athena, I just heard your name as your mother called you. You can call me AA for short." hindi ko alam kung magagalit ba ako, o sadyang tatawa nalang ako sa kabaliwan niya.

  At dun nagtapos ang pagpapakilala niya sa akin. Diba ang haba? (Our conversation continues) "Sige na nga. Para naman kasing wala tayong pinagsamahan. Bahala ka nga. kung gusto mo ang tawag ko na lang sayo ay Athena Katherina Petrova Salvatore? Hahaha!" pagtawa niya. Masasabi kong baliw talaga siya. "Siraulo ka talaga. Bahala ka nga sa buhay mo!" panloloko ko sa kaniya. Buti nga walang nangyayaring hard feelings sa aming dalawa eh, pero kung hindi lang talaga, baka nauwi na kami sa patayan. "Eto naman. Parang hindi ka naman mabiro. Oo na nga po. hindi na po MA-U-U-LIT. (kring!!!)" His cellphone rings. "Sige Athena, nakalimutan ko, dadalaw pa nga pala ako kay mama. Punta nalang ako sa inyo mamaya para sa... Alam mo na, our 6th Year Friendship Anniversary!!" pagtili niya sa Ballet Room. "Pero Adrian, hindi ka ba kakailanganin ni tita Vivian dun sa hospital?" tanong ko sa kaniya. "Eto naman, hindi naman. Alam naman ni mom na Friendship Anniversary natin ngayon eh.." pagtanggi niya sa akin. "Sige na nga. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo mapapabayaan si tita ha? Okay? Bye.." sambit ko sa kaniya. "Oo naman. Sige na. Bye.." at umalis na nga siya. Ayun, nagmamadali. Eh idadala lang ba naman kasi yung sulat eh humaba na ang usapan namin. Ganun kami, parehong baliw kaya ayan, napupunta sa kabaliwan ang usapan. Speaking of sulat, bakit nga ba talaga nagpadala si Ethan ng letter. Kinakabahan ako habang binubuksan ko ito. "Inaasahan ko na maibibigay sayo 'to ni Adrian. Kailangan na nating..." Ito lang ang nakasulat. Hindi ko talaga maintindihan. "What is happening to us? Nasaan na nga ba kami?" sa isip-isip ko. At nang tinalikod ko ang sulat, "Te Amo Restaurante at the Orangeburg Street. Dito na lang tayo mag-usap there is something I need to tell you."(-Letter from Ethan) At bigla na lang tumulo ang luha ko. Alam ko naman na kasi ang sasabihin niya. Because when the day that I answered him, pinag-usapan na namin ang lahat ng gagawin. At dun na nga nakasama ang planong Te Amo Restaurante. Na kapag sinabi niya na dun kami magkikita, alam ko tapos na ang lahat..

*End of Flashback

  I'm Athena. These days, I have nobody. Not even Adrian, especially not even Ethan. Sa totoo lang, not even my mom. She just died last month because of a 4th stage cancer of the bones. Alam naman na ninyo ang nangyari sa amin ni Ethan, but not Adrian's. Adrian just left me here in the Philippines. Actually, I can't tell you now what just happened. AA went to Italy to go to his family. At dahil dun, sa totoo lang, pwede na akong kunin ni Lord. Why? I have nobody, I don't have my mom, my dad, I don't have Ethan, and even Adrian. I have nothing to live and to go on with my life. Except for one thing. The truth is, when I finished my ballet class, my teacher chose me to be the new choreographer when she knew that I chose to be a Physical Education or P.E. Major. Dancing is now my life! At dun ko lang nailalabas all of my worries, my pain, and tears. Doon ko nailalabas lahat ng sakit at sama ng loob ko, but no one knows kung ano ang dinadala ko. Cause I can fake my smiles, I can laugh even if I die inside, I can live another day kahit wala naman na talagang magandang dahilan. Because I'm not perfect. I'm only human. And I can say na sa pagsasayaw, habang papahirap nang papahirap ang steps, papadami at papalalim rin ang luha at sakit na nailalabas ko. Pero kahit na araw-araw akong palakpakan ng maraming tao, hindi parin sapat yun para mawala na itong masakit na dinadama ko. And I'm mad of myself kasi kahit na anong gawin ko, hindi parin nila alam na hinahanap ko parin si Adrian, hinahanap ko parin yung sarili ko, at yung PARTNER na makakasama ko. Kasi alam ko na yun lang makakapagpabalik ng Athena na nakilala niyo.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secrets in Motions of Love (Editing)Where stories live. Discover now