CHAPTER SIX

2.6K 45 1
                                    

▬▬▬▬▬♛▬▬▬▬▬
6. Goodnight Angel

Janelle

"Yes Pa. I'm on my way po" sabi ko sa papa ko at ibinaba ko na ang tawag.

Papunta ako ngayon sa mansyon nina papa sa Batangas.

"Carlos! Huwag ka ngang malikot! Bakit kapa kasi sumasama-sama diyan tapos naiinip ka" paiba-iba kasi siya ng lugar sa upuan e, at oo, kasama ko siya. Nagpumilit kasi.

"Psh. Okay lang ako, besides 30 minutes nalang yan" aniya sabay kindat. Inirapan ko lang siya sa iniasta niyang ngayon.

▬▬▬▬▬♛▬▬▬▬▬

Carlos

Nakasuot ako ng wig ngayon. Dinrowingan din ni Janelle ng bigote ang mukha ko kaya nagmukha akong manong.

Nakaharap ako sa papa niya na kamukhang kamukha niya.

"Who is he Janelle?" malumanay pero mababakas mong may awtoridad.

"He's my friend Pa, si J-jessie po"

"Jessie? Babae?"

"B-bading po Pa"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ako? Bading? What the fvck Janelle?

Mataman ko siyang tinignan. Namumula ang mukha niya ng dahil sa pigil na tawa.

"Oh. Pumasok na muna kayo, nagpahanda ako ng meryenda kay Lolet"

Tumalikod na sa amin ang papa niya kaya nakalapit na ako.

"Janelle?! Anong bading? Lalaki to, lakaki!"

"Eh ano pa bang magagawa ko? Wala na akong dahilan e hahaha"

"Humanda ka sakin mamaya" pagbabanta ko at pumasok na kami sa loob.

Mr. Collins has a good taste when it comes to furnitures. Maganda ang mga klase ng kahoy na ginamit nila sa mga upuan sa kanilang living room.

Sabay at magkatabi kaming umupo ni Janelle sa upuan.

"Pa? Wala po ata si T-tita?"

"Pumuntang Japan kasama si Joey. Alam mo namang ayaw ka niyang pinapapunta dito kaya sinamantala ko na ang araw na to." sabi ng papa niya habang sumisimsim ng wine.

Nagtaka ako bigla.

Bakit ayaw siyang pinapapunta ng mama niya dito?

▬▬▬▬▬♛▬▬▬▬▬

Janelle

Pinagmasdan ko ang nagtatakang mukha ni Carlos.

"Uhm Pa? Bakit niyo po pala ako ipinatawag dito?" pag- iiba ko sa usapan.

"Oh! Yes buti pinaalala mo. I just want you to have a dinner with me may ipapakilala ako sayo."
"Pa? Ilang beses na po iyan hah? Huwag niyo na apo akong ireto sa iba. Masaya na ako sa buhay ko" mataman kong sabi.

Epaano kasi kung hindi niya ako tatawagan, susunduin lang niya ako at ipapakilala sa mga anak ng kabusiness partner niya.

"Please anak? Last na to okay?"

"Psh. Last na po talaga yan" napatango nalang siya at ngumiti.

"By the way Pa. Anong pangalan nung ipapakilala mo sakin?"

Naramdaman kong may nakatingin sakin at nakita kong si Carlos iyon. Malamig ang dating ng kaniyang mga titig at aakalain mong may ginawa kang masama.

"Quiroz Therrone Solano" sabi ni Papa.

Nagulat ako nung bilang masamid dahil sa pag-inom ng wine si Carlos. Nagmadali ko siyang nilapitan at hinagod ang likuran niya.

"Hoy, napano ka?" bulong ko.

"Kaibigan ko iyon e!" bulong niya pabalik sakin habang nagpupunas ng bibig.

"Napano ka Jessie?" nag-alalang tanong ni Papa sakanya. Natawa ako bigla.

"I'm fine Tito" matigas niyang sabi.

"Hahaha, yang kaibigan mo talaga! Gumagabi na Janelle, dito nalang kayo matulog" alok ni Papa samin.

"Eh pa, itong kasama ko?"

"Edi dito mo patulugin. Osige na, ipapahanda ko muna ang guestroom mo at ng kaibigan mo kay Lolet"

Umalis na si Papa at umupo muna kami sandali.

"Can I ask you a question Janelle?"

Tanong niya. At alam ko na kung ano ang itatanong niya sakin.

"Anak lang ako sa labas ng Dad ko" walang pag-aalinlangan kong sabi.

Noong bata ako ay palaging nag-aaway ang Mom at Papa ko dahil hindi nila alam kung saan ako titira sa kanilang dalawa. Yung kay Mommy ayaw niya kasi daw magagalit ang asawa niya, same with Papa.

Kaya sa murang edad ay tumira ako sa binili nilang condominium at doon ko nakilala si Wendy.

"Hey? Are you with me?" sabi ni Carlos habang kumakaway sa mismong mukha ko.

"Y-yes. Sorry"

"Bakit ka nag-sosorry? Ok lang iyon. Pinapatawag na pala tayo ng papa mo"

Sabay kaming umakyat sa taas at humiwalay lang kami ng daan papunta sa guestroom na tutulugan namin.

▬▬▬▬▬♛▬▬▬▬▬

Inaantok na ako ng biglang maramdaman kong may pumasok sa kwarto.

Nawala bigla ang antok na nararamdaman ko.

Bumangon ako sa gulat nang bumukas ang ilaw.

"It's just me"

Si Carlos!

"Ano ba yan! Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" singhal ko sakanya. Pero binigyan lang niya ako ng isang ngiting mapang-asar.

"Sorry na. Hindi kasi ako makatulog kaya dito nalang ako matutulog"

Shit!

"Eh?! Edi magtatabi tayo?"

"Oo? Hindi naman kita tsa-tsansingan! You perv" sabi niya at tumawa ng maliit.

"So ako pa ang pervert? Bahala ka sa buhay mo" naramdaman ko ulit ang antok ko nung pinikit ko ang mga mata ko.

Ngunit bago ako tuluyang lamunin ng antok ay may humalik sa noo ko at sinabing.

"Goodnight Angel"

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon