EPILOGUE

10.1K 231 12
                                    

ISANG taon na ang Casey Café. At sa loob ng isang taong iyon ay marami na ang nangyari kina Cassandra at Gideon. Isa na roon ang kasal nila na naganap matapos ang tatlong buwan na grand opening ng Casey Café. Nag-honeymoon sila sa Italy kung saan madami-dami rin siyang natutuhang pastries doon na dinala niya rito sa Pilipinas at sinimulang i-serve sa café.

"Casey, pa-order ng isang slice ng chocolate mousse. 'Tapos pakidala do'n sa babaeng nasa tabi ng glass panelling," sabi ni Charles sa kanya na nakaupo sa bar chair. Isa itong drag racer.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro ng binata. Isang babaeng naka-mini dress ang nakaupo sa couch sa tabi ng glass wall malapit sa pinto ng café. Noon pa lang niya nakita ang babaeng iyon mula nang magbukas ang Casey Café. Kalimitan kasi ng mga customer niya roon ay mga drag racer. At noon lang din nagkaroon ng interes si Charles sa isang babae. Sa lahat ng drag racers na nagpupunta sa café niya, si Charles ang pinakabata. At ito lang din ang hindi babaero, although lapitin talaga ng mga babae. Maski ang pinsan niyang si Fatima na kursunada si Charles ay hindi nito pinapansin.

Wala nang nangyari sa deal nila ng pinsan niya tungkol sa pagpapaibig niya kay Gideon gamit ang chocolate mousse cake. Dahil high school pa lang pala siya ay mahal na siya ni Gideon. Kaya tabla ang naging pustahan nila ni Fatima. Pero inamin ng pinsan sa kanya na ang gusto nitong kondisyon kung sakali mang nanalo ito ay ang gawin niyang manager ng café si Fatima. Na nangyari din naman kahit walang nanalo sa kanila dahil iyon din ang plano niya. Fatima was a part of her success kaya gusto niyang maging parte din ito ng café na maituturing niyang pinakamalaki niyang tagumpay.

Napangiti si Cassandra nang makita ang babae. Maski siya ay napupukaw rin ang kuryosidad kung ano bang klaseng babae iyon. Kung pagbabasehan ang damit nito ay mukha itong mahinhin. Maski sa paraan nito ng pag-upo at sa panlabas na kaanyuan, nahihinuha na niyang mahihirapan ang prinsepe ng arena.

Inutusan niya si Amy na dalhan ng chocolate mousse ang babae.

Napatingin siya sa gawi ni Charles na kasalukuyang titig na titig sa babae. Bumaling ito ng tingin sa kanya at saka kumindat. Napailing na lang siya.

"Hi, Casey. Mukhang lumalaki ang busog mo, ah?" bati sa kanya ni Aaron. Isa ring drag racer at madalas kasama ni Charles.

Awtomatikong napahimas siya sa tiyan niyang anim na buwan na. "Oo nga, eh," tumawang sabi niya. "Hindi pa ba kayo aalis? Hindi ba, may laban pa kayo?"

Bumaling si Aaron sa gawi ni Charles na kasalukuyan nang kinakausap ang babae. "Siguro nga kailangan na naming umalis bago manganib ang buhay ng babaeng iyon sa prinsepe," biro nito na ikinatawa niya.

"Sige, good luck," aniyang kumaway pa.

"Hi, cousin!" masiglang bati ni Fatima nang pumasok ito ng Casey Café. Blooming na blooming ang pinsan niya.

"Mukhang masaya ka, ah," puna niya.

"Of course!" Iniawang ni Fatima sa kanya ang isang kamay.

Napansin niya ang isang diamond ring sa ring finger nito. Napangiti siya.

"I know what you're thinking. That's right! Nag-propose na sa akin si Robert!" masiglang deklara ni Fatima.

"Congrats!"

Napalis ang tawa nito at napalitan ng pagkakunot ng noo. "Congrats? Hindi ba, dapat best wishes?"

Tumawa siya nang malakas. "Gano'n na rin 'yon. O, dito ka muna sa counter. Babalik lang ako sa kusina. Medyo ginutom ako, eh."

"Kaya lumalaki 'yang tiyan mo, eh. Ang lakas mong kumain."

Tinawanan na lang niya ang pinsan. Inilabas niya sa ref ang paborito niyang strawberry shortcake at sinimulang lantakan iyon. Kahit na anim na buwan na siyang buntis, pakiramdam niya ay naglilihi pa rin siya.

"Hello, my queen," bati sa kanya ni Gideon na noon ay kapapasok pa lang sa kitchen. Lumapit ito at kinintalan siya ng magaang halik sa kanyang mga labi. Umupo ito sa katapat niyang upuan. "Mukhang hindi pa humuhupa ang paglilihi mo, ha," puna nito.

"Oo nga, eh," sagot niya sa gitna ng pagnguya.

"Sayang," sabi ni Gideon na pinalungkot pa ang mukha.

Nabitin ang isusubo niya sanang cake at tiningnan ang asawa. "Bakit?"

"I was planning to bring you to heaven."

"Meron pa bang ibang mas langit pa kaysa sa Casey Café?"

Ngimiti nang pilyo si Gideon at saka may iwinagayway na kung ano. Hindi niya iyon masyadong makita mabuti kaya binitiwan niya ang hawak na kutsara at hinablot ang kapirasong papel mula rito. Nang bistahan niya iyong maigi ay hindi iyon simpleng papel lang. It was a ticket. Tickets to Paris!

"Oh, Gideon!" bulalas niya habang sinusugod ng yakap ang asawa. "This is indeed heaven."

"So, can I take you out on a date before we start packing up?"

Hindi na siya tumugon pa. Umabrisete siya sa asawa at iginiya na niya ito palabas ng café.

Paris, here we come!

The end.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CASEY'S SECRET RECIPE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon