Chapter 9: Let The Best Man Win

47 5 1
                                    

Chapter 9

Abigail's POV

 "Je vous aime bien." 

Huh, ano daw meaning nun? Hinalikan  nya ako sa noo at umalis na. Ako naman, nagblublush, parang kamatis. 

"Wait! Anong meaning nun?" Sinigaw ko.

"Secret!" Nagpeace sign sya at ngumiti, pagkatapos tumakbo na. Hayy, ang cute talaga ng bestfriend ko.

ONE WEEK LATER

After a week, sabi daw ng teacher na yung field trip daw ay sa Monday next week. 1 week daw yung field trip so I'm super duper excited. Pumunta ako sa lunch, kasabay ko  kumain si Hayley at Andy. 

"Abigail, alam mo ba merong new student? Ang cute nya at sobrang bait! Nagbanggaan kasi kami kanina tapos tinulungan nya ako tumayo. Grabe! Yung puso ko, tumibok ng mabilis." Si Hayley kwento ng kwento tungkol dun sa cute new guy na nakita nya. Ganun din nangyari sa akin dati pero, instead na tulungan ako, tinulak ako sa pader. Dahil dun, nafall in love din ako sa kanya. Oo na, tawagin nyo akong wierd pero nagustuhan ko talaga si Matt nung una ko syang makita.

"Oo na. Puro ka kwento tungkol doon sa new guy. Alam mo, gutom lang yan. Eto, kanin." Pagkatapos, sinubuan ni Andy ng isang kutsara ng kanin si Hayley. Tawa kami ng tawa. Nakakatawang panoorin sina Hayley at Andy. Para silang magkapatid. Ilang minuto na yung lumipas hanggang may lumapit sa amin na lalaki. 

"Hi! Can I sit here?" Wow, ang cute! Biglang may binulong sa akin si Hayley. Sya daw yung lalaki na kwinekwento nya.

"Aba, oo naman." Sabi ko naman ng malakas. Tumabi yung lalaki sa tabi ni Hayley habang katabi ko naman si Andy. Napansin ko na nagblublush na parang kamatis si Hayley. 

"Ah. Ano nga pala name mo?" Tanong ko naman.

"Nathaniel, but you can call me Nathan. How about you?" 

"Uhmm, I'm Abigail. This is Andy and yan si Hayley, yung katabi mo."

"Ah. Wait, you're the girl I've bumped to a while ago. I'm sorry."

"Umm, hindi okay lang yun." Pagkatapos nun, nagkwentuhan lang kami. Sa laking gulat ko, lumapit sa akin si Matt at meron syang hawak hawak na teddy bear.

"Abigail, for you." Inabot nya sa akin yung teddy bear. Tiningnan ko si Andy at kitang kita sa kanyang mga mata ang galit at lungkot. Napatingin naman ako kay Chloe at death stare ang aking naabutan.

"Thank you." Kinuha ko agad yung teddy bear kay Matt at ngumiti. Maya maya, bigla nalang sya tumabi sa akin. Grabe, ang gwapo nya talaga! Nung nakatabi ko pa, ang bango bango!

"Wait, may nagsabi ba sayo na pwede ka umupo dito? Table namin toh, kaya wag ka dito umupo, lalo na sa tabi ni Abigail." Sabi ni Andy.

"Wala. Pero may nakalagay ba na pangalan mo dito? Wala rin so I can sit here anytime and anywhere I want. Plus, Abigail and you are just best friends. I am courting her so I have more right than you." Napansin ko nanaman yung galit at lungkot sa mga mata ni Andy. Tatayo na sana si Andy pero pinigilan ko. 

"Ano ba problema nyong dalawa? Isang linggo ko pa kayo napapansin na magkaaway."

"Wala." Bigla tuloy silang nagtawanan. Ako naman, nalilito kung ano yung nagyayari. Pagkatapos noon, tumunog na yung bell. After1234567 years, uwian na. Paglabas ko sa gate, nakasandal sa pader si Matt.

"Hi Matt!" Tapos lalakad na ako palayo nang hilahin nya yung kamay ko. 

"Wait. Hatid na kita pauwi." Ako naman dito kinikilig to the max. My gosh, why is my heart beating soooo fast.

"Ye-"

"No!" may sumigaw sa likod ko.

"Andy! Anong no?"

"Ha! Eh kasi, ako nalang maghahatid sayo pauwi."

"Ano? Mas nauna ako kaya ako maghahatid kay Abigail."

"Hindi ako na lang maghahatid." Sabi naman ni Andy. Ano ba problema netong dalawa?

"Wait. Ganito na lang. Tanungin natin si Abigail kung kanino sya sasabay. Abigail, sino ang pipiliin mo, ako o si Andy?" Hmmm, parang dalawa meaning nun. Nako, ang hirap pumili. Kapag si Matt napili ko, baka maging  malungkot si Andy. Kapag naman si Andy pipiliin ko, hindi ko naman makakasabay si Matt pauwi. Hayy...Pipili na sana ako nang makita ko si Hayley, palabas sa gate.

"Ah! Ganito na lang. akin na yung mga kamay nyo. Bilis!" Binigay naman nila yung kamay nila sa akin. Pagkatapos pinaghawak ko yung kamay nilang dalawa at tinali ko ng panyo ko.

"Yan! Kayo na lang magsabay paguwi. Sasabay  na lang ako kay Hayley. Bye!" Pagkatapos nun, umalis na ako, tumakbo papunta kay Hayley.

Matt's POV

Minsan sweet talaga si Abigail pero palaging nakakairita. She just annoys me that there's something special about her. Ngayon, stuck na ako kay Andy. Nakakainis. 

"So, about Abigail, do you really like her or just using her?" Tanong ni Andy. Ha? Ano daw? Ako magkakagusto kay Abigail? Liniligawan ko lang sya para magselos sa akin si Chloe. 

"I don't know." Nagsmirk pa ako. Hindi ko talaga sineseryosos si Abigail pero hindi ko alam kung nagugustuhan ko sya.

"Answer it seriously. Do you like her or not?"

"I really don't know. Why? Don't tell me you also like her?"

"Oo, hindi ko alam kung kailan but I liked her so much. If you're just gonna hurt her, don't do it. Ayaw ko syang masaktan lalo na kapag galing sayo. "

Ahh. Kaya pala. Kaya pala ayaw nya akong lumapit kay Abigail kasi gusto nya sya. 

"Fine, then. Whoever Abigail chooses, wins!" Sabi ko ng malakas. 

"Okay. Pero bago tayo umalis, tanggalin muna natin itong panyo sa kamay natin." Ilang beses na namin sinubok na tanggalin yung panyo pero ayaw talaga. Sobrang higpit yung lagay ni Abigail ng panyo sa kamay namin. 

"There's only one way to take this off." Tapos bigla nyang linabas yung gunting. Ha! Anong gagawin nya sa akin? Papatayin nys ba ako dahil inagaw ko yung girlfriend nya? Noo! Please!!

"A-anong gagawin mo sa gunting. Papatayin mo ba ako? Please wag? Pakiusap." Bigla syang tumawa ng malakas. Pati tawa nya, papatayin ako.

"Ano ka ba? Gagamitin ko tong gunting para tanggalin yung panyo sa kamay natin." Ahh! Kasi naman ehh. Kala ko end of the world na para sa akin. Nang natanggal na yung panyo, tinitigan ko sya.

"Bro, let the best man wins for Abigail." Tapos tumungo lang sya. Umalis na rin sya pagkatapos.

Pero...

Sa gwapo kong toh, mananalo ako.


PS: Who do you ship? Comment down below

Don't forget to Vote and Follow!!

What is True Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon