Chapter 1

306 5 0
                                    

Convo sa Chat :

"Chloe nakapag update ka na ba sa facebook page natin? Yung video ba nagawa mo na?" -Sabi ni Claire. (Si Claire ay nakatira sa ibang bansa nagkakilala sila ni Chloe sa internet lamang, ang page na sinasabi niya ay fanpage na ginawa nila para sa kanilang iniidolo (hindi ko na sasabihin kung anong page ito at baka makilala niyo ko haha) pareho silang admin dito at may kanya kanya silang tungkulin, tatlo silang admin ng page ang isa ay si Shine pero si Chloe ang creator ng page.)

"Ate hindi pa po e , pero malapit ko na po matapos, sasabihin ko na lang sayo kung tapos ko na at ipapakita ko muna sayo bago ko ipost baka kasi may mga mali akong nalagay." - Sabi ni Chloe kay Claire na walang ibang ginawa kundi mag mando sa kanya.

"Osige. Pakita mo muna sa akin , kung may mali ayusin mo na lang ulit." -Sabi ni Claire

"Sige ate." - Sabi na lang Chloe para matapos na ang usapan.

"Naisip niyang i-pm si Shine."

"Shine andiyan kaba? Naiinis nako e. :(" -Sabi ni Chloe sa pm niya kay Shine.

"Lumipas muna ang ilang minuto bago nabasa ni Shine ang pm ni Chloe. Nagtataka siya kung bakit ito naiinis kaya sinagot niya agad ito."

"Chloe, what happened? May problema ba sa page? Why are you sad? " - Pag aalala ni Shine.

Nabasa naman agad ito ni Chloe dahil lagi itong online.

"Si ate Claire kasi naiinis nako sa kanya hindi man lang niya iniisip kung pagod ba ako o kung may tulog na ba ako? Walang importante sa kanya kundi yung page. Alam ko namang iisa lang ang layunin natin for that page pero tao lang tayo napapagod din. Hindi naman tayo sumasahod sa gingawa natin diyan pero sana kahit concern man lang magkaroon siya. Hinanakit ni Chloe kay Claire."

"Medyo natuwa si Shine kasi pareho sila ng nararamdaman ni Chloe hindi niya lang masabi kasi ayaw niya ng pagtuunan ito ng pansin pa. Pero tama naman si Chloe masyadong bossy si Claire upisa pa lang naramdaman niya na din ito."

"Chloe , oo alam ko yang nararamdaman mo, kahit ako naiinis na din sa pagiging bossy nya. Akala ko ako lang ang nakakaramdam nito. Kundi lang dahil sa page na yan umayaw na ko saka inaalala ko kayo kaibigan ko din naman kayo e. Kaya hindi ko kayo maiwan , kahit sa internet lang tayo nagkakilala mahal ko kayong mga kaibigan ko." -Sagot ni Shine kay Chloe.

"Oo mahal ko din kayo, ang grupo natin ikaw, si ate Claire, Shiela, si Deinne, at yung dalawa nating ate's na may edad na satin si ate Jenny at ate Kath. Kahit naman sa internet lang tayo nagkakilala alam ko namang totoong tao kayo at mapagkakatiwalaan." -Sabi ni Chloe.

"Yung dalawa nating ate's ang babait nila noh? buti pa sila makikita na yung idol natin, tayo kaya? hmm.." -Pag iiba ng topic ni Shine.

"Oo nga nakakainggit, mahirap lang kasi tayo di natin afford ang mag layag sa malayo. hehe ipanalangin na lang natin na bumisita ng pilipinas ang idol natin." -Naiba na rin ang mood ni Chloe.

Cont.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Best Friend  is My Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon