Isang buwan.
Isang buwan na ang nakalipas mula nung training.
Di na ko bumalik.
Alam kong magiging mas awkward lang ang lahat para samin.
Siguro iniisip nyo kung anong nangyari nung gabi naabutan ko siya sa gate ng subdivision.
Sige para san pa ba ang kwentong 'to? Dun din naman mapupunta.
*flashback*
Nakita kong malayo ang tingin ni Van habang nakaupo sa gutter. Bigla niya akong nahagip ng tingin at tumayo siya mula sa gutter papunta sakin.
"Chelle, ba't ngayon ka lang? Wala bang nangyaring masama sayo? Si Jerome bat di ka hinatid? Michelle?" sunod-sunod nyang tanong.
"Van likes you, Chelle." Biglang sabi ng guni-guni ko. I need to get this thought off my mind.
"Sorry na po Tay. Ang dami pong kwento ni Jerome, napatagal. Tas dumaan rin po ako sa National para dito." Sabay pakita ng bago kong Rainbow Rowell book. Landline.
"Good that you're safe. Tumakbo ko pabalik kanina kaso nakasakay na pala kayo sa jeep. Ayun." sabi niya. Sounds apologetic tho.
"Okay lang yun, ano ka ba. Nakalibre naman ako ng Mcdonalds sa bestfriend mo eh.''
" I hope he didnt say something weird to you. "
"Wala naman I think, binobola lang naman niya ako and I'm resistant to that. You know." Ayoko sabihin sa kanya yung 'Van likes you spiel' nung Jerome nayun.
"Oo nga." Then he laughed awkwardly. "Nga pala about dun sa seminar, joining?" Turo pa niya sakin.
"Oh, about that Van, I think kasi hindi kaya ng schedule ko. Alam mo na, 7am-5pm ako mondays to fridays plus may taekwondo training 5pm onwards. Weekends lang ang rest day ko. Pero kahit di naman member pwede bumalik diba?"
"Yup, pwede bumalik pero iba pa rin kasi pag member ka na." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Sana Di Na Lang
Teen FictionMay mga bagay na masakit, masalimuot, nakakawasak ng damdamin na nangyayari sa 'tin na kadalasan hinihiling natin na sana di na lang.