Note: Please ignore if you notice some typo error and wrong grammar.Lory Pov!
"Bwisit!" tinaggal ko ang necktie ko pagkabalik ko ulit sa kwarto ko.
"Bakit?" tanong ko sa kanya habang nag.aayos ako ng bag ko.
"Lolo want us to attend another interview."
"Di ba may meeting ka ngayon?"
"Yeah!"
"Eh pano yan?"
"Siya na lang daw ang magpepresent. My effort was just wasted! Ilang araw kong pinag.aralan ang report kong yun tapos ang aga kong gumising kanina to make sure that everything will be perfect wala rin lang palang silbi!"
"Hayaan mo na ang lolo mo."
"Sana sinabi niya yun kaagad para naman nakapag.enjoy tayo ng maayos kagabi at para na rin hindi ka gumising ng maaga at nakapagpahinga ka pa sana ng maayos." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Kahit nga siya parang natigilan rin sa sinabi niya.
"Magbibihis lang muna ako." tinalikuran niya ako dimiretso sa harap ng cabinet.
Teka ano tong nararamdaman ko? Tumitibok ang puso ko. Huwag kang titibok para kay Xander. Please lang.
************
''What now?" sabi niya pagkabalik namin sa kotse galing sa interview. Lahat ata ng mga tanong sa una naming interview katulad ng kanina pero yung mga sagot mas lalong lumalalim kaya pakiramdam ko mas kinilig ako kahit hindi ko gusto naiilang na tuloy ako sa kanya. "May gusto ka bang puntahan?" ano ang isasagot ko?
"Wa-wala. Hin..hindi ba tayo pwedeng pumunta sa company?"
"Hindi rin. Si Lolo na lang daw muna ang bahala sa kompanya. Gusto mo dalawin natin magulang mo?"
"Wala naman sila ngayon sa bahay."
"Ganon ba? Alam ka na. Get in."
"Saan tayo pupunta?"
"Basta."
***********
"Dito ka lang okay?" pumasok siya sa bilihan ng mga cellphone. Ano naman kaya ang gagawin niya dun? Bibili ba siya ng bago? Pero grabe kinikilig ako sa kanya. Limang minuto na ang lumipas wala pa rin siya kaya kinuha ko ang phone ko.
15 missed call.
Chineck ko kung kanino galing yun. Two missed galing kay Blast at ang iba ay galing kay Mike. Halos mapuno ang phone ko sa mga messages niya pero bakit ganon? Bakit parang wala na akong maramdamang kilig o kahit tuwa kagaya ng dati kapag nakakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya. Wala na rin akong ganang basahin pa yun kaya kahit hindi ko pa nababasa ay binura ko lahat ng messages niya.
Hindi ko alam kung paano nangyari ito dahil kahapon hindi ko maitatanggi na may nararamdaman pa ako sa kanya pero ngayon parang naglaho na lang ang buo kong pagmamahal kay Mike. Siguro ito na ang katuparan sa lahat ng mga dasal ko at laking pasasalamat ko sa naging tugon at natutuwa ako para sa sarili ko.
"Here." nagulat na lang ako ng makita ko si Xander sa tabi ko.asyado ba akong naging abala sa pag.iisip at hindi io siya namalayang pumasok ng kotse? May binigay sakin na isang pirasong candy. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil kahit isa binigyan niya ako dahil isang supot ng candy
ang hawak niya. Agad niya itong nilagay sa loob ng bag niya na nasa passenger seat. Hindi ko na lang ito pinasin at sinubo ko na lang ang binigay niya sakin pagkabukas ko nito."Bakit mo kinain?" nabigla ako ng sumimangot siya.
'Ba-bakit?"
"Wala! Akin na yan!" inagaw niya sa kamay ko ang balat ng candy. ang bilos talaga magbago ng mood niya. Okay pa kami kanina tapos ngayon nagagalit siya na kinain ko ang candy na bigay niya niya. Ano naman ang gagawin ko dun kapag hindi ko kinain. Magalit ka Lory. Bakit hindi ako nagagalit? Iba na talaga to. "Ito na nga pala!" tinapon niya sakin ang kakabili niya pa lang na simcard.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Fake Idiot Fiance
Roman d'amourI'm not an ordinary man kaya mula bata hindi ko naranasan ang magkaroon ng ordinaryong buhay at mas lalo itong gumulo when I met this girl na unang babaeng naglakas ng loob na kalabanin ako. Yes, she is strong but she's not clever in short tanga siy...