C&♥3
HiredNakarating na ako sa isang hotel dito sa Cebu. Radisson Blu na tulad ng sabi ni Bench ay malapit lang sa isang mall. Maganda ang Cebu at di tulad sa Maynila, kahit syudad siya, malinis ang hangin lalo na nang napadaan ako sa Marcelo Fernan Bridge. This is a new life I'm sure.
"Miss Jimenez?" Tanong nung babae sa reception.
Pagkapasok ko sa room agad kong nilapag ang bag ko. Nandito na kasi yung bagahe ko dinala nung room boy. Brown at cream ang combinasyon ng mga furniture at wall.
Tinanggal ko ang sapatos ko.
"Presidential Suite, huh?" Napailing ako sa kawalan.
Si Bench talaga.
*Phone ringing*
YUAN CALLING!Agad kong pinatay ang cellphone ko at tinanggal ang sim card sa sobrang kaba.
Oo nga pala, dahil di niya na ako tinitext noon, akala ko di niya na ulit ako ititext! At dahil naospital siya sa aksidenteng nangyari isang linggo pa lang ang nakararaan, hindi siya nakakapagtext o tawag sakin. Ngayon, siguro nakalabas na siya ng ospital. Tinawagan niya ako agad!
I love him but we can't be together. Hindi alam ni Dad na ganito ang nangyari kaya ako umalis. Pinagtakpan na ako ng pinsan kong si Bench sa lahat ng nangyari. Siya din ang nagkumbinsi kay Daddy na payagan ako sa paglayo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ni Daddy pag nalaman niya. Baka mas lalong magkagulo.
Binuksan ko ang laptop ko para makapag Skype kay Denise dahil yun ang payo niya sakin pagkarating ko raw dito sa Cebu.
"Tagal kong naghintay huh!?" Pambungad niya sakin nang nag online na ako.
"Tinawagan ako ni Yuan-"
"SHHH! No-Yuan-allowed-conversation please? You want to move on or not?" Nakataas ang isang kilay niya.
"Okay. Okay..."
"Una sa lahat, itapon mo yung sim mo." Aniya. "Bumili ka ng bago diyan sa mall, I'm sure meron. Don't dress to much dahil sabi mo sakin gusto mo ng simpleng pamumuhay, diba?"
"Oo. Tatlong araw lang ako dito, maghahanap lang ako ng apartment na mura tapos maghahanap din ako ng trabaho ngayon."Nagkasalubong ang kilay ni Denise.
"Oh Eli... Are you sure you're doing this? Ang yaman niyo, pwede kang pumuntang Europe dun mag-aral kahit di ka na magtrabaho, ba't yang buhay na yan pa ang gusto mong mangyari sayo?"
"D, gusto kong mamuhay ng simple."
"Hay! Okay. May tatanggap ba ng highschool graduate? Anong klaseng trabaho ang gusto mo? Siguro sa mga fastfood chains?" Sabi niya habang tinitignan ang mga papel na mukha niprint niya para sakin. "Heto... May waitress... tsaka marami pa... See?" Pinakita niya sakin sa webcam.
"Kahit ano, okay lang." Sabi ko kahit natatakot ako dun sa sinabi niyang 'waitress'. "Email everything."
"Huh?"
![](https://img.wattpad.com/cover/130049057-288-kbf134d.jpg)