Author's Note/Personal Commentary

150 7 1
                                    

Personal Commentary:

Bagong extra segment lang ito kung saan mag-cocomment ako sa storyline ko, and some behind the scenes insight tungkol sa pinagmulan nitong story.

Well itong Outbox ay Re-write lang ng dati kong Oneshot, kyung unang version kasi nito ay super corny, at medyo ang amateur ng dating at tsaka maikli lang, kaya hindi masyadong nabigyan ng explanation yung mga scenes, na bigla na lang may nagaganap. Hindi ko na masyadong hinighlight yung Bestfriend-zoned part kasimedyo stretched out na yung ganung plotline kaya nag-focus ako dun sa pagkakaroon ng "Knight in Shining Armor" ng Protagonist.

Personally fan talaga ako ng mga second leads. Kahit sa mga Korean Drama, minsan ayoko talaga dun sa bida, at mas gusto ko pa yung second love interest, kasi ito yung mas mabait, hindi yung stereotype na mayabang, gangster, alpha male attitude. Kaya ayun si Lucas ang napili kong makatuluyan ni Eileen, at hindi si Kael.

Anyway dapat may scene pa talaga sa story na papapiliin ni Lucas si Eileen na kung gusto niya talagang makasama si Kael o siya, pero in the end ay si Lucas parin naman ang pipiliin ni Eileen. Kung napasama yung scene na yun ay baka mas humaba pa dahil sa turning point na yun. 

About sa characters naman personal favorite ko ay si ay si Eloisa, why? Kasi Siya yung epitome ng tunay na kaibigan, hindi siya naging plastic kay Eileen, at in the end ay nagkabati sila, although hindi na-detail sa story, pero bibigyan ko siya ng exposure sa Special Chapter, kung saan mabibigyan ng focus kung anong nangyari sa kanila ni Eileen through the years after ng events ng story. Pinaka-hate ko siguro yung mga unggoy na bumugbog kay Lucas, mga High school kids na walang magawa kundi mambug-bog at mambully  ng grupo sila tapos pinag-kakaisahan yung isang tao. Mga walang magawa. Ayun, nakakapag comment ako ng ganito kasi minsan talaga may mga ganung chances na magsusulat ako nang hindi ko namamalayan.

Overall, I would say na hindi ito ang best ko, although ni re-write ko na siya may mga na-feel pa rin ako na mga kakulangan, siguro dahil naging convicted ako dun sa pagka one-shot short story niya, kaya ayun medyo napahaba na nilimit ko siya sa ending. 

And that's it for my Personal Commentary Section. Sana nagustuhan niyo ang Outbox Thank you and keep supporting me for my future projects. 

---

Author's Note:

Hi Guys, sana nagustuhan niyo yung story ng Outbox. Aaminin ko medyo natagalan talaga ako sa pagsusulat nito, kasi nagkaron ako ng mga issue sa pagbuo ng plotline, kaya medyo napahaba din yung story gusto ko lang sabihin na Thank you sa pagbabasa nitong story, at sa pagbasa nitong A/N. ko. Yun lang, VoteComment anyhing.

Follow (optional) dahil may Special chapter ito na naka-private for my followers. Hindi naman big deal yun, kung magfofollow ka, un-follow mo na lang after, kung masyadong big deal para sa'yo ang pag-follow sakin. Hindi naman ako Famewhore para pilitin kang i-follow ako. Yun lang.

Babalik na nga pala uit ako sa pag uupdate ng The Ex Factor  ang On-going story ko, actually may isa pa dapat akong One-shot na irerelease, pero nagkaroon lang ako ng issues sa pagtapos doon. May iba kasing nagdedemand na sakin na i-update na yun. About naman sa On-hold ko na story, Don't Go Pinaplano ko siya i reboot yung plot, kaya abangan niyo na lang in the near future kung anong mangyayari.

External Link on the right para mabasa ang prologue ng The Ex Factor. Thanks!

-- Seydee

Outbox (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon