Klein
Dumating bigla ang teacher namin kaya hindi ko na nasabi kay aya ang nangyari kanina. Maraming diniscuss ang teacher namin pero ni isa walang pumasok sa utak ko. Nan dito ako sa school pero ang utak ko nasa labas.
"Class dismiss"Pagkatapos sabihin ni miss yun ay biglang nagsalita si aya."Klein? Are you okay? Because you look pale" pag aalalang sabi niya.
"Yeah...I'm fine....maybe? I don't know" magulong sagot ko sa kanya dahil kahit ako hindi ko alam kung okay lang ba ako o hindi.
"What's the matter?" tanong ni aya.
"Mamaya ko na ikwekwento sayo, punta muna tayo sa cafeteria dahil baka mamaya wala na tayong mauupuan" sagot ko, pilit ko siyang nginitian at hinila.Alam kong alam niya na peke lang ang aking ngiti pero pumayag pa rin siyang kaladkarin ko siya sa cafeteria. Pagdating namin maikli palang yung pila saka marami pang available na table kaya pumila na kami at namili na ng pagkain.Pagkatapos namin mabayaran yung pagkain, umupo kami sa may dulo.
"So, what happen awhile ago?" sabi ni aya habang nakatingin sa akin.
-------------------------------------------- Flashback-------------------------------------------------------------
Paalis na ako ng bahay ng biglang may nabasag galing sa kusina at kasabay ng sigaw ni papa sa pangalan ni mama . Kaya nagmadali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nila.Naabutan kong karga na ni papa si mama.
"Klein, buti naman nandito ka pa kumuha ka ng pamaypay at tubig tapos dalhin mo dito sa sala" utos ni papa. Kaya agad kong nilapag ang bag ko. kinuha ko kaagad yung pinakuha niya at mabilis na binigay sa kanya.
"Paypayan mo ang mama mo" sabi niya at ginawa ko naman yung utos niya. Si papa naman ay binuhusan ng kaunti si mama sa mukha para magising sapagkat hindi pa rin siya nagigising kaya inulit ulit ni papa hanggang tatlong beses pero wala pa rin.
"Pa, bakit hindi pa rin nagigising si mama diba pagnahihimatay ang tao ganito lang yung ginagawa para magising?" Natataranta kong sabi kasi hindi ko na alam ang gagawin dahil first time na nangyari to sa akin.Tinignan ko si papa at hindi ko maipaliwanag kung ano ang expression niya kaya mas lalo akong nagaalala.
"Dadalhin ko na sa hospital ang mama mo" sabay tayo ni papa at binuhat niya na si mama.
"Sasama po ako" sabay tayo ko.
"Sige tutal malapit lang naman ang school mo dun at para maalalayan mo rin ang mama mo sa tricycle" sabi ni papa. Nauna akong pumasok sa tricycle at dahan dahan namang pinasok ni papa si mama sa loob at sinandal sa balikat ko. Nangmakarating na kami sa hospital ay agad namang inisikaso ng mga nurse si mama.
"Anak pumasok ka na, ako na ang bahala sa mama mo" sabi ni papa.
"Pa, pwede po bang aabsent nalang ako ngayon? Kasi baka pagpumasok po ako hindi rin ako makapagfocus dahil nagaalala po ako sa kalagayan ni mama ngayon" paliwanag ko.
"Pumasok ka na baka paggising ng mama mo at nalaman niyang hindi ka pumasok ng school magagalit yun sa akin dahil hindi kita pinapasok, saka ngayon ang result ng exam niyo diba?" Sabi niya. Tumango nalang ako at hindi na nagpumilit kaya nagpaalam na ako at lumabas na ng hospital. Naalala ko bigla na may usapan pala kami ni aya na aantayin niya ako sa labas ng room kaya nagmadali na akong maglakad dahil labing isang minuto nalang malelate na ako at baka kanina pa nagaantay si aya sa akin.Nasa malayo palang ako ay natanaw ko na agad si aya kaya tumakbo na dahil limang minuto nalang ay malilelate na kaming dalawa
----------------------------------------------End of Flashback---------------------------------------------------
"Omg! Kaya pala ganun yung itsura mo kanina, sana okay na ang mama mo ngayon" malungkot na sabi niya.
"Sana" yun nalang ang nasabi ko.
"Pag uwi mo ba didiretso ka na sa hospital?" Tanong ni aya.
"Oo, para malaman ko na kaagad kung okay na ba si mama" sagot ko.
"Sasama ako sayo mamaya ah kasi gusto ko rin malaman kung okay na si tita saka mamaya na rin ipopost sa bulletin board yung result ng exam" sabi ni aya sa akin. Bigla ko namang naalala na ngayon ipopost yung result ng exam at medyo kinakabahan ako dahil may mga hindi ako nireview doon.
Bago ako dumiretso sa hospital tinignan ko ang result ng exam at laking tuwa ko na nakapasa ako sa exam kaya kahit papaano nabawasan ang kaba sa aking dibdib. binuksan ko ang facebook account ko at pinost ang nangyare kanina.
Klein Martinez just now
Thanks G for passing my exam, but I hope that my mother is well already.
Matthew Xavier Moore commented on your post
Everything is gonna be alright bebegurl. Congratulation you did it. *insert smiley*
gusto ko mag reply sa comment niya pero sa ngayon ang iisipin ko muna ay si mama. Matapos namen tignan ang result sa bulletin dali dali kameng pumunta sa Asuncion Hospital. Nang makarating kame sa hospital pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakaupo si papa tabi ni mama habang natutulog, nagising si mama ng maranig niya kameng pumasok.
"Oh anak kamusta ang grades?" tanong niya na halatang nanghihina pa.
"Okay lang naman ma, wag mo muna intindihin yun ang mahalaga maging okay ka" sagot ko habang pilit na ngumiti.
"Mabuti naman anak" sagot niya nahalatang malungkot.
"Ma? ano daw bang sakit mo?" seryosong tanong ko. sa halip na sagutin ang tanong ko ngumiti lang si mama at sinabeng matutulog muna siya para makapag pahinga kaya inalalayan ko siyang humiga. Kinakabahan ako sa mga ikinikilos ni mama pero ipinagwalang bahala ko na lang.
YOU ARE READING
I'll Be Back With Someone
Teen FictionExpect The Unexpected !!! Does LONG DISTANCE RELATIONSHIP work? "Kung mahal ka, babalikan ka!" yan ang sabi ng iba. pero lahat ba ng bumabalik mahal ka talaga? Maibabalik pa ba ang dating wala na? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahal mo sa...