Chapter 10 ~ Confession

68 3 0
                                    

Chapter 10 ~ Confession

Hanggang ngayon bumabagabag pa rin sa isip ko 'yung nalaman ko kahapon. Kian ang nickname ni Kurt. Dapat wala na akong iniisip dahil sa mga sinabi ni Kiel sakin kahapon pero bakit gan'un? Lalo pa akong nag-iisip ngayon. Hay, ang complicated naman ng buhay na 'to.

"Oh, nag-iisip ka na naman ng malalim." Sabi bigla sakin ni Kiel na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala.

"Sorry." Tanging salitang nasabi ko.

"Iniisip mo 'yung Kurt na 'yun 'no? Tss." Sabi niya na parang inis. Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Hindi kaya siya nga si Kian na kababata ko?" tanong ko.

"Dara naman, baka naman coincidence lang. Ang dami-daming may nickname at pangalan ng Kian sa mundo. Tsaka malay mo hindi talaga siya. Tsaka baka may Kian ka talagang kababata at hindi 'yun." Sabi ni na parang badtrip talaga. Teka, hindi nga kaya badtrip siya?

"Baka nga lang kasi Kiel. Gusto ko siyang makausap."

"Ah, basta bahala ka na d'yan. Kausapin mo siya kung gusto mo." Sabi niya sabay umalis siya sa tabi ko. Ang labo nitong taong 'to. Galit siya? Inis? Bakit? Ano bang kasalanan ko? May ginawa ba akong masama?

Biglang pumasok si Ma'am Ahmie sa room namin.

"Hello class. I just want to tell you na sa next next na ang Periodical Exams ninyo." Halo-halong ang reaksyon ng buong klase. "Kaya I want all of you na pag-igihan pa. Lalabas din ang ranking ng buong 4th year. Kayo ang first section kung kaya't ine-expect ko na gagalingan ninyo. Okay, 'yun lang." tapos lumabas na siya ng room. Napatingin naman ako kay Audrey at nakatingin na naman siya sakin ng masama. Umirap siya sakin sabay alis ng tingin. Ano bang problema niya? Kung gusto niyang makuha ang pagiging first, walang kaso sakin 'yun. Hindi naman ako competitive.

Uwian. Nakakapanibago dahil hindi kami sabay ni Kiel. Mag-isa lang ako ngayong naglalakad. Dadaan ba ako sa park o hindi? Naisipan kong bumili na lang ng makakain sa convenience store kaya 'dun ako nagtungo.

Papasok pa lang ako ng store ng may makasalubong ako. Si Kurt. Nakatingin siya sakin. Hindi ko siya matignan dahil napakseryoso ng mga mata niya.

"Gusto kitang makausap." Sabi niya. Tumungo ako.

...

Dapat sa store kami mag-uusap pero ayaw niya roon. Sumama raw ako sa kanya, kaya eto ako ngayon, sumusunod sa kanya. Nakarating kami sa park kung saan ako madalas. Dito? Kung kelan ayokong pumunta rito tsaka naman ganito. Nananadya yata ang tadhana.

Umupo kami sa may bench kung saan kita ang playground. Inabutan niya ako ng tinapay at juice. Kumain daw muna kami dahil baka gutom na ako. Tama siya, gutom na nga ako dahil kakain nga ako dapat 'dun sa convenience store. Mabilis naman naming naubos ang pagkain.

"Ahh..." napatingin ako sa kanya. Mukhang may gusto siyang sabihin. "Kumusta?"

"Ayos lang naman." Medyo natawa ako dahil alam kong hindi 'yun ang gusto niyang sabihin.

"Ah." Sagot niya. Kilala si Kurt bilang isang taong mahirap kausap dahil nga sobrang tahimik niya at mahirap i-approach. Nakakailang ba. Siguro ay hindi lang talaga siya sanay.

"Wala nang challenge sa school." Sabi niya habang nakatingin sa playground.

"Ha?"

"Sabi ko wala nang challenge. Easy - easy na lang sa school ngayon, wala ka na kasi." Natawa ako.

"Kahit naman nandun ako ay ikaw pa rin ang First 'no. Ikaw pa, napakatalino mo." Umiling-iling siya.

"Alam kong kaya mong maging first, ayaw mo lang." Ha? Ano? Bakit? Bakit ganito ang mga sinasabi niya?

I Will Never ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon