Chapter 12 ~ First
“Papa!” bati agad ni Hero kay Kiel nung nakita niya. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Napagpasyahan naming pumunta rito dahil alam kong miss na ni Hero si Kiel.
About sa sinabi niya kanina. Wala akong nasabi agad. Nag-loading pa ‘yung utak ko kung totoo ba ‘yung mga narinig ko. Pumuyag din ako na manligaw si Kiel dahil siguro naman ako na may feelings din ako for him. Hindi naman ako pinagbabawalang magka-nobyo eh, basta maging responsible lang daw ako. Ang laki nga ng ngiti ni Kiel eh.
“Kumusta ka Hero?” tanong ni Kiel kay Hero na sobrang ngiti rin. Nakitingin lang ako sa kanila.
“Ayos lang po. Bakit po hindi kayo pumupunta rito?”
“Kasi pinagselos ako ng mama mo.” Ano? Kiel, adik ka talaga.
“Selos po? Ano po ‘yun?” tanong ni Hero.
“Hero, wala ‘yun. ‘Wag ka making d’yan sa papa mo.” Sabay tingin k okay Kiel, natatawa lang siya.
“Oh, may bisita pala tayo.” Nagulat ako nung biglang dumating si Papa sa may pinto kasama si Mama.
“Tamang-tama, magluluto ako ng hapunan. Dito ka na maghapunan Kiel ah?” sabi ni Papa.
“Ah, sige po. Salamat po.” Pumunta naman agad si Mama sa kusina. Oo nga, malapit na palang maghapunan.
“Kumusta ka naman Kiel?” tanong ni Papa kay Kiel.
“Ah, ayos naman po ako.” Casual na sagot ni Kiel.
“Hmmm.” Sabi lang ni Papa sabay upo sa sofa. Nakatingin lang kami ni Hero sa kanilang dalawa. Mabait naman ‘to si Papa eh, promise.
“Sir, may sasabihin po ako.” Sabi bigla ni Kiel. Ano kayang sasabihin niya kay Papa?
“Hm? Ano ‘yun?”
“Ah, sir, gusto lang po sanang magpaalam sa panliligaw po kay Apryl.” Sabi ni Kiel. Nanlaki bigla ‘yung mata ko? Inunahan niya pa ako magpaalam ko sa mga magulang ko. First time may manliligaw sakin kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Ahh Pa–”
“Gan’un ba?” sabi lang ni Papa sabay tingin sakin. Bigla naming sumulpot si Mama galing kusina.
“Tama ba ‘yung narinig ko? Liligawan mo ang anak ko, Kiel?” sabi ni Mama. Amoy ko ‘yung niluluto niya. Sinigang, favourite ko ko.
“Opo. Totoo po ‘yun. Seryoso po ako at malinis ang intensyon ko kay Apryl.” Sabi niya kay Mama sabay tingin kay Papa.
“Pumayag ba si Apryl?” sabi lang ni Papa. Hindi naman siya mukhang galit. Tumingin siya sakin.
BINABASA MO ANG
I Will Never Forget
Teen Fiction"Minds can forget, but our hearts can't" Apryl is a high school student who met a guy. She never imagined she'll fall for someone. She thought her life would be normal, but then, she was wrong. One day they met a child and their so called 'normal' l...