A/N: Last flashback for the TBP! Kindly read by lines :”) Enjoy reading this! Honestly, naeexcite na akong itype ang next chapter hihi :*
TBP: CHAPTER 25
*Process of Moving On*
Author’s Pov (Akira Bratinella)
Flashback~
Lumipas ang dalawang linggo na kahit isang ngiti sa kanyang mga labi ay hindi na nakita. “Babygirl, aalis ka na ba? Ihahatid na kita.” Mr. Kendrick said but Kisha instantly shook her head.
“Just leave me alone dad, I can take care of myself.” Kisha said at lumabas na. Her dad sighed, alam niyang wala na sila pero hindi pa rin nito alam ang dahilan dahil hindi nito makausap ng maayos ang anak niya.
Hindi ito kumakain, kumain man ito ay daig pa ng sanggol ang dami ng kinakain niya, namamaga na rin ang mga mata niya that forms dark circle on her lower eyes. Nasasaktan man si Mr. Kendrick ay wala itong magawa dahil gusto niyang bigyan ng kahit kaunting space ang anak nito.
Ipinaharurot na ni Kisha ang kanyang sasakyan patungo sa kanyang paaralan. The moment she got outside ay pinagbubulungan na siya ng mga estudyante, hindi na lamang niya ito pinapansin dahil sanay na siya sa mga bulungan ng mga ito.
Nakarating siya sa classroom at mabilis na Binuksan ang kanyang mga aklat at pinag-aralan na niya ang kanyang mga lessons para sa susunod na araw. Sakto naman ang pagdating ng kanyang dalawang kaibigan.
“Kisha, okay kanaba?” Cyrill asked worriedly. Hindi man lamang siya tinignan ni Kisha. “Is there any reason for me not to be fine hm?” Kisha asked harshly kasabay ng pagtaas ng ulo nito mula sa binabasa.
Nabigla siya ng bigla na lamang siyang yakapin ni Jiezyl. “I-it’s okay. You can cry, maaga pa naman. Sige na, ilabas mo na yan.” Jiezyl said calmly at nakita niya ang pagtulo ng mga luha ni Cyrill.
She has no choice but to cry. “J-jiezyl, bakit ang sakit?” Kisha sob and Jiezyl just wipe her tears using her thumb while Cyrill stroke her hair. “That’s because you love him too much.” Jiezyl gave her a weak smile kasabay ng pagtulo ng mga luha niya.
“Pa-panget ba ako?” Kisha asked, indeed she lost her self-confidence. Mula kasi ng maghiwalay sila ni Steven ay iyon na ang inisip niya, she thinks she was not beautiful, she was ugly, kaya nagawa ni Steven ang bagay na iyon.
Jiezyl put her index finger infront of her lips, inshort she hushed her. “Sssh. No, no don’t say that okay? You are beautiful. Don’t ever say that Kisha.” Jiezyl said at tumingin na ito sa ibang direksyon dahil hindi na niya kinakaya na makita ang kaibigan nila sa ganitong kalagayan.
They knew what happened at maski sila ay galit na galit kay Steven and Chloe sa ginawa nila kay Kisha. Wala silang karapatan para gaguhin si Kisha ng ganoon.
“Walang-hiya talaga yang Chloe na yan! Napakalandi niya!” Cyrill screamed at the top of her lungs causing Georgia to look at her dahil Naglalakad ito sa corridor. “What did you just say?” Georgia asked while arching an eyebrow.
“Malandi yang bestfriend mo right?” Cyrill bite back, galit na galit na rin ito. Pumasok na rin si Georgia sa room nila, “Oh really? She may did that pero wala kang karapatan para sabihan siya ng malandi!” Georgia shouted at Napailing nalang si Jiezyl.
Kahit naman kasi mali ang ginawa ni Chloe, kaibigan pa rin siya ni Georgia kaya naman nagpintig ang tenga niya sa kanyang narinig. “So anong tawag mo sa kanya? Bukod sa kabet, malandi, makati, haliparot, higad, kiti-kiti, buni, an-an, ipis, ahas, lamok, hipon… uhmm, ano pa bang kulang?” Cyrill challenged and Georgia just smirked.
BINABASA MO ANG
The Bitter Princess (The Past or The Present?) On Hold
Genç KurguThis is a story of a girl who became bitter because she suffered so much. Heartaches, pain and agony. She curse to herself not to love anymore but what if she met him? She met this guy who prove to her that love still exist? But how can they'll be t...