chapter 19

10.6K 384 42
                                    


Chapter 19

[Brandon]

I blamed myself a million times.

Ang gago ko para ipahamak siya ng ganito. Sa simula pa lang alam ko'ng mali pero pinilit ko parin sa kagustuhang makasama siya.

I'm sorry  Ana kung sinuway ko ang kagustuhan mo. Alam ko naman na hindi pa ito ang tamang panahon pero kailan ba? Kung hindi na talaga niya ako maalala pa? at makahanap siya nang iba? No, please! I won't let it. She promised me.

Seeing her lying in bed hopeless, parang naulit lang ang kahapon at gusto kong talunin ang sarili ko.

I grabbed her hands at brought it to my lips.

"I'm sorry baby..."

After she passed out, I rushed her to the nearest hospital. Ang sabi ng doctor ay okay naman siya,nilagyan lang siya ng oxygen dahil ang bilis ng kanyang heartbeat at hindi na niya ito mahabol. Pinagpahinga din siya.

I know I triggered her memory, doon pa lang sa bar ay takot na ako. Ganoong ganoon ang reaction niya noon at natatakot akong lumala ang kanyang kondisyon kaya itinakas ko siya agad ngunit nasundan kami. Nasiyahan ako sa tapang na pinakita niya, I thought she overcome the violence in the past but when she passed out dahil nabaril niya si CJ ay halos mamatay ako sa takot.

She called me Brad. I wanna celebrate but I'm too scared that I might lose her again.

"Brandon, I'm sorry. There's still no signs." Ana said.

It's been 8years since that tragic.

"Anong sabi ng doctor? Pwede bang e trigger?" Pamimilit ko, ganito naman lage e pero nabibigo lang ako.

"Hindi na kami nagkukunsulta ng doctor e, nagtatanong na kasi siya kung bakit e ayaw naman ni mama ipaalam baka daw kasi ikakasama niya. Maayos na kasi si Mona, Brandon."

Nabigo na naman ako. Alam kong hindi biro ang pinagdaanan ni Mona, hindi ko lang talaga kaya ang kalimutan niya ako.

When their parents died nandoon ako ngunit ni hindi niya ako sinulyapan. Ana keep me away from her dahil ayaw niyang pati ang kapatid ay alalahanin pa niya now that they are mourning. Hindi ko sila ginulo, my dad said I should be focusing on my studies. Isang taon nalang ako sa military ay gagraduate na, nag home school din ako ng business course. 

Itinoon ko nalang ang lahat sa pag aaral at sa military noong nalaman kong sa ibang bansa ito magkokolihiyo. I'm sure she'll be safe there dahil napalibutan na siya ng mga bagay na hindi magpapa alala sa kanya ng nakaraan.

Years after years nagkita uli kami ni Ana, kinumusta ko agad si Mona.

"Brandon, all I want for my sister is a happy life. Ayaw Kong maalala pa niya ang pang aabuso dati kahit pa katumbas nito ay kalimutan ka." Sabi niya.

Mapait akong ngumiti.

"What if magpapakita ako kanya?" Giit ko.

She glared at me.

"At ano? Maalala lang niya yung bangungut sa kabataan niya?" Galit niyang sabi.

"No...I mean. Sabi mo nga diba na walang ng signs na alala noon, I'm sure hindi na niya ako mamukhaan magpapakilala ako sa kanya muli."

Pumikit siya ng mariin at hinilot ang sintido.

"Alam kong wala kang kinalaman sa kahayupang ginawa nila kay Mona, pero nandoon ka. Nakalimutan mo na ba noong bumisita ka sa kanya sa ospital? Did you remember the horror in her face? Maawa ka naman sa kapatid ko Brandon, hayaan na natin ang nakaraang iyun."

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon