The Scandal of Grace
BOOK ONE
Written by: JeVeDes1496
“Love is not self seeking-it always PROTECTS, always TRUSTS, always HOPES and always PERSEVERES.”
“So Mr. Fernandez, how do you define a family??”
I can’t move.
I can’t even open my mouth and answer Mr. Pocholo’s question who by the way, is our Philosophy Professor that has a bald head and very-very thick eyebrows.
How will I define a family?- - - Pano nga ba? Paano ko nga ba to sasagutin?? If I myself never experienced to have a family. Blankong-blanko ako. Halos walang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
Hanggang sa maramdaman kong may nangangalabit sa aking likuran kaya bigla na lamang ako napalingon sa kanya.
“Pst! Pssst! Sabihin mo, FAMILY is……. “Father, Mother, I Love you””
Napatitig na lamang ako sa babaeng ‘yon, hindi ko kasi alam kung paniniwalaan ko ba ang ibinulong niya o hindi. Mukha kasing hindi seryoso ang pagkakasabi niya. Halata namang nagpipigil siya ng halakhak eh. May plano atang pahiyain ako.
“Hey Mr. Fernandez and Miss Perez! Who the hell permit the two of you to talk during my class!!? Anong akala niyo sa klase ko?? Talkshow??? Kamukha ko lang si Boy Abunda at kasing kapal ng kilay ko ang kilay niya pero hindi to Buzz ng Bayan para mag-chismisan! Hala, Labas! Get out! Now!”
And then the story goes on. Tsk. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ko, ngayon lang ako napalabas ng room, at unang araw pa ng klase. Tsk. Kasalanan to ng epal na babaeng ‘yun eh. Kasalanan niya kung bakit heto ako ngayon at walang ibang choice kung hindi ang tumambay sa ilalim ng puno dito sa Blue Leaf, ang laki ngang school, wala man lamang matambayan dahil halos puno ng mga estudyante. Mabuti pa, umidlip na muna ako dito, total mukhang wala namang sisita sakin.Tsk.
- - - - - - -
Hayyy T.T every year na lang akong napapalabas ng room kapag opening. Huhuhu. Ganon na ba talaga ako Lord kapasaway?? Sarrehhh pooo (^_^)V ‘di ko naman po sinasadya eh.. Ganito na talaga ako since young ‘di ba? Madaldal na diyosa!
Oooopss, walang kokontra we are all wonderfully made. Hindi nga lang natin maitatangging medyo angat ako (pagbigyan.) XD Buhahaha.
Dahil ang kumontra,
.
.
.
.
.
tutubuan sa puwet ng pigsa!
Anyways, asan na kaya yung lalake kanina?? Hayyss. How sad :( nadamay ko pa siya sa mga kalokohan ko. Mukhang hindi pa naman ata ‘yun sanay mapahiya, ako kasi expert na dun eh. Pero okay lang, keri naman ng beauty ng lola niyo.
But wait, balikan natin yung lalaki kanina, Arghh (kagat-labi*pigil pantasya*) Ang gwapo ng lolo niyo. Idedescribe ko lang siya sa inyo hah, but please take note, PLEASE LANG, ‘wag kayong judgemental!, HINDI PO AKO MALANDI *all caps para intense* inuulit ko hindi po malandi ang lola niyo, sadyang marunong lang mag-appreciate :)
*ahy, wag na nga muna… kayo na bahala mag-imagine ng itsura niya, basta, pogi siya period.*
Ang mabuti pa, makapaglibu’t-libot na nga lang muna para makahanap ng pwedeng tambayan. Anu ba ‘yan, ang laki-laki ngang university, wala man lang puwedeng mapaghingahan ang beautiful body ko. Haha, GGSS *alamm naaa*
Oh Yes! Finally, dito na lang ako sa napakalaking punong to tatambay total parang wala namang dadaan dito ehh. Mabuti pa, makatulog nga muna….
-------------------------------------------------------------
Zzz—ZZz—zZzZ—ZZZZzz—ZZzZ (snoring)
Tsk. Ano ba ‘yan!? Sino bang humihilik?? Wala namang ibang tao dito kanina ah. Tsk. Bakit andaming epal dito sa Blue Leaf, pati ba naman sa pagtulog ko???
Tsk. Matingnan nga kung sinong bakulaw yu---“What the heck” yun na lang ang naibulong ko sa sarili after knowing na yung babae kanina sa room ang humihilik sa kabilang side ng malaking punong ‘to. Tsk. Kababaeng tao, lakas kung makahilik. Tsk. Hobby niya ba ang mang-inis?? Epal.
*Tinggggg* hmmm, I have a bright idea,. Hahaha. Sa wakas, makakaganti din ako sa kanya, asan na nga bang permanent marker ko.
--------------------------------------------------------------
Ahy, ang weird ahh..
Halos lahat ng madaanan ko napapatitig sa akin. Oh my,… Ganon na ba talaga ako kaganda??? Hahaha. Hay Beautiful Grace, bat di ka pa ba masanay? Tanggapin mo na. Pamatay talaga ‘yang ganda mo.