Estrangherong hubad na bida
by: reedlovi
Kada umaga sa pag-pasok ko sa trabaho lagi ko iniisip anu kaya ang bago sa araw na ito o yun bang anu ba ang pwedeng mangyari sa buhay ko ngayong araw na ito, kahit na alam kong paulit ulit lang ang ginagawa ko sa trabaho. Ako si Rhony bente dos anyus, hindi nakatapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng buhay hindi na kaya ng mga magulang ko ang tustusan ang pag-aaral naming mag-kakapatid kaya unang sem palang sa kurso kong “Electronics” ay huminto na ako. Pero atlis nag-tapos ako ng apat na taon sa High School, kahit paano ay may ipag-mamalaki din ako para sa sarili ko.
Pero ito na ang huling araw ko dito sa trabaho ko bilang isang bagger at checker clerk dito sa isang Mall na pinag-ta trabahuhan ko. Kaya naman kahit paanu hanggang sa huli ng aking araw ay pinag butihan ko ang aking gawain, maraming bilib sa akin dahil sa Limang buwan na pagta trabaho ko ay wala ako ni isang absent , pero meron iilang late pero may dahilan naman dahil minsan trapik at minsan walang masakyan na jeep.
Sa unang oras at mga natitirang oras ko pa sa trabaho ay lagi ako binabati ng mga katrabaho ko, nag-papasalamat sa mga naitulong ko daw lalo na ang mga supervisor ko na may hawak sa area ko bilang isang bagger. Hanggang sa dumating na ang alas kwatro ng hapon ay nag-paalam na ako sa mga kapwa ko bagger, sa mga supervisor ko at maging sa mga sekyu ay nag-pasalamat ako sa mabuti nilang pakikisama sa akin. Nakaka pang hinayang dahil hanggang limang buwan lang talaga ang kontrata ko sa Mall na iyon at ganun din ang mga tulad kong merun mababang posisyun, pero hindi ko minamaliit ang trabaho ko dahil alam ko nakakatulong ito sa akin at sa pamilya ko.
Pigil ang luha ko sa pag labas ko sa aming lucker room, sa likod ng Mall dahil dun ang aming labasan pag -uwian na. Mula dun ay nag simula na ako mag-lakad para makauwi na, at nagiisip kung saan ulit ako hahanap ng panibagong trabaho. Dahil sa medyo maaga pa naman ay naisipan kung mag-libot muna gawain ko talaga ito pag lagi alas kwatro ang uwi ko, ito din ang pag-kakataon ko para makahanap ng mga naka post na “Hiring” para mag-apply ulit. At sana matanggap ako kung papalarin.
Sa aking pag-lalakad merun akong nabasang Hiring Job na naka paskil sa labas ng Panico Bldg. Establisment, at isa ito sa mga matatandang building sa aming lugar, hindi kalayuan sa mall na aking pinagta trabahuan, merun daw hiring sa mga hawak nitong ibat-ibang company sa aming bayan kaya naman gusto ko puntahan, nasa apat na palapag yung opisina ng sinasabing Hiring. Kaya umakyat ako, nasa pang apat na palapag na ako ng building upang mapuntahan yung opisina ng Human power agencies Inc. na nag-lagay ng post hiring sa labas ng Building na ito.
Sa isang gilid ng building ay merun itong transparent na salamin kaya makikita mo yung nasa labas nito, dahil nasa pang-apat na palapag ako ng building ay nakikita ko ung mga nasa baba, sa labas ng building na ito ay nababakuran ito ng mataas na pader dahil sa likod ng mga pader na ito ay isang malawak at bakanteng lote na matagal narin nakatengga, kaya naman sa kinatatayuan ko tanaw ko ang isang malawak na bakanteng lote sa ibaba ng building na ito, masukal at puro matataas na halamanan at damo at iilang puno ang mga tumubo na dito.
Bago ko pa maalis ang mga mata ko sa kakamasid sa masusukal na bahagi ng bakanteng lugar na iyon ay nakaagaw sa akin ng pansin ang mga tatlong lalaki na nag-mamadaling pumunta sa isang pinaglumaang bahay na hindi tapos sa pag-kakagawa tanging mga haligi lamang nito ang nasementuhan at wala pa itong bubong at ito ay nasa gitna ng masukal na lote na iyon, aking ikinabigla ng mapansin ko din na ang isang lalaki na merun hawak na batang babae at hinihila nya ito palapit sa isang lumang bahay. At ang dalawang lalaki din na nag-tatawanan pa at palingon lingon din bago pa makapasok sa lumang bahay.
Takot at kaba ang aking naramdaman sa aking nasaksihan lalo ng makita ko na humawak pa ang bata sa isang sanga ng halaman pero agad siyang hinila papalayo sa halaman na iyon at tuluyang naipasok sa lumang bahay, umiiyak ang bata at nagpupumiglas. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita hindi ko alam ang gagawin ko, nakakaramdam ako ng panlalamig sa buo kong pag-katao, tila ba tulala ako sa mga sandaling iyon. Maya maya pa'y kusang gumalaw mga paa ko patalikod sa transparent na salamin at hindi na tumungo sa opisina na dapat kong pupuntahan.