KINABUKASAN

0 0 0
                                    


Simula nun ay madalas nang nakakapunta si Princess sa bahay nila Ajay.

At dahil Sabado, nagkayayaan ang magkakabarkada na pumunta sa bahay ng kambal. At syempre tinawagan din ni Ajay si Princess, para tuparin ang pangako sa barkada sa formal na pakilala nito sa kaibigan.

Nauna namang dumating si Princess sa bahay ng kambal. Dahil nagsabi itong gagawa sya ng Graham at Milkshake para sa meryenda nila.

At inilapag ang mga ipinamili sa kusina.

"Wow! Ang dami nyan ahh..". Biglang sulpot at sabi nito nang makita ang dami ng pinamili nito.

"Ay! Anak ng tinapa!... Ano ba Ajay! Nagulat naman ako sayo!... Bigla- bigla kang sumusulpot!...". Gulat na sabi ni Princess.

"He.. He.. He.. Sorry.. Sige, Alis na muna ako..". (^_____^)>.

At nagsimula na nga ito, inilabas na nya mula sa plastic ang kanyang mga ipinamiling ingredients.

Habang nakatingin sa mga pinamili.. Nagpakawala ito ng isang buntong hininga bago nagsimula.

"Okay!". Sabi nito. Sabay taas ng manggas nya sa balikat at nagsimula na itong magprepare ng mga gagamitin nya sa Graham at milkshake.

.
Matapos ang 2oras..

"Ayan! Natapos narin ako!!...". Masayang masaya nitong sabi habang nakatingin sa 5 Tupperware na Graham na nagawa nya..

"Wow! Ang dami naman nyan! Penge ahh..".    Biglang sulpot ulit ni Ajay sa likod ni Princess.

"Ay! Anak ng Kabute!"    Gulat namang sabi ni Princess. "Ano ba Ajay! Bakit kaba laging sumusulpot dyan?! ...".  

"He he he..".   Tawa nito sabay pahid ng chocolate cream sa ilong ni princess. Sabay peace sign. (^______^)v

"Haist! ANO BA!...".   Sabi nito sabay tanggal ng pinahid ni Ajay na chocolate sa ilong nya.

Nangmatanggal na nya ito, ay pinahidan ulit sya nito sa ilong.

"Haist! ANO BA!!!".    Inis na nitong sabi.

Pero imbis na tigilan sya ni Ajay ay lalo pang pinahidan sya sa mukha. (Sa magkabilang pisngi naman sya pinahidan).

"Ah' ganun ahh.. Ito sayo!".   Kaya naman pinahidan nya rin si Ajay sa mukha.

Hanggang sa nagpahidan na sila ng natirang chocolate cream. At dahil doon tawa sila ng tawa sa mga pinaggagawa nila. Sandali nilang nakalimutan ang kanilang paligid na hindi inaalaala kung may makakakita sa kanila.

Hanggang sa...

"Ooopps... Nagkamali yata' kami ng pinasukang bahay..".   Bryan said.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell Inlove With A Young LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon