mahal,
alam mo ba?
alam mo bang sobrang saya ko ng aking ika'y nakita.alam mo bang sa tuwing ika'y lalapit ay tila humihinto ang takbo ng oras.
mahal,
alam mo ba?
alam mo bang kahit isang araw na nakasama ka ay napasaya mo na ako?litrato mo na laging aking hawak. malalamig na tinig sa tuwing ikay kumakanta ay mas lalo akong nahuhulog.
mahal,
alam mo ba?
alam mo ba kung gaano ako nasaktan ng malaman kong ikay umalis.ngunit mahal,
alam mo ba?
alam mo ba na halos akoy mamatay sahil sa aking nalaman?
nalaman na ikaw pala ay aking mapapangasawa.pero mahal,
ang sayang ito ay nauwi lahat sa sakit at lungkot?sakit dahil may mahal ka ng iba
sakit dahil sya'y iyong pinaglaban.
lungkot dahil hindi mo ako kayang mahalin.
mahalin na kailan mo ay hindi nagawa.
mahal,
alam mo ba?
alam mo ba na sa aking huling hininga ay masilayan ka lamang!ngunit mahal,
alam mo bang habang ako'y nahihirapan at unti unting nilalamon ng kadilimay ang iyong pangalan ang aking binibigkas at sinasabing mahal na mahal kita.

BINABASA MO ANG
Tula ng aking Pagmamahal✓️
Poetry[Not Edited] started: november 20 2017 end: December 02 2017