Summer Treat ni Uleeng sa inyo! One-shot po ito. Enjoy lang:)
My love, My forever
Sabi niya, kung kakayanin ba't hindi ipaglaban.
Sabi niya, kung mahal mo ang isang tao hindi mo susukuan.
Pero bakit ganito parang kahit ayaw kong isuko at gusto kong ipaglaban, ang pagkakataon naman ang humahadlang.
Ayoko siyang iwan.
Alam kong pareha namin di kakayanin
kaso
KAILANGAN.
Ayoko siyang masaktan,
ayoko talaga.
Pero . .
"Pare tama na yan. Nakakadami ka ng bote ng pulang kabayo, tama na yan." narinig kong awat ng barkada niyang si Fredd.
Hindi siya nakinig sa kanya at pinagpatuloy pa din ang pag-inom nung alak.
"Oy, Resty. Tama na yan." sabi naman ni Justin, kabarkada din niya, sabay hablot nung bote ng alak.
"Ano ba?! Wag niyo nga akong pakialaman!" malakas na sigaw niya.
Pilit niyang kinukuha yung bote pero nilalayo lang ni Justin yung bote.
"Sabi ng ibalik mo yan eh! Hindi pa ubos! Kailangan ko yan." sabi niya.
"Itigil mo na ito Rest! Hindi siya babalik kung iinom ka lang dito. Walang mangyayari! Wala Resty! Ano ba?!" inis ng sigaw ni Justin.
"Huwag mo kong tawaging Rest! Hindi ikaw siya!" narinig kong sabi niya.
Biglang sinuntok ni Justin si Resty, narinig ko na lang na nagkakagulo sila. Pilit inaawat ng mga kaibigan niya yung dalawa pero hindi sila tumitigil hanggang napahiga na lang si Resty. Napaupo na lang ako sa gilid ng kinatatayuan ko kanina. Hindi ko na kayang nakikita siyang ganyan. Hindi ganyan yung taong minahal ko, pero dahil sa akin ay nagkakaganyan siya. Inaaway niya yung mga kaibigan na pinahahalagahan siya ng sobra. Bad trip naman kasi, bakit kasi ako pa?
Gusto kong lapitan siya, gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo kung bakit wala ako sa tabi niya. Kung bakit ako biglang nawala, kaso tapos na. Nasaktan ko na siya. Kahit napahiga na si Resty sa sahig ay hindi pa din siya tumigil sa pagwawala. Nung medyo nakatayo na siya ay pinagtatapon niya yung mga bote sa sahig. Tinaob niya yung mesa at pinatutulak yung mga kaibigan niya. Wala ng nagawa sila Justin kung hindi pabayaang magwala ang kaibigan nila.
"Travis! Bakit? Bakit mo ko iniwan?! Di ba sabi mo mahal mo ko. Di ba sabi mo walang iwanan pero bakit ganoon?! Nasaan ka na." sigaw niya na parang nakikita niyang nandito ako. Napaiyak na ako, naririnig ko din na umiiyak na din siya.
"Resty. Hindi kita iniwan. Nandito lang ako, Resty. Resty ko." umiiyak na sambit ko. Nasa may labas lang ako ng bakuran nila. Napaupo na ako sa may gilid doon sa may mga roses na malalago. Bungalow type kasi yung bahay nila with low fences na napapalibutan ng mga roses.
Narinig ko na humahagulgol na siya sa iyak. Ako naman ay napahagulgol na din pero pilit kong hinaan ang aking boses. Hinihingal na ko kakaiyak pero hindi pa din ito natitigil.
Bigla na lang tumahimik at narinig kong napasigaw sila Fredd. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Napatingin si Justin sa akin. Nakita kong medyo may pagtataka yung mata niya tila kinikilala ako dahil naka-jacket ako at nakataas sa ulo ko yung hoddie nung jacket plus nakapajama ako na pang-hospital. Unti-unti siyang lumapit sa akin.
"Travis?" tanong niya.
Hindi ko siya pinansin dahil ang atensyon ko ay na kay Resty. Nagmamadali akong pumunta doon sa may gate nila at lumapit sa kanya kaso nung malapit na ako ay bigla akong pinigilan ni Karl. Isa din sa mga kabarkada niya.