Dream
09:38 am 05/06/2014
Panaginip lang ba iyon..?
Bakit biglang nangyayari sa totoong buhay?
"I like you, pwede ba kitang ligawan?"
Medyo malabo ang panaginip na iyon pero ang naaalala ko lang ay ang mga sinabi niya at kung sino iyon, yun ay si Dave. Siya lang naman yung crush ko. Aba, pag nagpakita ba naman ang crush mo sa panaginip diba matutuwa ka?
"Oo--"
"Ms. Torres!" Napaangat ako ng ulo at nakatingin na pala saakin ang buong klase, nakatulog na pala ako. Badtrip naman, napuyat nga pala ako kakalaro ng PSP kagabi. Hindi ko kasi matalo yung badtrip na boss sa Mirage Arena =_= (a/n: ge Kingdom Hearts pa >:3 )
"I'm sorry, ma'am." Umayos ako ng upo at kunwaring nakinig pero inaantok na talaga ako noon.
"Uy Celine, puyat ka nanaman sa pagPPSP ano?" Paglingon ko ay nakatitig na pala sa akin si Dave na muhkang natatawa sa nangyari kanina. Nakakahiya, magkatabi pa naman kami =///=
"Err, oo. Bakit ba?" Naglabas na lang ako ng libro at nagbasa para hindi na niya ako kausapin. Eh kapag kinausap pa lalo ako neto baka madistract na ako ng todo >,>
Nung nagbell para recess na, sumabay ako kay Trisha at papunta na kami sa canteen. Wala naman, nagusap usap at kumain kami dito. Pagbalik namin ng classroom, sa desk ko ay may nangiwan ng papel.
"Mag-usap tayo sa rooftop mamayang dismissal."
Pupunta ba ako? Di naman siguro masama.
Dismissal
Pagpunta ko sa rooftop, nakita ko lang naman si Dave na may dala lang naman na isang rosas at box of chocolates. Teka... Liligawan na ba niya ako..? Weehh. Eh bakit niya ako pinatawag?
"Oi Dave, anong kalokohan nanaman yan?" Sinabi ko para itago ang kaba ko. Lumapit siya sa akin at inabot sa akin ang mga dala niya.
"Ano...
I like you, pwede ba kitang ligawan?"
A-ano..? Yung panaginip ko kanina ay nangyayari na sa totoong buhay... Eeeehhh ano ba?! Kinikilig ako >///<
"Oo--"
"Okay na ba yan para sa mga sasabihin ko kay Trisha?"
"Huh?" Okay na sana eh...
Bakit niya pa dinagdagan iyon..? Sasagot na ako dapat, kaso yung mga katanungan pala na iyon hindi pala para sa akin. Masyado akong assuming amp.
"O-oo naman..! Kaya... Ligawan mo na siya, go lang! Nandun siya sa gym, nagpapractice para sa volleyball. P-puntahan mo na siya..." Patay! Bakit ako nauutal? Bakit ko ginagawa ito..? Tsaka...
"U-uy Celine bakit ka umiiyak..? Ayos ka lang ba?" Fahk! Agad kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti na lang, kahit masakit.
"A-ahah wala to! Wala! Puntahan mo na siya!" Nilagpasan na niya ako kaya mag-isa na lang ako dito sa rooftop. I guess... Totoo nga ang sinasabi nila.
Ang panaginip ay kabaligtaran ng nangyayari sa totoong buhay.
Umuwi na lang ako at natulog.
"I like you, pwede ba kitang ligawan?"
Hindi lang pala ako ang babaeng kausap niya.
Paglingon ko kasi nandun si Trisha na tinanggap ang bigay at nagsabi ng, "Oo."
END 6:16 am 05/07/14
Author's note:
Masyado akong sabog nung sinulat ko to XD Ewan ko ba.