Chapter 4: Missing You

24 1 0
                                    

Raf's Pov

Simula nung ginawa ko tng planong to hindi ko lubusang maisip na maging ganito ang buhay ko although hindi pa kami kasal pero parang sa pagpapanggap na to mababaliw ata ako. Bakit? Eh isang maarte at maingay lang naman ang mapapakasalan ko pero okay lang dahil kahit ikasal man kami eh mananatili kaming magkaaway at hindi mangyayari na mahuhulog kami sa isa't isa.

“Hoy kuya!” sigaw sa akin pagtingin ko si Ash pala ang pinsan ko.

“Ang ginagawa mo dito ha?! Hindi ka ba marunong kumatok?” sermon ko sa kanya pero tinawanan lang niya ako.

“Eh paano naman ako kakatok? Bukas nga yung pinto mo at isa pa hindi ka pa ba sanay?” dahilan pa nito. Aish! Nakakainis talaga tong pinsan ko ewan ko ba.

“Ewan ko sayo! Bakit nga pala nandito ka ha?” tanong ko

“Eh si Mama at Papa nag-aaway na naman kaya pwede bang dito muna ako?”

“Bakit ba nag-aaway sila tita? Ano ba problema?”

“I don't know hindi naman nila sinasabi kung anong problema kahit ilang beses ko na silang tanungin at tsaka sawa na yung tenga ko sa ingay nila kahit awatin ko sila wala pa rin.”

“Okay sige dito ka muna.”

“Salamat Kuya!”

Tahimik lang kaming dalawa, ako kasi busy sa pag-aaral siya naman sa pagbabasa ng comics.

“Kuya akala ko ba lilipat na si Ate Raffy ngayon dito sa condo mo?”

“May nangyari kasi kaya baka hindi muna ngayon.”

“Anong nangyari?”

“I don't know pero nasa hospital siya ngayon.”

“Binisita mo na ba siya​?”

“Hindi...”

“Eto parang di niya girlfriend!”

“Hindi ko naman talaga yun girlfriend...” sabi ko pero mahina syempre hindi niya alam yun at tsaka hindi niya alam na magkaaway kami kasi sa ibang school siya nag-aaral.

“Anong sabi mo?”

“Wala!”

“Tss...parang di mo nga girlfriend.”

“Manahimik ka na lang dyan tignan mong nag-aaral ako.”

“Okay...”

The Unplanned Marriage [ ON HOLD and EDITING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon