Magandang araw sa aking mga kamag-aaral at sa aking Guro.Ako po si ******** labing dalawang taong gulang na ngayo'y nag-aaral sa xxxxxxxxxxxxxxxxxxx. Bilang isang Bata ay may mga malalawak tayong pag-iisip kung kaya't lagi nating naiisip kung ano tayo sa Hinaharap.May mga nangangarap na gusto nilang maging Abogado,Doktor,Guro,Architect at kung ano-ano pa.Noon pinangarap kong maging isang Chef ngunit ng lumaki ako ay mabilis na nag bago ang aking isip at napalitan ito bilang Doktor,ngunit napagisip-isip ko na galing lang ako sa may kayang pamilya kaya ko bang makapasok sa paaralang pang Doktor?Kaya ko bang bayaran ang mga kinakailangan dun?
Pag tungtong ko sa baitang ko ngayon ay na-adik ako sa mga Libro sa isang reading app .Nainspire ako sa mga manunulat ng istoryang aking nabasa dahil puno ito ng mga imahinasyon na galing sa kanilang isip,nailalabas nila ang kanilang damdamin gamit ang pagsusulat ng mga istorya. Iniidolo ko sila dahil sa angking galing nila sa pagsusulat kung kaya't pangarap kong maging katulad nila. Hindi dahil sikat sila kung hindi dahil sa kanilang mga istoryang sinusulat. Dahil sa pagbabasa napunta ako sa ibang mundo,mundong puno ng imahinasyon.
Gamit ang pagsusulat ay naiilabas natin ang ating mga damdamin at imahinasyon. Nasa puso ko ang magsulat kaya kahit anong mangyari ay gagawin ko ang lahat para maging isang manunulat.Ika nga ni Bo Jackson"Set your goals high,and don't stop till you get there " . Gusto nga ng kapatid ko na maging guro ako ngunit ayaw ko naman dahil mas gusto ko ang pagsusulat.Noong una, ay tutol ang aking magulang sa aking pagsusulat ng istorya dahil lagi akong nakatutok sa aking cellphone at hindi ko sila nasusunod ngunit pilit kong pinaiintindi sa kanila na passion ko ang pagsusulat.Kahit na kakaunti lang ang bumabasa ng istorya ko,ayos lang sakin iyon basta nailalabas ko ang damdamin ko.Wala kasi yan sa dami ng bumabasa, ito ay kung ano ang content ng storya at kung ano ang flow nito .Aanhin mo ang isang storyang maraming mambabasa ngunit walang sense ang content ng istorya.
I don't count reads like others do.The important things that matter to me is the content and the flow of my works.How valuable is a hundred thousand reads if the content and flow doesn't even make sense? right?
.Actually i'm a bit disappointed to some writers because they use writing for fame.Ang pagiging manunulat ay para isulat mo ang iyong imahinasyon hindi para maging sikat lamang.Sumusulat ka ng istorya dahil gusto mong magsulat hindi yung sumusulat ka para maging sikat ka.Sabi ng ibangll, manunulat, mahirap daw maging isang manunulat dahil mahirap daw bumuo ng isang storya ngunit para saakin madali lang ito kung papaganahin mo ang iyong imahinasyon at isasapuso mo ang ginagawa mong storya. Salamat sa pakikinig sa akin aking mga kamag-aaral.The goal isn't to live forever,the goal is to create something that will always remember that,Guys by Chuck Palahniuk,Diary.Again,thank you very much.
***
Blue:
Inedit ko sya huehuehue pero walang nagbago tinanggal ko lang yung ano name ko at Pangalan ng school ko actually 506 words yan ,sabi kase ng teacher ko gumawa daw ng talumpati ang topic ay "Ako bilang sa Hinaharap" dapat daw eeh 400 words kaso napasarap akong magsulat kaya ayun.BTW,comment naman kayo ng masasabi nyo sa ginawa kong talumpati or irate nyo from 1-10.Need ko lang ng opinyon nyo.
P.S may part dyan na sinulat ko yung sinabi ng isa sa favorite kong author huehuehue
BINABASA MO ANG
Talumpati
RandomProject ko 'to before, maybe around 2017-2018 kaya medyo jeje, corny-whatever you please. I'm planning to delete this kasi, it's nonsense lang naman.