CHAPTER 2

10.7K 181 4
                                    

Chapter 2 - Asaran ng Magkapatid

Rochelle's POV

Nandito na ako sa waiting area at hinihintay ang magaling kong kuya. Psh! Bagal talaga kumilos ng lalakeng yun. Badtrip pa naman ako ngayon dahil nahihilo ako dahil sa jetlag -__-.

~peep~peep~

May dumaang puting fortuner na kotse sa harapan ko. Binaba nito ang bintana at nakita ko ang Kuya kong mahangin. Tinaasan ko ito ng kilay at bigla siyang nagsalita.

"Sorry dahil nalate ako! Alam mo namang traffic eh! Salamat na lang at gwapo ako" sabi nito at nagpapogi pa. Tsk ang hangin!

"Anong connect?" Tanong ko sabay taas uli ng kilay.

"Sakay na, alam ko namang kanina mo pa hinihintay ang napakagwapo mong kuya" sabi niya. Juskolord! Tatangayin na ako ng hangin.

"Oo nga, kanina pa kita hinihintay kuya! Kaso correction lang ha, napakahangin kong kuya yun" sabi ko at sumakay sa kotse.

Btw, its already 11:30 na ng gabi. 4 hours ang byahe ko mula korea papunta dito. Gabi lang dumating si Kuya -_-.

Russel's POV

Sa wakas! Binigayan na din ako ng POV ni Author! Gwapo ko kase eh!;)

Hi! My name is Russel Alexander Park, 20 years old. Napasok ako sa Hyun University or inshort H.U. Ako lang naman ang pinakagwapong lalake sa buong mundo.

(Author: Ang weather po natin ngayon ay may isang super typhoon na dumaan ngayon sa ating mga bahay. Ito po ay bagyong Russel. Ang hangin po ay 25.5 m/s kaya tinatangay na tayo!)

Waley si Author!!! Alam ko namang crush mo ako eh! ;) Si Xandra-- yun kase tawag ko sa kanya eh. Si Xandra ay tulog sa likod ng kotse at nakasalpak sa kanyang tenga ang headset niya. Kasarap niyang videohan kaso nagdadrive ako baka mabangga kami. Madaming iiyak na girls! Nandito na nga pala kami sa tapat ng gate namin. Binuksan na ng guard ang gate at pinasok ko na ang kotse ko at pinark.

"Hoy! Baboy! Gising na diyan! Nandito na tayo sa koral mo!" Pag gising ko sa kanya pero walang effect. Tsk! Ako pa ata ang magbubuhat dito eh!

"Yaya, palagay nga po ng maleta ni Xandra sa kwarto niya" utos ko dun sa maid namin.

"Okay po sir, sarap po ng tulog ni Ma'am ah" sabi niya at kinuha na ang maleta. Last try na toh ah!

"Hoy! Rochelle Alexandra Park! Gising na!!!!" Sigaw ko sa kanya at pinapalo siya pero umiling lang siya.

Tsk! Gagawin pa akong weight lifter dito eh! Weightlifter na gwapo ;) Binuhat ko siya papunta sa kanyang kwarto at hiniga siya sa kanyang kama. Hoy! Mga gm dyan baka iba iniisip niyo. Kapatid ko toh kaya di ko sya aanuhin.

"Goodnight baboy! Matutulog muna ang gwapo!" Sabi ko sa kanya at kiniss siya sa noo.

Ang sweet kong kuya noh? Pumunta na ako sa aking kwarto at dumamba sa kama ko. Haist! Inaantok na ako! Kawawa naman ako kapag napuyat. Magkakaeyebags ang gwapo!

******

Rochelle's POV:

Nagising na ako dahil naiihi ako ~_~. Pumunta na ako sa CR at you know, I'm minding my own business ^_^. Ginawa ko na ang mga morning routines ko at nagpalit na ng damit. Tumingin ako sa salamin. Ang ganda ko talaga *hair flip*. Bumaba na ako at pumunta sa dining room. Nakita ko si Kuya na nag aalmusal ng bacon and eggs. Yum! My favorite!

"Oh? Gising na pala ang baboy na malakas humarok" sabi ni Kuya.

"Aning baboy ka diyan? Hindi ako naharok at ang ganda ko namang baboy" sabi ko at umupo na at kumuha ng pagkain.

"Hoy! Naharok ka kaya! Sayang talaga at hindi ko navideohan!" Pang aasar niya pa.

"Tsk! Mabulunan ka sana!" Sabi ko sa kanya. Ayun nabulunan nga! Mwahahaha!

"Hahaha! Buti nga sayo! Napapala mg madaldal!" Sabi ko at binelatan siya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Tsk! Mangkukulam ka kase! Kinulam mo pa ako kaya ako nabulunan!" Sabi niya at nang asar na naman. Kuh! Di talaga magpapatalo eh! Pero, di ako susuko!

"Ang ganda ko namang mangkukulam *hair flip*....... eh ikaw nga kamukha mo si Shrek!" Pang-aasar ko din sa kanya.

Biglang may pumasok sa pintuan at hindi ko inaasang ito si...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Author!! Ano ginagawa mo dito?!" Sabay naming tanong ni Kuya.

"Aba naman! Tumigil na nga kayo sa pag-aasaran diyan! Alam niyo bang nakakangalay mag type!!" Sabi nito at umuusok na ang ilong. Patay magiging dragon na si Author.

"Okay, titigil na PO kami. Makakaalis na PO kayo" sabi ni kuya at diniinan ang PO.

Luko talaga -_-. Mabuti na lang at umalis na si Author. Wait, paano niya kaya nalaman ang address namin? Paano niya nalampasan ang guards? Wait, mga readers napapansin niyo ba? Bakit parang lagi si Author nagsasalita dito sa story??? Diba? Psh! Kalimutan na lang natin yun. Kakain na ako.

Kukuha uli sana ako ng bacon at scrambled eggs kaso.....

"Sinong umubos ng bacon and eggs?!" Tanong ko.

"Hindi ako" sabi ni kuya at sumipol.

Hmmm.... something's suspicious. Gotcha! Tumayo ako at lumapit kay kuya. Bigla ayong napalunok. Huli ka ngayon.

"Kuya kung hindi ikaw ang umubos eh bakit ka may amos ng bacon sa mukha mo at may scrambled eggs sa damit mo aber?" Tanong ko sa kanya with matching taas kilay pa.

"Tsk! Bakit ba kase ang kalat ko kumain" sabi niya pero pabulong yung panghuli.

"Anong sinabi mo kuya?" Nakangisi kong tanong sa kana.

"Ang sabi ko paglulutuin ko uli si Yaya Marife ng bacon and eggs" sabi niya. May punishment ako sa kanya *smirk*

"No, ikaw ang magluto" sabi ko sa kanya.

"Ayaw ko nga!!" Sigaw niya sa akin.

"Sige ka, isusumbong kita kay Dad na sinasaktan mo ako" sabi ko sa kanya at nginisian siya.

"Hindi naman kita inaano ah! Eh di sasabihin ko na hindi totoo" sabi niya.

"As if maniniwala yun sayo, alam mo naman na magaling ako mag acting diba?" Sabi ko sa kanta at nginisian siya.

"Tsk! Ipapagluto na nga kita" sabi nito at pumunta ng kitchen.

Hahaha! Walang gawa sa akin si kuya! Yan ang napapala niya kapag inubos niya ang almusal ko.

¤¤¤¤¤¤¤¤

Hi! Nakapag update na din ako! Masyado bang nakikisali ako sa kwento ^_^? Pag pasensyahan niyo na ako! Mag gagawa na ako ng update uli bukas. Hindi ako nakapag update kahapon dahil nag gawa kami ng parol ^_^. So ayan! Inedit ko na po ang chpater 1 at 2 dahil masyado akong nakisali doon. Hindi na masyado madamjng Author diyan katulad nung dati d^_^bV

The Campus Badboy is my Fiance?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon