Chapter 4 : Why? (SPG)

144 24 7
                                    

"I love him more than my life but  why did he do that "

ANGELA'S POV

Ang sarap pala ng feeling na may nagmamahal sa'yo ng buong puso. Yung hindi ka iiwan kahit ano ang mangyari sayo.  Mahal na mahal ko siya at sa puntong ito hindi ko na makakaya ang mawala siya sa aking piling.

Nakakakilig siya pinagluto niya ako tapos tinulungan pang kumain,sana habang buhay na kaming ganito. Yung tipo na kahit matanda na kami sweet pa rin. Iniisip ko palang kilig level 1000 na agad.

Iyan ang mga bagay na umiikot sa aking isipan. Nakatulog na lang ako sa kakaisip sa kanya.

Nagising ako sa isang katok, sa pagmulat ng aking mata ay nakita ko ang ganda ng buong lugar dahil sa nakatapat na bintana sa aking kama. Ang sarap maligo sa beach na 'yon, mapuntahan nga 'yan mamaya.

Oo nga pala may kumakatok kaya tumayo ako para buksan ang pinto.

"Baby, GOOD MORNING! breakfast is ready" Sabi niya ng buong ngiti. 

Pumupungas pungas pa ako, nakakahiya naman sa kanya kasi mukha akong lion. Gulo gulo ang buhok at damit.

"Okay baby, GOOD MORNING DIN! hahalikan ko sana siya kaya lang hindi pa ako nagtoothbrush. Napaatras ako dahil siguradong mabaho pa ang hininga ko.

"OH bakit hindi mo tinuloy?" tanong niya. Alam kong mapang-asar siya kaya sigurado akong alam niya kung bakit hindi ko tinuloy.

"Eh kagigising ko lang! puro laway pa ako!" Paliwanag ko.

"Okay lang yan, kapag mag-asawa na tayo kahit kulubot na ang mukha mo hahalikan pa rin kita, unti unti siyang lumapit at bigla niya akong kiniss. Sabi ko na nga ba eh.

"UY BABY!! so gross!" sinara ko ang pinto dahil nahihiya ako. Inamoy ko ang bibig ko at shet may tuyong laway pa ako. Ano ba yan! baka isipin niyang mabaho ako.

"Baby, bakit mo sinara? huwag kanang mahiya masarap naman eh!" biro niya sa labas ng kwarto.

"CHE EWAN KO SAYO!" Sigaw ko. 

"Sige I'll wait for you na lang sa baba."

Tumakbo ako sa banyo para magtoothbrush.

Nakakainis siya mapang-asar pa rin, madiin kong kinukuskos ang aking ngipin dahil sa inis. Naligo na rin ako para mabango ako mamaya. Syempre para matagal na ang kiss.

"Ano kaya ang susotin ko?" Isip ko sa tapat ng kaunting damit na dala ko. Hindi ko na kasi nadala lahat dahil ni rush ko lang ang pag-estokwa.

Natapos na ako at bumaba, nakita ko siya na nakaupo na at hinihintay ang aking pagdating. Habang naglalakad ako ay tumingin siya mula ulo hanggang paa. Iniisip niya siguro na super ganda ng mapapangasaw niya at naka jackpot siya sa akin.

"Baby, you look beautiful!" mangha niya habang biglang napatayo sa kinauupuan. Nakanganga pa ang loko. Syempe pretty lang po.

"I know right!"  umupo na rin ako at sinimulan na ang pagkain ng almusal. Ang dami ng hinanda niya, sinangag, itlog, hotdog at daing na bangus na malutong ang gilid. Takam na takam ako ng may biglang marinig na nagpanting ang tainga ko.

"HMMMMMM AMOY TUYONG LAWAY UNG DAING DIBA?" hawak hawak niya ang daing pero nakatingin siya sa akin. Nagsimula na naman siya mang-asar.

"I HATE YOU!" galit na may halong landi kong sigaw at akmang tatayo na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Between Lies (SlowUpdate )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon