Oh my!!! Mukhang gusto rin ako ni Krolithiko. Siguro iniisip niya na baka kaya ayaw din niyang umamin sakin kasi may boyfriend ako?
Ganon naman talaga dapat diba pag may boyfriend na behave na.
Pero hindi na ako masaya, yung spark wala na. Alam mo yung mga pagkukulang niya sa akin sa kama, 3 taon ko tiniis yon. Na ako lang lagi ang umiibabaw. Hindi na ako masaya kasi pakiramdam ko balewala na ako. Wala na akong halaga. Hindi na ako priority. Lahat ng sinasabi ko hindi nakakatulong.
At the back of my mind says:
Ako kaya, may mga pagkukulang din naman ako sakanya, hindi rin naman perfect girlfriend para magreklamo ng ganyan hindi ba? Pero I'm making sure na hindi ko siya nababalewala. Siya nga lang ang sentro ng puso at isip ko non eh. Pakiramdam ko gugunaw ang mundo ko kapag nawala pa siya sa akin. Ginawa ko din naman ang best ko sa relasyon naming dalawa. Bakit kailangan ko pang sisihin ang sarili ko? Ang sakit isipin na makakasakit ako ng damdamin. At dun pa sa taong nakasama ko ng ilang taon. Ilang taon na sabay humarap sa pagsubok para sa amin.
Naalala ko may nagtanong sa akin.
"Sigurado ka na ba dyan sa boyfriend mo?"
Ganyan ang tanong kasi alam naman nilang live-in partner kami eh.
Hindi ko naman alam kung bakit parang walang asaurance yung sagot ko. Kahit na hindi pa kami nagkakaproblema nung mga oras na yon.
"Hindi ko po alam. Baka po."
Ngumiwi na lang siya. Parang alam na niya yung sagot ko na yon.
Minsan kapag pumupunta siya sa trabaho ko at hinihintay ako kasi may pupuntahan kaming lakad.
Pinagtitinginan siya sa loob. Syempre pogi siya. Tapos ngayon lang siya nakita don.
Pag-uwi namin. Bigla siyang magagalit.
"Siguro kung ano ano nanaman ang pinagkukwento mo dun no? Hindi na ako pupunta dun, kasi parang iniisip nung mga tao dun, ikaw lang nagtatrabaho. Ako antay lang ng sustento mula sayo."
"Bakit naman mas iisipin mo pa ang sasabihin nila kesa sa sasabihin ko? Hindi naman ako nagkekwento sakanila ahh. Bakit pera ba nila yon?"
Alam ko, naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Baka kaya natingin lang sakanya kasi naninibago lang sa bagong salta. Tapos pogi pa.
----
Nagkakamabutihan naman kami ni Krolithika. Alam ko na alam niya, na may nararamdaman akong kakaiba para sakanya. Alam mo yung tinetext ko na siya lagi. Na hindi ko naman ginagawa dati. Binubura.March 14,2015
Birthday ng isang kaibigan kaya binigyan kami ng isang bote ng Empi Lights.
You know what I do? Sumama ako sakanil n walng paalam kay Saydie. Wala naman siyang pake sakin eh. Alam mo nakapili na kasi ko kung sino. Hindi ko lang alm kung paano makakaalia kina Saydie, at kung saan ako mapapalipat. Simul nung sinabi niya yung katagang. "PagsisihN mo na!"
Nawalan na ako ng gana pang ipagpatuloy ang relasyon pa namin. Ilang beses kong iniinsist na pakasalan ako. Na gusto ko na magkaanak sa kanya. Pero wala na talaga. Lumalaban pa utak ko.
Pero nagwawagi na ang puso ko. Ito na ang naisip ko na way para makaalis sa poder ni Saydie. Desperada na kung desperada, pero ito ang alam kong tamang gawin.
Alam ko nararamdaman ni Krolithiko ang lihim kong pagtingin. Kaya lalo pa siyang nagiging sweet sakin. Fall na fall na ako.
Noong una tahimik lang ako, nakikitagay, nakikinig, nakikipag-kwentuhan.
When you are drunk, you can do the best speech ever. While reading his cellphone.
Nabasa ko yung nililigawan niya nung february. Chicks yun as in. Parang Coleen Garcia na hindi. Basta maganda.
"Bro bakit di mo tinuloy panliligaw mo kay Coleen?"
Kunwari pa ako, pero deep inside sakit kaya.
"Sayang yon ang ganda pa man din. Eh di sana may Jowa ka na."
Pa-push push pa kunware, pero deep inside gusto mo sana ikaw na lang yon.
"Nag-papa-load kasi sakin. Turn off kaya yun pag ganon."
Basa-basa ng konti. Tapos unti-unting nagseselos.
Medyo may tama na ako.
"Ano ba yan, lahat na lang ng niligawan sinasabi mong maghihintay ka. Mukha ka ng tanga. Nakakainis."
"Bakit ka kasi nagababasa, kung naiinis ka. Wag mo kasing basahin."
Giit ni Krolithiko.
"Naiinis ako kasi nagseselos ako. Nag-seselos ako kasi gusto na kita."
Hindi ko alam kung bakit? Nagkagulatan. Nagkasubuan na. Alam namin pare-pareho na mali. Maling-mali.
Nagulat din ako. Nakipag-kiss ako sakanya. As in torrid kiss. Ngayon ko lang ulit naramdaman yung romance. Yung passion ng making love.
Ilang buwan ba namang wala akong alam mo na. Hindi ko alam kung paano kami napunta sa sitwasyong naghahalikan kami. Basta na lang nangyari. Tapos umamin din siya na gusto niya rin ako. Pinipigilan lang niya dahil may boyfriend ako.
Baba ko no? Wala eh. Nag-mahal, binalewala, naghanap at nagmahal ulit.
Hanggang sa kinakausap kami ni Bruno. Mali daw, kasi kami pa. Sabi ko naman, ibe-break ko agad si Saydie, gusto mangyari ni Krolithiko, after two weeks, dito daw kami titira sakanila. Sabi ko, ayoko. Oo ayaw ko. Gusto ko nakabukod lang kami. Ganon ang gusto ko.
Dahil sa pareho kaming may spiritu ng alak. Nagkikiss kami kahit kaharap sila. Nakakababa ng pagkababae. Wala. Nadala na ako ng nararamdaman ko kay Krolithiko. Hindi ko na alam ang tama sa mali.
Nagdecide din ako na ayaw kong unuwi, kasi gusto ko talaga may mangyari samin dalawa. Shit. Ako pa talaga ang gumagawa ng move. Desperada moves.
Sakanila, habang naghahalikan kami. Nacurious ako. Hinawakan ko yung birdie niya. Hindi ko alam sign pala yun na gusto ko may mangyari saming dalawa. Hinubad niya yung pantalon ko.
Pero nung ipapasok na niya. Para akong virgin ulit hindi magkasya. Kaya di na namin tinuloy. Pero nung nakitulog kami doon na namin itinuloy. May nangyari sa amin nung gabing yon. Umaga na ako umuwi kina Saydie.
Galit siya, di niya ako pinapansin. Pero wala na akong pake. Basta mahal ko na si Krolithiko. Mahirap makipag-sex sa iba ng wala kang special na nararamdaman sa taong yon.

BINABASA MO ANG
Welcome to my Life
Short StoryTotoong istorya tungkol sa depresyon. Nakaranas ka na bang mag-mahal at di suklian ng pagmamahal? Eh ang mahalin pabalik ng taong mahal mo? Ang lumandi sa iba? Marami tayong dinaranas sa buhay natin. Minsan masaya, palaging malungkot. Laging lamang...