[ Chapter 47 ]
------------------------------------------------
Jiahn One's POV"Nasaan na si Jenesis?!"
Kasalukuyan kaming nagtatago nila Axel at Cassidy habang walang tigil sa pamamaril ang mga kalaban. Ngayon ko lang napansin na hindi na namin kasama si Jenesis.
"Hindi ko napansin. Baka nagtungo na 'yon kila Savanah!" Sigaw ni Axel na habang nagtatago sa poste.
Napasiksik ako sa gilid ng muntikan na akong matamaan ng bala.
Nice try bruh!!!
"Ngayon ko lang nalaman na duwag pala ang mga Moon crest at Dark killer gang." Natigil ang putukan ng may magsalita.
"Oo nga! bakit hindi kayo lumabas dyan at harapin kami?" Napalingon ako kay Axel na seryosong seryoso ang mukha. Napansin 'kong lumipat ng puwesto si Cassidy at ang pumalit naman si Abygail.
"Nagmamatapang kalang naman dahil may kasama ka!" Sigaw ni Axel.
"Bakit hindi mo ako subukan? at mukang kulang kayo ah? nasaan yung kasama niyo na super sa kayabangan?"
Ang ibang mga Demonican na kasama namin ay pumasok sa pinakaloob upang iligtas sila Savanah..
Nagulat ako ng biglang lumabas sa pagkakatago si Axel. Matapang talaga ang lalaking to, walang manlang akong makitang takot sa kanyang mga mata.
"Musta ang pakiramdam mo? masakit parin ba ang mga nagawa namin saiyo?" Lumabas ang ngisi sa labi ni Axel.
"Hahaha! nahawa kana sa katapangan ng lalaking yon. Pero tandaan mo hindi mo parin kami kaya." Biglang nagsilapitan ang mga lalaking armado sa likod nung lalaking nakaharap namin dati.
"Bakit hindi natin subukan?" Naging mabilis ang lahat at may natamaan agad si Axel. Mabilis na lumabas narin ako at pinaputukan ang mga iba. Nagsilabasan narin sila Cassidy at may iilan narin silang napatumba.
"CASSIDY! MAUNA NA KAYO ILIGTAS NIYO SILA SAVANAH!" Biglang sigaw ni Axel at tumango naman si Cassidy pati narin sila Aaliyah na agad ng umalis.
"Lupet! hindi mabawas-bawasan ah?!" Napadura ako at kumuha ng bala sa bulsa habang nakasandal sa dingding. Lalo na akong ginaganahan ngayon dahil ngayon nalang uli kami nakipaglaban.
"Pano bayan? dalawa nalang kayo." Kinasa kona ang baril na hawak ko at kumuha ng patalim sa bulsa.
Papakitaan ko kayo ng isang galawang Jiahn *Evil grin*
At ipapakita ko na kahit dalawa lang kami ay kayang-kaya namin sila.
Napalingon ako kay Axel na abala sa paglalagay ng bala. Dahan dahan akong sumilip at nakakita agad ako ng kahoy banda sa gilid ng tinataguan ng mga Bsgang. Diniinan ko ang pagkakahawak sa kutsilyo at mabilis na hinagis sa kahoy na agad na ikinalabas sa pagkakatago ng mga kalaban kaya sunod-sunod ko sila pinaulanan ng baril at natatawa nalang ako dahil halos kalahati ay nabaril ko.
"Nayswan!" Napa-smirk ako kay Axel na ikinangiwi nito.
"Argh!! ginagalit niyo talaga ako!" Napatawa ako sa sinabi nung tukmol.
"Jiahn? alam mona ang gagawin natin?" Napakunot noo ako sa tanong niya at maya-maya ay napangisi ako ng maalala ang pinlano namin.
"Sige pre!" Nagpaunang lumapit ng pwesto si Axel na papalapit sa mga Bsgang. Ako naman ay kumuha muli ng patalim sa bulsa at lumipat din papuntang kabila papalapit din sa kanila.
YOU ARE READING
The Evil University(COMPLETED)
Misterio / SuspensoDate started: 10/10/17 Date Ended: 12/14/17