Chapter 1

112 5 2
                                    

Dylan's POV

"I'm not happy anymore."

"What?"

"I'm not happy anymore Dylan. Let's just break up."

"Can you hear what you're saying Monique?"

"Dylan, let's face it. Alam kong hindi ka na rin masaya."

"Three years Monique, three fucking years na tayong magkasama tapos ngayon mo sasabihin na hindi ka masaya?

"Come on, Dylan. We're not growing together anymore. Iba ang gusto ko sa gusto mo."

"So ano? Basta mo na lang akong iiwan? Why don't you just tell me the fucking truth!"

"You want the truth? You're always with your friends! Palagi kang walang oras sakin. When was the last time you asked me about my day? Or how am I doing? I can't even remember the last time I felt na may boyfriend nga talaga ako. Nagising na lang ako and then I realized that I can't do this anymore, na kaya ko na without you. So please, just let me go!"

"Monique, kaya ko mag bago. If you want my time, it's all yours! Just don't leave me, please I'm begging you. Mahal mo pa rin naman ako diba?" Hindi ko na namalayan na unti unti ng tumutulo ang mga luha ko. I feel so vulnerable.

"Dylan please! Get up! Huwag ka lumuhod. Oo mahal pa rin kita pero hindi na katulad nung dati. You deserve to be loved wholeheartedly and I can't give you that kind of love anymore. I hope kapag okay ka na, we can still be friends like we used to... Goodbye."

And that was the last time I was able to talk to her. I tried to text and call her a hundred times pero wala talaga. I tried talking to her friends pero pati sila hindi nila ako masagot. They told me that I should just set her free dahil ayaw niya na nga talaga sakin. I went to her house almost everyday, pero laging sinasabing wala siya kahit alam ko naman na andun talaga siya. 

--

At Dylan's Condo

"I'm not happy anymore."

"I'm not happy anymore."

"I'm not happy anymore."

"AAAAAAAAHGH" 

"WHAT THE HELL IS GOING ON HERE?! Anak what's happenning to you?! Bakit ang gulo ng condo mo. Puro basag na bote, are you out of your mind?"

"Monique and I broke up. Hindi na raw siya masaya. What should I do ma? Hindi ko na kaya." At hindi ko na mapigilang humagulgol. Ngayon na lang ulit ako umiyak ng ganito kay mama. Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko. Kahit matagal na ang nakalipas ay paulit ulit ko pa ring naririnig yung mga sinabi ni Monique nung naghiwalay kami.

"What you need to do is pull yourself together. I don't know what happened between you and Monique at kung bakit kayo naghiwalay but please son, don't do this to yourself. Hindi magiging masaya si Monique kung makikita ka niya na ganito. Mag stay ka muna sa bahay hanggang sa maging okay ka na, and I won't take no for an answer."

--

"Pinaayos ko na ang kwarto mo. It's been a while since the last time you went home. Matutuwa ang daddy mo dahil magkakasama na tayo muli."

"Talaga ma? As far as I can remember, si daddy nga ang laging wala. He's always been so busy with work at wala na siyang panahon for us."

"Dylan anak, wag ka naman ganyan sa daddy mo. He's working so hard so he can give you the life you deserve. Please anak, don't give your dad the cold shoulders. Masaya ako dahil magkakasama na ulit tayo."

At ayun, nakarating na nga kami sa bahay. As usual, wala na naman si dad. Mas gusto ko pang tumira sa condo kaysa tumira dito sa napakalaking bahay na wala naman laman.

"Sige anak, magpahinga ka na. I'll call you when dinner's ready."

--

"I'm not happy anymore."

"I'm not happy anymore."

"I'm not happy anymore."

Fuck bakit ganito, si Monique pa rin ang nasa isip ko. Gusto kong matulog pero hindi ko magawa. Gusto ko na lang matapos to

--

Dylan's Mom POV

Dylan's an only child. Nung bata pa lang si Dylan, malapit ang loob niya sakin. I can't say I'm a perfect mom, pero I always try my best to give him everything. Pero alam ko naman na hindi sapat na ako lang yung laging andiyan para sa kanya. Hindi malapit ang loob ni Dylan sa daddy niya dahil lagi siyang busy sa trabaho, well he's the CEO of the company kaya naiintindihan ko rin kung bakit wala siya lagi para samin. Dylan moved out of the house nung mag college siya. I know he's in pain right now, but I'm happy that he's back with us. 

"Yaya, paki tawag si Dylan. I'm sure magugustuhan niya tong mga niluto ko."

"Oo naman ma'am, lahat yata ng paborito ni Dylan niluto mo eh"

"Oo yaya, matagal tagal na kasi yung huling beses na pinagluto ko siya nag pagkain, I'm sure namiss niya ang mga to"

"Sige ma'am saglit, akyatin ko lang si sir"

--

*knock knock*

"Sir Dylan? Sir Dylan?"

*knock knock*

"Sir!! Kakain na po"

*knock knock*

*knock knock*

"Sir? Nako ano na kaya nangyari dito? Nako naka lock pa"

"Ma'am, tulog po yata si sir Dylan, wala pong sumasagot tapos naka lock yung pinto."

Hindi ko alam bakit kinabahan ako bigla.

"Yaya, gamitin mo yung susi tapos buksan mo."

"Sige po ma'am"

"Dylan, anak gising na. Dinner's ready... Anak gising na... Anak??? DYLAN WAKE UP!!! DYLAN!!!"

"Ma'am nako uminom po yata si sir ng sleeping pills, wala na pong laman yung bote."

"YAYA BILIS TAWAGIN MO SI KUYA JUN!!! KAILANGAN NATIN ISUGOD SI DYLAN SA HOSPITAL!! BILIS!! DYLAN ANAK WAKE UP! DYLAN ANAK PLEASE DON'T LEAVE ME! ANAK PLEASE WAKE UP"



Carpe DiemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon