Chapter 20[Brandon]
Alam kong hindi si Ana ang babaeng nakatayo sa labas ng kwartong pinaglamayan ng mga labi niya.
Of course I know.
I want to comfort her the moment I saw her sadness and hurt. Gusto kong pawiin ang lahat ng sakit at pangungulilang bumalatay sa maamo niyang mukha. Kaya hindi ko napigilan ang yakapin siya ngunit sa likod niya ay nakita ko ang kabaong ni Ana na may larawan niya sa ibabaw.
"Ana..." I still can't believe it.
I still can't believe that she is inside that coffin. Hindi pa naman maganda ang huli naming pagkikita, I never had the chance to say sorry that's why I'm guilty.
Naluha ako ng makita siyang nakahiga sa kabaong, she used to be my friend, my reporter and the sister of the one I truly loved. Naalala ko ang mga ngiti at tawa niya sa tuwing nag uusap kami, palage ko kasing iniisip na si Mona ang kausap ko kaya minsan ay hilaw ang mga tawa ko ng mapagtantong magkaiba talaga sila.
I witnessed how she protects and loved her sister dearly. She is an amazing woman in her time. She's all any man could ever dreamed, the looks, her achievements, her braveness and her love. She's one of a kind. Siguro kung natuturuan lang ang puso ay siya nalang sana ang minahal ko, sino bang tao ang nagmamahal sa isang tao na hindi kana naalala. Man in my generation is liberated and I'm not an exemption but the end of the day I'm still longing for her. Naibibigay ng mga babae sa akin ang mga pangangailangan ko bilang lalaki and I'm giving them their fair share too pero isa lang talaga ang gusto kong uwian at iuwi at si Mona yun. Simula pa noong mga bata pa kami tuwing magbabakasyon sila sa bahay ng mga abuelo nila tuwing summer, hindi ko alam kung ano ang ginawa niya sa akin para maging ganito ako sa kanya. I've dated a lot of gorgeous woman so far better than her. I've bed a lot girls but only her I want to hear her moans and gasp.
What is happening to me? Daig ko pa ang ginayuma.
I just watched her mourning, God knows how I wanted her side so bad pero hindi pwede baka may matrigger ako at magkaproblema pa. Hindi niya pinatagal ang lamay, maybe she can't stand seeing her sister lifeless.
Para maibsan ang pangungulila niya ay nag imbistiga ako, para na rin sa guilt ko Kay Ana. I've heard marami ang hindi tama at tugma sa mga resulta ng kaso ni Ana at marahil hindi iyun nabigyang pansin ni Mona dahil nasasaktan pa siya. Palihim akong nangalap ng mga impormasyon at tama nga ako may anumalyang nangyayari.
Nabalitaan kong nagwawala siya sa opisina ng general Kaya napasugod ako. I also tried to be friends with her but Ana's words keep on replaying my mind that I should stay away from her. Okay naman ang encounter namin only that she called me presko ng magpakilala ako bilang Brad. She really doesn't remember me. She's thinking that I'm hitting on her.
Nakakatawang hindi niya ako maalala samantalang ako naman ay hindi makalimut.
Nag enroll siya sa martial arts, at first hindi ko pa ma gets kung bakit pero pinagpalagay ko nalang na para ito sa sarili niya. Nagtaka nga ako kung bakit hindi pa siya bumalik ng France.
Nagulat nalang ako isang araw na pumasok siya sa firing range ko,kinutuban na ako. Masama ang pakiramdam ko sa gagawin niya, inihain lang niya ang sarili sa kapahamakan.
When I've learned that she's on revenge and Justice doon na ako kumilos, kailangan ko siyang protektahan. Ililihis ko sana siya ngunit nagkapag asa akong makasama siya ng mahabang panahon kaya sumugal ako.
Pareho kami ng gusto ngunit wala siyang koneksyon, ano sa tingin niya ang pinasok niya? Hindi ito isang laro. Kaya inunahan ko siya sa lahat ang pagkakamali ko lang ay sinama ko siya sa aking sariling operasyon. Ayaw ko din naman kasing tatakas siya ulit, mas delikado yun.
At ito nga ang kinalabasan ng kapangahasan ko.
It's been 12 hours but she is still sleeping. Hindi na ako mapakali sa iba ibang ideyang pumapasok sa isip ko. May mga tinanong ako sa psychiatrist niya ngunit hintayin nalang daw muna naming gumising ito.
Gumalaw ang kanyang kamay hudyat na pagising na siya. My heart raced in some reasons.
Nang dumilat siya ay para na akong hindi makahinga.
"Brandon!"
My heart hitched the moment she mentioned my name.
"Mona..." I said in a very worry tone. Lumapit ako sa kanya.
"Bakit tayo nandito? Anong nangyari sa akin? Bakit ako nakahiga dito? Ospital ito diba?" Naglakbay ang paningin niya sa buong paligid. At nang ibinalik ang tingin sa akin ay matalim niya akong tinitigan.
"Diba sinabi ko naman sayo na hindi ako nababaliw! Mental hospital ba ito? Walangya ka talaga!!" Galit na galit niyang sigaw sa akin at agad na bumangon sa higaan niya at sinugod ako ng tulak.
"Namumuro kana ha! Hindi ako baliw!"
Nanlaki ang mga mata ko sa turan niya, hindi ako makapagsalita dahil nalilito rin."Teka sandali!" Pinaghahampas niya ang dibdib ko sa galit niya.
Hindi niya ba naalala ang huling encounter namin ni CJ? Na nabaril niya ito?
"O ano ang rason mo? Ilabas mo ako ngayon din kundi tatamaan ka talaga sa akin." Nandidilat at matapang niyang sabi.
"Okay fine! Relax! Lalabas naman talaga tayo e, hinintay ko lang na magising ka at hindi ito mental hospital. Alam ko naman na hindi ka baliw." Ako nga itong baliw na baliw sayo.
Hinawakan ko ang dalawang palapulsuhan niya at pinirmi. Kumalma naman siya nang tumingin sa akin. I know that she is thinking again at nangangapa na naman ako ng mairason sa kanya.
"Hindi ito mental? E bakit ako nandito?"
Nakakunot ang noo niya.O great!
Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako na hindi niya maalala ang pagbaril kay CJ o maiinis dahil hindi ko alam paano ito ipaliwanag sa kanya.
"Na...himatay ka?"
"Huh? Bakit naman ako mahihimatay?" She doubted.
"Hindi ko alam, kaya nga kita dinala dito para malaman e okay ka naman." Sabi ko habang hindi malaman kung pwede pa iyung rason.
Tinatanya niya ang sinabi ko at nag isip.
Tumingin siya sa ibang deriksyon habang may malalim pang iniisip.Nanlaki na naman ang mga mata niya at tinuro pa ako.
"Siguro nibangga tayo no!" Akusa niya sa akin. Agad niyang kinapa ang sarili mula ulo hanggang tuhod at dinama ang sarili.
"Ang bilis mo kasing magpatakbo!" Akusa parin niya sa akin. Hindi ko alam kung ano lang ang naalala niya but I'm sure hindi iyung nakipagkarera kami kina CJ.
"Okay kana Kaya aalis na tayo, babalik na tayong maynila ngayon din." Pinal kong sabi sa kanya dahil ayaw ko ng makipag argumento pa, I'm not a good liar.
"Teka, paano sina CJ? Yung mission natin, iiwan natin yun?" Habol niya sa akin.
"Okay na, nahuli na sila." Sagot ko.
Nagningning ang mga mata niya.
"Talaga?"
"Yeah."
Bakas sa mukha niya ang saya at tagumpay. Yes baby,that's right magsaya ka dahil napatay mo siya nakamit na natin ang hustisya para kay Ana.
"Sige uuwi tayo, gusto kong bumisita sa puntod ni Ana at ibalita ito sa kanya. Kasama ba ang mga traydor na mga pulis?"
I half smiled. "Oo..."
"Yes!"
Halos tumalon siya sa saya at nauna pang lumabas sa akin sa silid at sumunod na rin ako.
I'm happy that she is happy, yun lang naman ang mahalaga sa akin. Hindi ko na siya ipapahamak pa. Never!
❤ LibRanz01