Chapter 5

43 3 4
                                    

WHO IS SHE



LACHLAN'S POV

"Ate, magche check in po" sabi ko kay ateng nasa receiving table, pag tingin naman niya saakin napa ngiti ng sobrang lapad :))

Kaya yun napa ngiti nalang din ako :))
"ah? Ano yun?" pacute na tanong nito sabay ayos ng buhok na pa iling nalang ako

"pa check in ate" sabi ko sabay ngiti

"hmmmm, gwapo" rinig kong sabi ng isang kasama ni ateng nag assist saakin, sinulyapan ko siya at nginitian din, yun nag pipigil ng kung ano hahaha ang cu-cute nila haha

"ahh, i-ilang days po s-sir? " pacute paring tanong ni ateng nag aassist

" baka mga one week po" nakangiting tugon ko

"pwedeng dito kana for good? " singit naman ni ateng nagpipigil ng kung ano, natawa nalang ako hahaha

" shh, tumigil kanga dyan Lyra"sita naman ni ateng nag aassist, nag type lang si ateng nag aassist tapos binigay na yung susi

"room number 07 po sir" sabi ni ateng nag aasisst,sabay ngiti.

"great, salamat po miss beautiful" sabi ko sabay wink sakanya hahah yun nag hiyawan na sila

Pumunta na ako sa room ko, pag pasok ko medyo maluwang naman, may aircon din, syempre mainit pag asa beach, tapos may cr din, at may isang malaking kama, hmm sapat lang pang dalawang tao, ok na din to, tapos sa isang gilid merong cabinet.

Inayos ko na yung mga ilang damit ko sa cabinet at pinatong yung mga gamot ko sa side table tapos humiga ako.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan sila nanay

"hello nay" ako

[lach anak, nakarating kana ba?] si nanay

"opo nay, kararating ko lang po" ako

[mabuti kung ganon, siguradong pagod ka anak, pahinga ka muna] si nanay

"opo nay, sila mika nay? " ako

[andun pinasyal ng kuya sam mo] si nanay

" ah, nay" ako

[oh bakit nak?] tanong ni nanay na may pag aalala

"i love you nay" malambing na wika ko

[ikaw talaga, kala ko kung ano na eh, hmm, i love you more anak ko, sige na halatang pagod ka pahinga ka muna yung gamot mo anak ha kumain ka ng tamang pagkain dyan anak] si nanay

"opo nay, bye na po mamaya ulit nay tatawag ako, bye nay" ako

[bye nak] si nanay, siya na ang nag patay ng tawag, pinikit ko yung mga mata ko, medyo na pagod ako mag maneho ahh

Tinignan ko yung orasan 6:28 na pala, tutal maaga pa naman mag papahinga muna ako.

***after 30 minutes***

Hindi ko namalayan naka idlip pala ako, sinilip ko yung orasan at mag seseven na pala, medyo nawala narin yung pagod ko, umupo muna ako, tapos ay tumayo na

Lumabas ako para tignan yung dagat, pag bukas ko sa pinto, tila yumakap ang isang anghel saakin, napa ngiti naman ako dun, ang ganda ng view dito, ilang minuto ko pang pinag masdan ang ganda ng paligid

Pag bukas kasi ng pinto kita agad sa malayo yung beach at seashore kaya kita rin yung sunset yun ngalang hindi ko nakita kasi medyo madilim na rin, tapos helera din yung mga rooms dito malapit lang sa isa't isa mga sampung hakbang lang ata.

Nang matapos ko ng libutin ng tingin ang paligid pumasok na ako at dumaretso na sa banyo para maligo

THIRD PERSON POV

You're My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon