Mutual interest

1 1 0
                                    

1st year highschool ako noon at transferee ako from catholic school then napunta ako sa isang international school.

Hindi ko pa alam papaano pakisamahan yung mga bagong tao sa paligid ko. First of all, ibat ibang lahi ang nandito sa school na pinasukan ko ngayon compared sa dati kong school na lahat kami filipino. Hindi naman ako racist. Kinder hanggang grade 6 kakilala ko ang mga taong nasa paligid ko non. Napakalaking adjustment sakin ang paglipat lalo na't hindi ako pala kausap ng tao.

Until one day....

Someone approached me.

"Anong soundtrip mo?"
Kinuha niya ang kabilang earphones ko at ikinabit sa tenga niya.
"Silent sanctuary?! Nice one."
Nagulat ako. Oo alam kong napaka catchy ng lyrics ng mga kanta nila at sikat na sikat ang mga kanta nila kaya niya siguro alam yung kanta..

Pero I expected na hindi siya filipino dahil sa ang puti niya, at brown ang kulay ng kanyang mata at napakahaba pa ng kanyang pilik mata.

Pero simula nung araw na yon.. lagi na niya akong kinakausap. Actually hindi kami seatmates, alphabetically arrange ang seatplan namin. Lamayo ang apelyido niya at Navarro naman ang sa akin. May isang tao lang ang pagitan ng upuan namin.

Ewan ko kung anong nakita niya sakin at ako lagi ang pinagkakaabalahan niyang kausapin dito sa classroom.

Hanggang sa naging komportable nadin ako sakanya.

Recess, uwian, flag ceremony, at kung ano anong event sa school... kaming dalawa ang magkasama.

Wala akong nararamdamang kakaiba. Walang slow mo. Walang pagbilis ng tibok ng puso. As in wala..

Casual lang. Normal na kaibigan.

Pero lumalim ang lahat. Hindi ko alam kung paano. Pero may something. Something na hindi ko maipaliwanag. Basta kakaiba. Ngayon ko lang yun naramdaman at hindi ko alam kung ano yun. Basta nararamdamam ko yon pag kasama ko si joma.

Mas lalo ko itong na confirmed ng nasa kalagitnaan kami ng klase at nagsuspend na ng klase dahil sa grabeng biglang lakas ng ulan at hangin.

Buti nalang may payong ako.

Pero bakit ikinatuwa kong walang payong si joma?

Ang ending siyempre kaming dalawa ang magkasilong sa payong pauwe.

Hawak ko ang payong. Sobrang magkadikit kaming dalawa. At basang basa na kami kahit may payong naman kami.

"Akin na nga to. Ako dapat may hawak nito. Kasi lalaki ako." Hinablot niya sa akin ang payong pero hindi ko ito agad nabitawan ng mahawakan niya ang kamay ko. Eto. Dito nagsimulang magkaroon ng slow motion sakanya. Tumigil lahat. Ultimo pag patak ng ulan ay bumagal para sa akin. Tinignan ko siya. Tinignan ko lang siya.

"Akin na! Huy ano ba!" Sigaw niya.
Nagulat ako. Kinabahan ako sa nararamdaman ko. "oh!! Parang tanga to. Ikaw na nga lang nakikisilong e." Sigaw ko pabalik. "Kaya nga ako na magpapayong sayo maars. Nakakahiya naman eh. Payong mo to." Sabay ngumiti siya ng pilit. "Buti naman alam mo." Pagtataray ko.

Dito nagsimula yung slow mo ko saknya.. yung payong at bagyo ang nagsimula ng lahat ng ito. Sila ang may pakana ng lahat ng ito. Ugh.

His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon