Gabi na. At nagwawattpad nalang ako para sana dalawin ng antok ng biglang may nagtext sakin na unregistered number.
Hi. Goodevening. :)
-0935xxxxxxx
At dahil wala akong pake. Hindi ko nireplyan. At hnd ko pinansin baka wrong send lang.
Kinaumagahan. Flag ceremony. Hikab ako ng hikab sa sobrang puyat kaka wattpad kagabi. Maya maya may nagvibrate sa palda ng uniform ko. May nagtext ulit sakin.
You look sleepy? Maga mata mo ah. You should take a rest.
-0935xxxxxxx
Kinabahan ako at tumingin sa paligid ko. Wala namang kakaibang tao na nakatitig sakin at may hawak ng cellphone niya.
Gusto ko na sana replyan kaso wala akong load. At wala kasi akong dahilan para magload. Soundtrip nga lang at wattpad ang purpose ng cellphone ko eh.
Nung uwian nagpaload na ako. Na-curious nadin ako sa kung sino ba itong damuhong ito na nagtetext sa akin.
"Who you?"
-me
Nagantay ako ng reply niya. Pero hanggang sa makatulog nako. Hindi siya nagtext...
Kinaumagahan pag gising ko. May 5 messages received ako galing sa iisang number lang.
----
SLR! Jay Sy 3rd year. :)
----
Yung room namin katapat ng room niyo, Kabilang building nga lang yung sa amin. :)
----
Sorry I stole kath's phone. Your classmate? She's my cousin anw. I sneak on her phone and get your number.
----
Tulog kana agad. Its still early. Anw thats fine. You need rest.
----
Goodnight! See you tomorrow! :)
-0935xxxxxxx
Hindi ko alam kung ano irereply ko. Kaya hindi ako nagreply. Pero pag pasok ko ng school naitanong ko agad kay joma...
"Paars, may kilala kang jay sy? 3rd year daw?"
Walang teacher kaya nakatambay lang kami sa corridor. Nagpapahangin. Lumalayo sa ibang tao sa room. Hnd naman sa introvert. We just dont feel the people around us especially inside that room.
"Oo. Nakakalaro ko yun ng basketball. Bakit?"
"Ah. Nagtetext sakin eh."
"Weh?"
"Oo nga. Eto oh tignan mo."
Binasa niya lahat ng text messages at agad napatingin sa katapat na room ng building namin.
"Baka type ka maars."
Agad akong napabuga ng tawa na may laway at hangin.
"Pfft... HAHAHAHA. Asa."
"Mabait yan."
"Ano naman."
"Wala. Sinasabi ko lang. At kapag yan. Pinagtripan ka. Sabihin mo lang sakin.. uubusin ko lahi niyan."
"Dami mong sabe."
Natuwa ako sa inasta ng bestfriend ko. Napaka over protective. Natuwa nga ba o kinilig ata ako e. ♥
BINABASA MO ANG
His Secret
RomanceUntil when should I wait for the right time? Until when is his right time? But everything changes when... He revealed his secret...