Jelly

0 1 0
                                    

Malapit ng mag bakasyon. Ilang weeks nalang. Nakakalungkot kasi halos araw araw na kung ihatid ako ni jay dito sa room. Halos lagi nadin kami magkasama kahit saan. Kahit outside activities ng school kaming dalawa ang magkasama.

Wala namang label na nagaganap. Hindi naman siya nagtatanong at hindi din naman ako nagtatanong basta magkasama kami lagi at masaya kaming dalawa period.

Syempre kahit naman dumating si jay sa buhay ko. Hindi padin nawawala sa picture si joma. Original bae kuno. Main beshy ganern. Sinasabi ko padin saknya lahat sympre. Actually na-open ko sakanya kung ano ba satingin niya ang meron kay jay at ganon niya ako tratuhin.

"Manhid kaba? Nanliligaw yun kaya siya ganon." Sabi niya.
"Hindi naman siya nagsabing manliligaw siya. Aba hnd ko naman alam kung type niya ako no." Pag tanggi ko.
"Kapag nakakalaro ko yan mars. Ikaw lagi ang bukambibig. Nakakarindi. Lahat naman ng kinukwento nya tungkol sayo.. ay alam ko na!" Napanguso ako at kumunot ang kilay ko.
"Ano yun joma?!" Sigaw ko.
"Sinasabi niyang mahilig ka sa spaghetti,  alam ko na yun. Kinukwento niyang favorite mo ang color green and silent sanctuary. OMG maars napaka basic. Alam na alam ko na yan."
"Weh. Ang plastic mo paars."

Pero at the back of my mind I feel happy, Natutuwa ako na alam niya lahat ng tungkol sa akin...

"Gamay na gamay na kita. Alam ko na lahat. Tingin mo palang catch na catch ko na. Lalo na pag ganyan tingin mo!" Tinuro niya ang mukha ko.
"Hala? Anong tingin ka diyan?! Anong tingin bato?" Sabi ko.

"Yang tingin mong ganyan.... Halatang gusto mo ma..makinig sa sinasabi ko... Na para bang... para bang interesado ka sa kinukwento ko. Na ganyan.. ayan.. yung ganyan...." sabi niya ng pabagal ng pabagal at medyo nauutal habang nakatitig lang siya sa akin.

"Bakit ka nga ba interesado sa kwento ko ha?" Pagbabago niya ng topic. "Siguro type mo nadin yun si jay no? Ano? Ano? Sagot!" Dinuro duro niya ako at pinandilatan ng mata.
"Ata? Hehe... he?" Sagot ko na medyo hindi pa sigurado.
"Edi good." Sagot niya sabay pasok ng room.

"Jelly" Bulong ko sa sarili ko sabay iling iling din na pumasok sa room.

His SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon