umiyak. umiyak ka ng umiyak hanggang sa ika'y magsawa.
masaktan. masaktan ka hanggang sa maging manhid ka na.
umasa. umasa ka na ika'y magiging kanya muli.
sige lang mahal ko.
iiyak mo ang lahat ng iyong hinanakit.
iiyak mo ang lahat ng iyong pighati.
at balang araw lahat ng sakit at ang iyong pag-iyak at mawawala nalamang.
iiyak mo lamang at kinabukasan ay mararamdaman mo ang ginhawa.
mahal ko,
sa iyong pag-iyak ay ako nangako.
nangako na ika'y pasisiyahin sa aking piling
nangako na ika'y hindi na muling masasaktan uli.
mahal ko,
ako'y narito
narito sa iyong tabi
pinagmamasdan ang itong maamong mukha.
mahal ko,
ako'y narito sa iyong tabi.
minamahal ka ng palihim
at ika'y pinapangarap.
mahal ko,
pwede bang akin ka nalang?

BINABASA MO ANG
Tula ng aking Pagmamahal✓️
Poesía[Not Edited] started: november 20 2017 end: December 02 2017