Ang storya ng buhay ay parang isang lapis nandyan ang pambura at ang pangsulat na kung saan itatama mo ang lahat ng pagkakamali mo sa buhay. Dumarating sa mga buhay ng tao ang pagsubok na minsan ay biglaan na lamang na aatake na prang mga kalaban sa digmaan na napapanuod natin sa TV, kaya sa bawat agos ng buhay dumarating ang mga pagkakamali o pagsubok na alam natin na ang tanging may alam lamang nito ay ang ating Panginoon.
Dito nagsimula ang buhay ko, nung ako’y pinanganak ng aking mga magulang wala pa akong iniisip kundi laro nitong mga bagay na ito, kapag napapadpad sa mga Mall, may makita mang mga laruan na alam kong nakaw tingin lamang sa aking paningin ay pinapabili ko sa aking Mommy , pero alam nyo kung inisip ko na imbis na pambili na lamang ng laruan,panggagatas ko na lang,kasi sa panahon na yun alam ko mahal na rin ang gatas.
Ultimo diaper pa nga lng na alam kong hirap na sa budget ang aking parents eh ngpapabili pa ako nung mga ganung bagay. Alam nyo nung lumaki laki ako at nagkaroon na ng isip minsan natry ko na rin na magtrabaho kahit dun lang sa Starbucks na kahit papaano makatulong sakanila, actually kolehiyo na rin ako nung araw na yun ..dun ko nakilala yung babae na nagpaikot ng buhay ko pangalan niya Gwen.
Sobrang ganda niya na animo’y malaanghel ang dating,maganda, tama lang ang katangkaran, maganda ang buhok, chinita, at higit sa lahat mabaet. Sa totoo lang gustong gusto ko siya kasi naman sa ganda niya at sobrang baet eh ndi na mapipigilan yung mga feelings na ganun na kahit mga kasamahan ko sa mga trabaho ay maraming nagkakagusto. Ako naman itong lalaki na alam kong kapag hirap ako na maging girlfriend ang isang tao ay hindi ko na pinopormahan. Siguro aaminin ko “OO” torpe ako pagdating dyan sa bagay na yan pero sa mga bagay na alam kong kailangan na kapalan na ang mukha ay gagawin ko ang lahat.
Ganito kasi yan isang araw nakasama ko siya sa trabaho,waaahh!syempre umataka na naman ang pagiging torpe ko, kinausap niya ako na bakit daw ang tahitahimik ko, ang sabi ko na lang masakit lang kasi ang lalamunan ko(kunyaring may sakit), ang totoo tahimik ako sa panlabas pero maraming sinasabi ang kalooban.
Isang araw dumating na rin yung punto na nakasanayan ko na rin na makasama siya sa trabaho, alam mo yung feeling na hindi mo aakalaing mawawala yung pagiging mahiyain mo kapag patagal na ng patagal. Sabay na kami pumasok at umuwi na akala mo ay mga estudyante na sabay palagi. Lumalabas na rin kami na kaming dalawa lang.hahaha! Minsan nagiinuman kami na kasabay ang mga katrabaho namin at minsan mga pinsan ko naman, tsaka madalas na rin siya na pumupunta ng bahay para dalawin yung Mommy ko. Syempre ang saya ko naman kasi alam mo yung dati ay hindi mo expected na magiging close kayo kasi nga dahil sa pagiging mahiyain ko.
Pero alam mo minsan dumating na rin sa point na nararamdaman ko na na parang may something na pagtingin na ako sakanya pero binabaliwala ko lang ito para sa ikabubuti ng pagkakaibigan namin. Dumating rin yung point na pinupuntahan ko na rin sya sa bahay nila na parang boyfriend na nya ako, actually nga parang kami na eh kaso sa tingin ko kaibigan lang ang tingin niya sa akin kaya binaliwala ko lang ang lahat.
Ayun nagising na lang ako ng isang araw na ako na mismo yung nakarealize na gustong gusto ko na rin sya dahil sa ako ang lalaki kailangan na ako ang didiskarte kasi sa totoo lang, maganda naman na ang pagiging samahan namin kaya liligawan ko na rin sya. Nakuha na naming ang kalooban naming dalawa. Ngayon isang araw nagpunta ako sa isang mall at tumawag ako sa tropa ko na si Alex,
“ Me- Uy pare! Manghihingi naman ako ng advise paano ko ba sisimulan na ligawan si Gwen eh kasi baka mamaya kaibigan lang pala tingin nya sa akin,
Alex- Pare, bakit hindi ka magbakasakali na magusuthan ka rin ni Gwen malay mo gusto ka na rin pala niya hindi mo lang alam. “
Tama nga yung sabi ng kumpare ko dumating yung pagkakataon na binaliwala ko ang lahat pero ang hindi ko alam na may pagtingin na rin pala siya sa akin, hindi ko naman kasi aakalain na magkakagusto siya sa akin kasi nga dahil sa may maraming humahanga sakanya hindi na ako nakikisawsaw,