Zyren's Pov
"Zy, alis na ako ah? Babalik ako agad para maipasyal natin sila baby kila Mama sa Hanville. Bye! Tetext kita!" sabi sakin ni Babe bago siya umalis papunta kila Chieni.
Oo, naiwan na naman ako mag-isa dito kasama ang dalawang cute na baby namin. Kaso hindi ko talaga maalis na hindi mag-alala para sa kanila.
Paano kung pati sila idamay ni Kathy sa kung ano mang pinaplano niya?
Sigurado ako at alam ko na ngayon palang may binabalak ng masama si Kathy laban kay Babe. Ewan ko ba. Pero basta proprotektahan ko sila.
Natutulog pa sila Sachi at Ayeshi kaya bumaba muna ako para tignan kung anong pwedeng ibreakfast. Iniwan kong bukas yung pinto sa kwarto para in-case na magising sila ang umiyak eh maririnig ko kaagad.
Bumaba ako at pumunta sa kitchen. Binuksan ko yung ref at buti nalang may bacon pa. Kinuha ko yung bacon at inilagay sa isang palangganang tubig para lumambot.
Punong-puno kasi ng yelo at ang tigas na dahil ss freezer nakalagay.
*message alarm*
From: Kathy (0905xxxxxxx)
Hi! I'm outside your house now! Open up! Let me in!
O.O
Nasa labas siya ngayon?! Dito?!
At dahil sa gulat ko, nagmadali akong pumunta sa pinto para silipin kung nandito ba talaga siya.
"Justine!!! Hi!!!" Kumaway-kaway pa siya sa akin. Nandito.Nga.Siya. Fck. Anong ginagawa niya dito???