V

829 20 1
                                    

I leaned my head on my arm chair as I released a deep sigh.

Gustong gusto ko ng matulog pero hindi pwede. Mr. Castillo, our terror English teacher, will surely kill me once he see me sleeping in his class. That's for sure.

Kasalanan 'to ng mga kapatid kong mentally unstable. Sermonan daw ba naman ako ng buong magdamag. Daig pa nila ang pari.

"Hey," mahinang pagtawag ni Tara sa atensyon ko.

Lumingon ako sa kaliwa ko kung saan nakaupo si Tara. Sa aming magkakaibigan ay kaming dalawa lang ang nahiwalay ng strand. Sina Yannie, Yvonne, at Aaron ay pare-parehong SocSci ang kinuhang strand habang kami ni Tara ay narito at halos hindi na nagsusurvive sa EngTech.

Umiling si Tara. Senyas na huwag ko ng ituloy ang balak kong pagtulog sa klase ni Mr. Castillo.

Marahan akong tumango. Wala talaga akong balak matulog sa klase ng matandang 'to. Aba, mahal ko pa ang buhay ko 'no. Isa pa, paniguradong maaapektuhan ang grado ko; mababa na nga, lalo pang bababa.

First subject pa lang ay pakiramdam kong hindi na ako tatagal. My large doe-like eyes went blurry. Ilang mahina at patagong hikab na rin ang kumawala mula sa bibig ko.

Mula kanina hanggang ngayon ay hindi ko nakita si Duke at ang mga kabanda niya. Buti naman. Umaga pa lang ay sira na ang araw ko, at siguradong mas masisira 'yon kapag nakita ko ang damuhong 'yun.

Patuloy na lumilipad at naglalakbay ang utak ko habang ang aking katawang lupa ay nananatiling nakaupo sa nakakaantok na silid na 'to. I'm physically present yet mentally absent.

"Hi classmate."

My eyes tripled in size when I heard that voice. That voice coming from the person that I dreaded the most. Sa loob lamang ng isang araw ay umakyat na siya sa pinakaunang spot sa listahan ng mga taong ayaw kong makita.

Tiim bagang kong nilingon ang taong nasa likod ko.

Ang kaninang antok ay napalitan ng nag-uumapaw na inis. Naman oh! Bakit ba nandito 'tong baliw na 'to?

Agad akong lumingon sa harap para hindi ko na makita ang nakakairitang mukha ni Duke. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't bigla ko na lang masuntok ang mukha nito.

Huminga ako ng malalim at sinubukang ibalik ang atensyon sa lesson na itinuturo ngayon ng matandang hukluban sa harap.

"Ave Maria."

I tightly shut my eyes. No, Avia. Hindi mo siya pwedeng patulan ngayon. Mamaya na lang.

I tried to calm myself.

Breathe in. Breathe out. Kaunting tiis lang Avia.

"Oy, Ave Maria," bulong ni Duke kasabay ang pagtama ng piraso ng nakabilot na papel sa batok ko.

Ang mahigpit na pagkakahawak ko sa ballpen ay naging dahilan upang mahati ito sa dalawa. The ink spilled on my entire notes and my hands. I gasped exasperatedly.

Ang ibang tinta ay napunta sa kanina'y puti na ngayon ay naging polka dots kong blouse.

"Ave Maria!"

That's it. Hindi ko na kayang magpigil.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at agad na humarap kay Duke.

"What the hell is your problem? Wala ka bang magawang matino sa buhay mo ha!? Stop annoying the hell out of me!" I'm now fuming with anger.

Napahinto ang dapat sana'y mahabang litanya ko ng mapansin ko ang mga titig ng mga kaklase ko sa'kin. Puno ng awa.

Then it hit me. Shoot! I'm in Mr. Castillo's class right now.

Love? Nakakain Ba 'Yun?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon