chapter 21

10.6K 376 28
                                    

Happy Birthday
🎈🎈Clarissa Pernia🎈🎈

Chapter 21

[Monachica]

Iba ang sasakyang gamit namin pabalik ng Maynila, ang sabi niya ay pinashop ito dahil nag overheat. Hindi na ako nagtanong pa, masaya lang talaga ako para isipin pa ang ibang bagay tulad ng sasakyan niya.

Dumeritso kami sa sementeryo kinabukasan , sa puntod ni Ana at ng mga magulang namin. Hindi naman nawala sa labi ko ang ngiti.

"Ana, mission success!" Panimula ko saka sumulyap kay Brandon. Tumingin siya sa akin at umiwas.

"Nakuha na namin ang hustisya para sa'yo at sa ibang naagrabyado nila. At pasensya kana ha kinailangan ko ang tulong ng boyfriend mo but don't worry isusuli ko na siya." Mahina kong sabi sa huli dahil nakakahiya Kay Brandon. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong tumingin siya sa gawi ko, tiimbagang. Nangilabot naman ako.

"Siguro nagkita-kita na kayo noh? Masaya na kayo samantalang ako iniwan niyo, pero sige magpapatuloy parin ako sa buhay ko at tanging mga alala nalang ninyo ang babaunin ko. I'm sure sumusubaybay parin kayo sa akin. Hindi ko kayo bibiguin..."

Dumeritso kami sa bahay nina Tita Ging pagkatapos naming kumain sa isang restaurant dahil gabi na at pagod narin ako. Inanyayahan ko si Brandon na pumasok ngunit hindi na siya nagpaunlak, magkikita nalang daw kami kinabukasan. Nagtaka ako kung bakit dahil tapus na naman yung misyon namin ngunit naisip ko din marahil ay magkaibigan na kami kaya ganon.

"Hi ate!!" Tili ng pinsan kong babae.
Nasa salas sila at nanuod ng balita. Naroon si Tito at ang pinsan kong lalaki na naglilikot lang ng cellphone.

"Hello!" Sagot ko. Sinugod niya ako ng yakap, tumayo naman si Tito at ngumiti sa akin.

"Oh, nagbakasyon lang nag iba na itsura." Tukso niya sa akin.

"Hindi naman..."

"Naku bagay sayo,ate. Di nga kita makilala e." Dagdag niya.

Mas lumapad ang ngiti ni Tito sa akin.

"Bagay nga sayo,iha. O! Kumain kana? May pagkain pa naman hindi ka naman kasi nagpasabi na ngayon ka pala uuwi."

"Ayos lang, Tito. nakapaghapunan na po ako." Sagot ko dito.

"Ayus! Foreigner ang dating. Blonde!" Tukso sa akin ng pinsan kong lalaki. Agad naman siyang sinaway ng papa niya. Tumawa nalang ako sa panunukso nila.

Nahagip sa paningin ko ang balita sa TV, tungkol ito sa pamilya Limapuriza. Naging attentive ako bigla at nawala ang ngiti.

'isang vedio ng concerned citizen ang dahilan ng pagkatimbog ng malaking drug den sa Poblacion Solana kahapon lang. Si SPO2 Dino Castro ang naglabas ng vedio na nilagay raw sa labas ng kanyang bahay. Agad ng rumispunde ang mga kapulisan dahil pati sa social media ay kumalat narin ito. Umalerto lahat ng checkpoint na posibling daanan ng mga Limapuriza mula sa Poblacion Solana. Na raid ang laboratory nila at nakuha doon ang higit kumulang daan daang kilo ng shabu at mga epectus. Nahuli din ang sa akto ang panganay na anak at apo ni Donya Francia Limapuriza na kasalukuyang nasa abroad ngayon. Ang ikinagulat ng lahat ay sangkot ang apat na pulis na naroon sa mismong lugar....'

Hindi ko na tinapos ang balita at dumeritso na ako sa taas upang natawagan si Brandon. Walang mapaglagyan yung saya ko habang ni dial ang kanyang numero.

"Brandon!!" Halos patili kong sabi.

"What Happened?" I can hear that he's worried and panicked. Natawa tuloy ako.

"Nakita ko sa news ang raid sa laboratory nila CJ. Nakita mo?"

Narinig kong bumuga ito ng hangin Kaya mas lumapad ang ngisi ko.

"Nasa daan pa ako, hindi pa ako nakaabot sa condo, ang traffic." Mahinahon niyang sabi.

"Ganon ba... Ingat ka ha, text mo ko pagnakarating kana. Sige, bye" Magaan kong sabi.

"I will. Pahinga kana rin."

"Hmmm..." Parang nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Na miss ko siya.

Nakatulala ako sandali, I realized something. Bakit parang gusto ko nalang bumalik sa Solana para makasama siya? Na solve na nga yung case ako naman itong parang hindi mapalagay. Can I just keep him?

O! Man. Hindi pwede dahil kung mangyayari yun si Ana ang tingin niya sa akin, bubuhayin ko lang ang kapatid ko sa pagkatao ko at hindi ako mismo ang makikita niya.

Piniga ng sobra ang puso ko. Sa kunting panahon na magkasama kami bakit ang bilis ko yatang nagkagusto sa kanya. Sa dinaming pwede sa boyfriend pa ng kapatid ko, ang saklap naman yata. Siguro nahirapan siyang  kasama ako sa iisang bahay noon syempre kamukha ko si Ana.

Yung kaligayahan ko kanina ay bumagsak at naguilty rin ako. I kinda betrayed my sister.

I'm sorry Ana.

Naligo ako bago humiga sa kama. I received a text from Brandon that his already home, I replied okay. Hindi naman siya nag text back so I assumed that he's busy. Agad? Of course he is a businessman hindi katulad kong wala ng trabaho.

Before I close my eyes to sleep my phone ring. Nang tingnan ko ay numero ni Brandon.

Dali-dali kong pinindot ang answer at excited na sinagot.

"Hi!" Impit ko. Shit!

"Ahm, did I disturbed you?" He said in husky voice.

"Hindi!" Agad ko.
I heard him chuckled. Namula ako sa kahihiyan.

"Diba sabi ko magpahinga kana?" He said.

I bit my lower lip.

"Bakit tumawag ka." Umuusok na yung mukha ko sa init. Nagwala ang puso ko nang di ko mapigil.

Hindi agad siya nagsalita. He cleared his throat.

"Sinubukan ko lang..." Banayad niyang sagot.

Omyghad! Bakit ako parang kinukuryinte!

"Bakit?" Naibulas ko. Nakakahiya.

"I just wanna make sure that your okay." Parang nahihirapan ang tono niya.

"Bakit naman ako hindi maging okay? Ang saya ko nga e." Tukoy ko sa naresulbang kaso. Totoo yun, aside sa reveled kong puso na kanina pa nagwewelga sa kanyang karapatan ay masaya naman ako sa resulta ng misyon namin.

He sighed.

"Yeah right."

Hindi ba siya masaya sa nangyari? Diba dapat magsaya din siya?

"Let's celebrate!" Pinasigla ko ang boses ko. Maybe we need to relax muna pagkatapos ng mga trills na naengkwentro namin sa Solana.

"Where?"

"Kahit saan... bukas? Pwede ka ba?"

"Of course! I'll picked you up."

Ngumisi ako.

"Sige." Para akong natutunaw na surbitis sa pagpayag niya, magkikita kami ulit!

My heart is racing, I can't help it. Gosh! He is forbidden!

Who says?

Naisip kong wala na din naman si Ana kaya pwede siguro?

No! Makikita lang niya si Ana sayo, hindi ka niya ituturing na iba or worst gusto rin Kaya niya?

Hay! Nakikipag usap ako sa sarili ko, baliw.

Nag aaway ang kaligayahan at kalungkutan ko bago ako nakatulog. This feeling is foreign to me but it's so familiar in any ways. Hindi ko alam, nababaliw na yata talaga ako.













❤ LibRanz01

Feel free to request and greet, I'm waiting.

Happy birthday again Clarissa Pernia, wishing you all the goodness in the world. Ingat lage.

Monachica [Solana Series#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon