Leighanna Josh Del Fierro's POV
One week akong hindi nagpakita kay Cj, mga text at tawag nya hindi ko sinasagot. It's nearly month end, kailangan kong isubmit lahat ng reports ko. I don't need distractions.
"Josh, I called one of our overdue client's. They promised to pay us until the end of the month" Lira. She's one of my colleagues.
"END OF THE MONTH?" Napasigaw ako. "Why end of the month? It's long overdue" sabi ko. Naiinis na ko sa mga clients na yan ha. Sa una lang magaling. They're overdue for two fucking weeks.
"PB, hold whatever amount we owe them. They need to pay us first" Mahirap iexplain, pero ganun nagwowork. We have various product na binibili din ng mga suppliers namin. So in exchange for us to collect what they owe to us, we need to hold whatever payments we prepare for them.
Tumango naman sya sakin.
"Lira, if they call you tell them to call me instead" tumango lang din sya.
Bumalik ako sa mga papeles na hawak ko kanina lang. Ghad! Hindi na ba 'to matatapos? Nakakaiyak na.
"Josh" tawag sakin ni PB, "Hindi ka pa uuwi?" Tanong nya sakin. Tumingin ako sa wrist watch ko. It's 5pm.
Umiling ako at muling bumalik sa laptop ko, focus Josh. Matatapos mo yan ngayon.
"Okay, i'll go back and bring you dinner" Tumango lang ulit ako.
**
Paige Blair Valdez' POV
Iniwanan ko na si Josh, naglalakad ako sa hallway ng mag-ring ang phone ko.
"Yes?" tanong ko. Ano na naman kayang kailangan ng lalaking 'to?
"You're friend is ignoring me, ano bang problema nya?" Tanong nya. Alam kong naiinis na sya.
"I don't know okay? Kanina nga lang sinigawan nya yung isa sa mga staff namin. Kahit ako hindi pinapansin" sagot ko sakanya.
He sighed.
"Okay, nandyan pa ba sya?" Tanong nya.
"Yes, magdidinner lang ako tapos babalikan ko sya para dalhan ng food. Tapos dederecho na ko sa Condo" sagot ko sa kanya.
Ngayon tatlo nalang kaming nasa condo, Blaise and Alexis choose to live on their own. But still we bond during the weekends.
"Ako nang pupunta sa kanya, patapos na rin ako sa ginagawa ko" sagot nya. He sure cares for Josh like before when we were in Ilocos. I smiled at the thought.
At ngayon ko lang narealize, for a year hindi sya nagkaroon ng ibang karelasyon kahit na cannot be reached na ang drama ng jowa nya.
"Meet me at the nearby coffee shop, i'll give you my passes" sagot ko sakanya bago nag hangup. Techie kasi ang building dito, everythings working with just a tap of our Id's. Kilala naman din si Cj ng mga guards. Infact, Josh's Lola wants her to marry Cj. Secret lang ha? Ako lang pinagsabihan ni Lola nun eh.
"Here" Binigay ko sa kanya yung ID ko, makukuha ko din naman yan mamaya paguwi nila. "Just don't buy her--" Pinigilan nya kong magsalita.
"Rice meals. I know, hindi mo na kailangan sabihin. But i'll push her to eat, sabi mo nga kanina hindi sya nakapaglunch" sagot nya sakin, ngumiti lang ako. 1 year nang hindi nagkikita si Josh at ang parents nya. Simula nung mag migrate sila sa US. Ayaw daw kasi doon ni Josh, mas gusto nya raw dito sa Pilipinas. This is home daw kasi.
**
Leighanna Josh Del Fierro's POV
"Hindi ka pa uuwi Josh?" Tanong ni Lira sa akin, kami nalang dalawa ang naiwan dito.
"Soon. I just need to finish this one" Saglit ko lang syang tinignan at binalik ang paningin ko sa laptop ko. I hate month ends.
Natatambakan kasi ako ng trabaho pag ganitong panahon, i felt my phone vibrated.
From: Clark Johann
Why aren't you texting me? :(
Sht! Nagiinarte sya. Ano baaaa? I just want to help myself from falling okay? That's it. That's just my reason, pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya. That's so lame.
To: Clark Johann
I'm busy, I'm tired.
Nahanap ko nalang ang sarili kong nakangiti, what is really happening to me? Nagvibrate itong muli, this time it's a call.
"Yes?" sabi ko sa kanya.
"Thank goodness! Ba't ngayon ka lang sumagot?" Worried nyang tanong.
"U-uh, didn't I tell you earlier that I was busy? Hindi ka ba nagbabasa ng text?" Pagsusungit ko sa kanya.
"Nabasa ko, PB told me you didn't eat lunch" Sabi nya.
"Hindi ako gutom" tipid kong sagot habang nilalaro ang fountain pen ko. "Sige na, I'm busy. I don't have time chatting" Ibababa ko na sana yung phone pero nagsalita sya ulit.
"I'm just worried idiot" Sabi nya. Tanginis! Idiot pa ko? Hindi ko na yun sinagot at binabaan na sya ng phone.
Bumalik ako sa pagaanalyze ng books of account. Ang dami, napapagod na ko. Sumandal ako sa upuan ko, ang sakit na ng likod ko. Hays! 6:30pm totoong wala pa kong lunch, at hindi totoong hindi ako gutom. Promise matapos ko lang 'to magbubuffet ako.
"Sht!" Napabalikwas ako ng upo ng lumitaw sa harap ko si Cj.
"Where did you come from?" Inis kong tanong sa kanya. May tinaas syang mga supot.
"Uhm, sa pinto?" Sarcastic nyang sagot.
Psh. "Ba't ka ba nandito? Busy nga ako" Sabi ko sa kanya, umikot sya para makapunta sa pwesto ko't naghila ng isang upuan.
"Kain tayo?" Patanong nyang sabi. Tumango lang ako, bawal tanggihan ang grasya. Sinara ko muna yung laptop ko bago sya ulit hinarap.
Nasa pantry kami ngayon, kami lang ang tao. Halos lahat kasi'y naguwian na, maaga talaga sila pag weekends. Well, they have families to spend it with. Ako? Wala. Haha! I just spend it with friends.
"What are your plans tomorrow?" Tanong sakin ni Cj.
"Uhm, diba magbabar tayo?" Yun naman kasi weekly naming ginagawa.
"No, in the morning and afternoon" Sabi nya.
"Probably sleep. Pigang piga na kasi utak ko eh, gusto ko nang simulan yung mga reports bago pa mag month end, you know. Month end is a busy one" pageesplika ko sa kanya. Tumango lang sya.
"Would you mind coming with me sa university natin?" Tanong nya. Nagulat ako, hindi dahil nagulat talaga ako. Baka kasi nandun na si Al--I mean Zeke, ayoko pa syang makita. "It's okay if you're not yet ready" dugtong nya and gave me a smile.
That smile I've fallen inlove with.
Tumayo ako at bumalik na sa table ko. Ayoko! Ayokong magmahal ulit. Not now.
ESTÁS LEYENDO
Memories of Summer ✔
FanficEverything that happened last summer was all a part of my past now, i should move on, i should go on. But why am i still hanging on? -Josh I thought i still love her. But i realized i didn't, when i get close with someone last summer. In the end i s...