"Ano ba Zake! Tama na!! Hindi na kita mahal.. Layuan mo na ako! Hindi pa ba sapat lahat ng pinakita ko saiyo para paniwalaan mong hindi na kita mahal?! ha?! Zake please! Marami ng buhay ang nawala ng dahil lang sa pag-iibigang 'to! Ayoko na! Ba't pa ba kita nakilala?! Ba't mo pa kailangang idamay halat ng tao ng dahil lang sa pag-iibigang to?! Ang sakit-sakit na Zake eh! Sinubukan Kong ayusin ang lahat pero bakit gan'to?! Ang hirap-hirap na! Kung kaya mo pa, kaya mo pa. Pero ako, hindi na eh. Suko na'ko Zake! Kaya please lang lubayan mo na ako! Dahil sa tuwing lumalapit ka, may kirot akong nararamdaman dito" Sabay turo sa kaniyang puso. Bakas na bakas sa kaniyang sarili ang pagsisisi. Ba't pa ba kami nagka kilala? Everything happens for a reason kumbaga. Ano ba ang dahilan kung Bakit pa kami nag kakilala? Nandun na yung nagkakilala siguro kami para wasakin ang puso namin o nagkakilala siguro kami para tuluyang madurog ang aming mga puso. Teka parehas lang yun diba? Pero yun lang talaga ang mga dahilang tumatak sa isipan ko ngayon kung bakit pa ba kami nagkakilala.
"Hanggang dito na lang ba talaga tayo? Hindi ka ba nakaramdam ng pagkasayang? Dahil ako, paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko na masasayang lang ang lahat ng effort at pinagdaanan natin kung hindi natin tatapusin. Patuloy akong lumaban, pero unti-unti ko ring naramdamang ako nalang pala talaga ang lumalaban sa ating dalawa Eu----------"Nagising nalang ako sa katotohanang hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga nakakalimutan lahat ng huli niyang sinabe. Minsan na rin akong magtangkang magpakamatay ngunit hindi solusyon ang pagpatay sa sarili upang maging matiwasay na ang ating kaluoban. Binigay sa'tin ng amang Dyos ang mga problemang dapat nating malagpasan kaya dapat lang natin itong bigyang pansin at wag isantabi lamang.
Unti-unti akong bumangon
Napatingin na lang ako sa salamin
Nagulat ako ng makita Kong...
Kahit umiyak pa ako ng milyon-milyong luha....
Di pa rin maiiwasang makita ang aking kagwapuhan.
~HAHAHAHAHAHAHA
At dahil sa'king mga naiisip sa oras na'to bigla ko nalang kinausap ang sarili ko sa salamin na "Kahit anong mangyari, wag na wag mo akong iwan kagwapuhan okay? Ikaw nalang ang meron ako sa buhay nato. At sa oras na lalayuin mo na rin ako.. Ay hahabulin na hahabulin pa rin kita Kahit saang banda ka ng mundo mapunta. Sayang naman kung pati ikaw ay mawawala na rin sa'kin diba? I love you kagwapuhan" Sabay akmang hahalikan sa salamin.7 minutes ago
*tok tok tok*
At dahil dun, hindi ko na natuloy ang paghalik sa'king salamin. Sayang naman! Magkaka girlfriend na sana ako kaso dumating pa 'tong asungot sa buhay ko. Nag bihis na ako ng pantalon dahil naka boxers lang pala ako while nakikipag-usap sa sarili ko. Nahiya tuloy ako sa sarili ko dahil mukha tuloy akong nangbabastos ng sariling katawan
~HAHAHAHA.
"Hoy pre! buksan mo to!" Nakalimutan kong Nandito pa pala tong asungot nato.
Binuksan ko na ang pinto at nagulat naman ako ng sigawan ako ni Zack. "HAPPY BIRTHDAY ZAKEEEEEEEE!!!!!!!" sinurprise nya ako.
"HA??? PRE?! BIRTHDAY KO BA NGAYON?! HALA!!!!! NAKALIMUTAN KOOOOOO!!!" At nag mamadali na akong tingnan ang calendar at nakita kong hindi ko pa birthday ngayon.
"LINTIK KA BRAD! HINDI KO PA BIRTHDAYYYYYY! PINAGLOLOKO MO AKONG ASUNGOT KA!!!!!!!!!" sinigawan ko na sya dahil sa inis.
"HAHAHAHAHAHHAAHA" At tumawa sya ng tumawa na para bang wala ng bukas.
"Pre! Baliw ka na ba?! Sa tingin ko kailangan mo ng mapadala sa mental hospital pre! Nababaliw ka na dahil sa pag-ibig!"
"HAHAHAHHA pre!" Hindi talaga sya maawat sa kaniyang pagtawa. Ano ba'ng nakain ng isang to?! "Pre kung nakita mo lang yung mukha mo HAHAHAHHAAHHAHAH" at isinirado ko na yung pinto dahil sa inis.
"Oy pre!! Joke lang oy! Ano ka ba! Nagiging pikunin ka na ha!" Pagsigaw niya sa labas. "Pumunta lang naman ako dito dahil nabasa ko yung mga status mo! Asong iniwan sa ere. Ako lang yung friend mo sa fb pero status ka pa rin ng status! Para kang baliw pre!" Dahil sa sinabi niya dali-dali kong binuksan yung pinto at pinapasok na si Zack at binuksan ko na rin ang bintana dahil ang init-init dito sa loob ng bahay. Sabagay dahil ang nakitira lang naman dito ay si Zake Evanggelista the hottest.
"Pre! Ayan ka na naman! para kang baliw na nag sm-smile jan na baka ninanasa mo na ako ha! HAHAHAHHAHAAH" Natauhan ako sa sinabi niya
"Sino ba ang baliw sa ating dalawa? Ikaw na halos----" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil agad syang sumagot.
"Ikaw"
"Pre! lintik ka ba talaga?! Inuobos mo na ang pasensiya ko ha! Hindi pa ako tapos mag-salita dito..."
"Pre ikaw naman talaga ang baliw kasi kaninang umaga rinig na rinig ko ang pag iyak mo dahil maaga akong pumunta dito sa bahay mo" Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya.
"Umiyak ba ako pre?!" Pagtatanong ko sa kaniya na may halong kaba.
"Oo pre, Ano bang nangyari sa'yo? Simula ng nakilala kita ay Parang hindi ka talaga naging masaya sa buhay na natanggap mo at parang ayaw mong makipag-usap sa ibang tao"
"Aba sinong nagsabi sa'yo na ayaw kong makipag-usap sa iba?" tanong ko
"Baliw ka na talaga! tsaka makalimutin pa. Syempre ikaw yung nagsabi sa'ken Simula nung maging matalik na tayong magkaibigan noh" sagot niya
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang araw na naging matalik kaming magkaibigan.
"Zake okay ka lang ba? Parang ang hirap-hirap ng sitwasyon mo ah! Pwede naman kitang tulungan."
"Ah-h? O-okay lang naman ako. Tsaka layuin mo na rin ako baka madamay ka pa sa problema ko" sabay walk-out
"Tsk, tsk, tsk pre, masamang ipasawalang bahala lahat ng problema at parehas naman tayo eh, ang bata-bata pa natin pero ang dami-dami na ng problema, Zake pare, ipaalala ko lang sa'yo, lahat ng problema na ating nararanasan at mararanasan pa ay lilipas din sa tulong niya" Sabay turo sa langit.
"Salamat kumpare, Zeck right?" Sabay alok ko ng kamay.
BINABASA MO ANG
Secretly Admiring
Teen FictionKapag pag-ibig ang pinag-usapan, babae ang palaging nasasaktan. Minsan ba iniisip din nila ang nararamdaman ng mga lalakeng pinupusuan nila? Makukuha pa kaya ng mga lalake na tumawa matapos nilang iponin lahat ng lakas ng luob na kausapin at palayui...