10. OA

116 7 4
                                    

“Sasakay tayo jan? Sure kayo?” di makapaniwalang tanong ni Minhyun habang tinititigan ang sasakyan sa harap niya.

“Anong klaseng sasakyan ba yan? Nasisiraan nang bait si Shana!” OA na sabi ni Baekho.

“Wala akong masabi. Ang tagal ni JR at Shana sa loob ng bahay.” Sabi naman ni Aron.

“MOUHAHAHAHAHA! *insert Ren’s evil laugh* baka nagro-round two pa! MOUHAHAHAHAHAHAHAhA—ack *cough cough*” nabilaukan si Ren habang tumatawa.

Nakitawa naman ang iba habang iniimagine ang kahalayan sa utak ni Ren. SIGE! Katol pa guys! =___=

“Uhherm, alam niyo sa loob na tayo ng sasakyan magtawanan. Masakit na sa balat ang init e. mangingitim na ako nito.” Reklamo ni Baekho na siyang pinakamaarte sa grupo.

Sumangayon naman ang iba at nagsipasok sa sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay ni Shana.

Meanwhile…

“Na-lock mo na ba yung mga bintana sa taas?” tanong ni Shana habang inaayos niya ang gamit na loob ng bag niya.

“Oo na.”

“Yung mga pinto sa mga kwarto niyo? Sa guest room? Stock room? Yung banyo ba sinara mo? Baka lumabas yung singaw ng Albatross dun papatayin kita pag natunaw yun agad.” Sunod sunod niyang salita habang si JR naman mukhang pikon na.

She’s such a nagger.

“Oo na.” sabay irap sa kawalan ni JR.

Kanina pa kasi siya nakukulitan kay Shana. Kulang nalang palibutan nila ng kandado yung buong bahay wag lang manakawan.

“Siguraduhin mo yan ha Jonghyun! PUPUTULAN KITA PAG NANAKAW ANG KAMA KO DITO SA SALA!” banta niya.

“Asa ka namang may mananakaw dito sa bahay niyo.” Bulong nito pero rinig naman ni Shana.

“DI MOBA ALAM NA BAKA MANAKAW YUNG MUSIC PLAYER KO SA ITAAS?! TANGINA MO HA.” Sabay irap ulit bago isinukbit yung bag niya sa likod niya.

Pumunta siya sa kusina para i-double check kung sarado na ba ang pinto sa likod.

“Psh, asa naman. Mukhang mas matanda pa sakin yung ‘cassette player’ niya. Tanga nalang ang magnanakaw nun.” Bulong niya bago sinundan si Shana.

Lumabas ang dalawa pero di nlia makita ang apat. Wala ito sa paligid.

“Hala, asan sila?”

“Tanga, kasama mo ako. Paano ko malalaman? Psh. Utak mo nasa talampakan.”

“Aba’t! Hoy JR sumasagot ka na sa akin ngayon?” sabay pinanlisikan ng mata si JR.

“Wala akong sinabi. Tara na nga, hanapin natin sila.” Hinawakan niya ang kamay nito at hinila paalis sa harapng bahay nila para hanapin yung apat na bugok na mukhang nawawala.

‘Ayos, tangina chansing ako! WOOOO!’ sa isip ni JR

‘Parang… parang… parang may mali e… *tingin sa kamay nilang dalawa**kumunot ang noo**kibit balikat at nagpatay malisya* wala. WALANG mali. WALA TALAGA.’ Malanding isip ni Shana.

“SHANAAA!”

“JR!”

Nakita ng dalawa sa di kalayuan ang apat na bugok na nagkukumpulan sa loob ng isang sasakyan. Di nakayanan ni Shana ang nakita at…

“PFFT—HAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!! ACK—HAHAHAHAHAHAHAHAH *cough cough* NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!” nagpagulong gulong siya sa daan habang tinititigan lang siya ni JR na nakakunot ang noo.

Nang mahimasmasan na ito ay tumawid sila sa kalsada kasi sa kabilang part yung sasakyan.

“Ano bay an, kanina pa kami naghihintay sa inyo.” Pagmamaktol ni Minhyun.

“Eto kasing babaeng ‘to. Ang daming arte bago lumabas ng bahay.”

“Bat yan tumatawa kanina? Anong nakakatawa?” tanong ni Ren.

“PFTT—S-S-SORRY HAHAHAHAHAHA!” ayan nanaman ang tawa niya.

“Isa pa Shana babatukan na kita. Umayos ka nga.”  Saway sakanya ng lolo niyo.

“M-Magsibaba nga kayo jan—HAHAHAHAHAHA! SHET!SHET! HAHAHAHAHA!!”

Nangunot ang noo ng lima. May baliw kasi na kanina pa tumatawa.

“Anong bang problema mo?” tanong nila.

“NYAHAHAHAHA! Nasa karo kayo ng patay nakasakay TANGA! NYAHAHAHAHAHAHAHAHA!!”

--

“Akin na ang alcohol! Bilis na Baekho!”

“Ako muna. Tss kailangan kong ipaligo ‘to!”

“Mas kailangan ko ‘yan! Amin na please huhu ako ang hyung niyo kaya making kayo sakin.”

“Ako ang pinakamaganda sainyo kaya ako muna dali na.”

Kanina pa nila pinagaagawan ang kawawang alcohol sa pag asang ‘madidisinfect’ sila. Sino ba naman kasing tanga ang sasakay sa karo ng patay?—di nga pala sila taga dito. =___=

“Bat ba kasi kayo sumakay dun?” nagpipigil ng tawa si Shana habang tinititigan ang apat na muntangang nagaagawan sa likod.

“May kasalanan ka din naman.” Puna ni JRkahit medyo natatawa din siya sa katangahan ng mga kaibigan niya.

“Psh kasalanan ko bang tanga sila—pfft! NYHAHAHAHA! Ang linaw kaya ng sabi ko na yung unang sasakyan na makita nila sa tapat ng bahay? E bat dunsila sumakay? HAHAHAHA.”

“HEKSYUSMEH. Yun kaya ang unang sasakyan  na sa tapat ng bahay niyo.” Pagtataray ni Ren.

“Psh. Common sense naman tangina. Di niyo ba nakita ‘tong van sa gilid nung karo,HA?”

“Ehhhh! Hindi naman ‘to nasa tapat ng bahay niyo e! Nasa tapat ‘tong kapit bahay niyo.”sabi naman ni Minhyun.

Psh. Face palm nalang tayo bilis. O kaya paki hampas naman yung apat at ng maalog ang utak nila. Medyo tanga kasi.

--

“San ba tayo pupunta Shana?”

Di naulit umimik yung apat matapos nilang magtalo dahil sa pagsakay nga nila sa nakakadiring sasakyan ng patay.

“Sa pupuntahan, bakit?” sagot nito habang busy pa din na aliwin ang sarili sa kakatingin sa labas.

“Ehhhhh! Shana naman e. *pouts* Wait! Tigil niyo muna sasakyan!” sabi ni Minhyun. mukha siyang constipated na ewan.

“Anyare?” tanong ni Aron.

“Na-na—“

“Na?” tanong ng lima.

“Naiihi ako. Plissssh ibaba niyo muna ako.”

“Oo. Wait lang… driver itigil niyo muna sa tabi ang sasakyan.” Sabi ni Shana kay driver. Nalimutan kong i-chika na may driver pala sila sa van na gamit nila. ODIBA? Ritsked.

Itinigil naman agad ito ni drivel at kumaripas agad ng takbo palabas si Minhyun para maghanap ng public cr. Di na kasi niya matitiis na kakaabot sa paroroonan nila kasi di naman niya alam kung saan sila pupunta.

Matagal ding naghintay ang lima plus si driver para sa isang Minhyun na umiihi kasi 40minsna ang nakakalipas e walang bumalik na Minhyun.

Di kaya…

Mahaba ang pila sa banyo?

O sadyang…

Nawawala siya?

--

A/N: opo, murahin niyo ako kasi wala pa ring sense ang gawa ko. HUHUBELTH

Vomment naman kayo jan :((( pandagdag inspirasyon. Nga pala may bago akong kwento. Yun na ata ang masterpiece ko. Nakagawa na ako ng 10 chaps in just 1 night. Aba himala ano? Anyway, don’t worry marami na akong tambak na chaps para dito sa kwentong ‘to XDD share langs. Pero pakibasa nman yung ibang kong gawa.:)))

Lovelots.

lourdiexoxo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[NUEST] Lovely DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon