Matapos ang break time namin pumunta na kami sa sumunod naming subject. Ang pinaka-ayaw ko na subject, music. Mahina kasi ako pagdating sa tugtugan. Di pa ako nakakanta sa harap ng maraming tao kasi mahiyain akong tao kapag nakaharap na sa maraming tao. Dalawang section daw ang pasabay- sabayin sa oras ng Music, sabi ng adviser namin. Naghahanap daw kasi sila ng singer para isali sa contest sa susunod na buwan. Kaya isa-isa nilang pakakantahin ang mga estudyante sa harapan. Marami naman ang willing kumanta, kahit sintunado ang boses, go pa rin ng go. Kahit sa harapan ng mga crush nila. Pakapalan ito ng mga mukha. Ang dami kayang tao para kumanta sa harap. Hay. Basta ako hindi ako kakanta. Kahit maganda ang boses ko. Charr. Hahaha.
"Ms. Keiko." bakit pa ba kasi iisa-isahin pa nila? Pwede namang by group nalang. Mapapahiya tuloy ang iba dito.
"Ms. Keiko!" napatayo ako sa gulat ng tawagin ni Mdm. Vy, ang Music teacher namin na ubod ng sungit.
"Ayy! Ang pangit nya!" napasigaw tuloy ako ng hindi sinasadya. Bigla kong narinig ang mga tawanan ng kaklase ko sa loob ng music room. At nakakahiya talaga. Kapag nagkataon detention ang bagsak ko nito.
"Keep quiet!" natahimik kaagad ang mga tao sa loob. Sino ba ang hindi sisindak sa lakas ng boses ni Mdm. Syempre wala. "At dahil tinawag mo akong pangit Ms. Keiko, kumanta ka sa harap. Di sana kita pakakantahin kasi alam kong hindi ka talaga kumakanta. Pero dahil sa di ka nakikinig sakin kumanta ka. At walang exception. Maliwanag?" mas gugustuhin ko pa ang detention kaysa kumanta sa harap. Tss.
"Yes Mdm." napayuko nalang ako sa hiya habang papapunta sa harapan. Kinausap ko ang pianist na kakantahin ko ang paborito kong kanta na Only Hope by Mandy Moore.
"Are you ready Ms. Keiko?" hindi! hindi pa ako ready. Tumango nalang ako. 4 stanzas lang naman ang kailangan eh. Kaya ko 'to. Ang daming tao sa harapan ko. Waah! Nasimula ng tumugtug ang piano kaya yun na ang clue ko para magsimula.
There's a song that's inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over again
I'm awake in the infinite cold
But You sing to me over and over and over again
So I lay my head back down
And I lift my hands
and pray to be only Yours
I pray to be only Yours
I know now you're my only hope
Nakapikit ako habang kumakanta ayokong makita ang mga tao sa harapan baka mawala ako sa kinkanta ko. Dumilat ako ng dahan-dahan at nakita ko una si Shun na nakangiti. Lalo akong ninerbyos! Waah!
Sing to me the song of the stars
Of Your galaxy dancing and laughing
and laughing again
When it feels like my dreams are so far
Sing to me of the plans that You have for me over again
So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope.
Natapos na din ang kanta. Pinapawisan ako ng sobra dun. Feel na feel ko din ang kanta. Pero ang ikinagulat ko biglang nagpalakpakan ang mga tao.
"Ms. Keiko. Di ko alam na maganda pala ang boses mo. Di ako makapaniwala. Ikaw na ang sasali sa contest sa susunod na buwan." naging sweet si Mdm. Vy sa akin. Kinilabutan ako. At maganda naman talaga ang boses ko. Haha. Wait.. WHAT? Ako?
"...H-Ha? Di po ako papayag. Ayoko pong sumali." pagtatanggi ko sa kanya.
"And why? Pwede ka madiscover sa mga malalaking kompanya. At saka mapapanatili ang scholarship mo hanggang makagraduate ka." scholarship?! Omo! I want it. Pero mahiyain ako kapag nasa harap ako ng maraming tao.
"Uhm. Sige po." wala na. Wala na talaga. Kailangan ko harapin ang kinakatakutan ko. Hay. Pagkatapos naming kumanta ay pinauwi na kami ni Mdm Vy. Nakakabadtrip ang araw na ito. Bakit pa ba kasi ako sumang-ayon. Dumami tuloy ang haters ko. Pagkauwi ko sa bahay ay binuksan ko kaagad ang facebook ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
"100 Friend request!" tiningnan ko kung sino ang mga taong gustong maging friends ko. Di naman ako choosy pero ganyan talaga ako. Haha.
"Si Shun Mikaru in-add ako!" napatalon ako sa tuwa. Kinomform ko naman kaagad. Kinikilig ako. Yiie! Aamini ko na may gusto ako sa kanya. Hoho. Napahinto ako ng may nagmessage sa akin.
"Hi Shin. Ang galing mong kumanta kanina." Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Anong irereply ko? Panic mode na ako at di na mapakali!
"Thank you pala sa pag-add mo sa akin. Thank you din sa cmpliment." nanginginig ang mga kamay ko habang tinatype ang mga lintik na letra na yan at dinamay ko pa talaga ang keyboard ko.
"Pwede ko bang malamn ang cellphone number mo?" sure! pwedeng pwede. Malakas ka sakin eh. Syempre di ko yun sinabi nakakahiya kaya.
"Sure. Smart? Sun? Globe?" ohh ha! Triple sim kaya ang cellphone ko kaya hayaan na. Hahaha. Ang dami ko na palang sims. Kahit isa sa kanila di ko pa ginagamit hanggang ngayon. Di kasi ako mahilig sa mga ganyan eh.
"Wow dami ah. Hahaha. Smart nalang." binigay ko kaagad ang numero ko sa kanya, di lang sa Smart pati lahat ng numero ko binigay ko sa kanya. Sa tingin nyo ba mahahalata nya na kinikilig at excited ako?
"Sige salamat. Bye." at yun. Tapos na kaagad ang masasayang oras ni Shun sa FB. Nag-log out na rin ako para kumain. Hindi pa rin ako maka-get over kanina sa music room. Pati na rin ang pagsali ko sa contest.
Kakatapos ko lang maligo nang biglang tumunog ang cellphone ko, hinanap ko kahit saan, yun pala nasa loob lang ng drawer ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext ng Hi Shin. pero unknown number ang nakaregister. Ilang minuto ang nakalipas at nalaman kong si Shin pala ang nagtext. Sinave ko kaagad ang numero nya sa lahat ng sims ko. Halos di ako makatulog dahil sa kilig. Napahinto ako at napaisip.
WALA AKONG LOAD para makapagreply!! Magpapaliwanag nalang ako bukas. Huhuhu.
Paano kung magkita kami bukas?
Iiwasan ba nya ako dahil lang sa hindi ako nagkareply?
Ang babaw mo naman Shin. =_=
Anong sasabihin ko sa kanya?
Baka magmukha lang akong tanga sa harapan nya.