[POSER LOVESTORY] --- chapter 12

79 2 1
                                    

Chapter 12. Paano kaya kung…

**beep**

“Oh Bicutan, Bicutan”

“Sakay na, Bicutan ho”

“Mga papuntang Bicutan dito na po”

-_______________________-!!!!!!!

KUYANG BARKER NG JEEP HOY BAKIT HINDI NIYO HINAYAANG MAKITA KO SIYA HA! HA! BAKIT!!!

MALAY NIYO SIYA NA TALAGA SI LHANCE MALAY NIYO! HINDI NIYO ALAM ANG PINAGDADAANAN KO NGAYON GUSTO KO SIYANG MAKAUSAP! GUSTO KONG IPALIWANAG SA KANYA LAHAT PERO HINDI NIYO HINAYAANG GAWIN KO YUN KASI TINAWAG NIYO NA SIYA L((

Sinubukan ko namang sumakay din dun sa jeep na yun e, kaso sa sobrang daming pasahero hindi na ako nakaabot L(((

“Manang, sa susunod na jeep na lang ho kayo”Lalaki

Sa susunod? At manang?! E parang mas matanda ka pa nga sa akin!! >.< ano pang susundan ko dun?! Naman kasi si kuya Barker!!!

At dahil bad trip na ako, uwi na lang kaya ako? -_-

Sa tingin ko naman, kahit na saan pa ako lumalop ng Pasay magpunta ay wala na talaga akong mahahanap na trabaho…

*

(bahay)

“Ma, andito na po ako”

“Saan ka ba galing bata ka ha? Hindi ka pa nga masyadong nakakapagpahinga e”Mama

“Naghanap lang naman po ako ng trabaho ma, para naman po matulong din ako”

“Nak, kaya na ni mama toh, konting panahon lang makakahanap din ako ng ipapalit kong pagkakakitaan.”Mama

Yan naman ang gusto ko sa mama ko e, masyado siyang positive thinker. Yung kahit na gaano kabigat yung problema, hindi pa rin siya sumusuko….sana ganun din ako…sanaL

Ang dami-dami kong iniisip…

Una, kung paano ko sasabihin kay Xian ang totoo

Pangalawa, yung lalaking pakiramdam kong si Lhance, siya ba talaga yun?

Pangatlo, kailangan kong makahanap ng trabaho

May gusto pa kayong idagdag? L nakakainis ang buhay..sana hindi ganito kahirap..maayos naman yung buhay ko e, nung wala pa akong kaalam-alam sa pag-ibig.

“Ate, may dumaan pala dito kanina…ang gara ng kotse!”Felix

Dumaan? Magara ang kotse? O_O hindi kaya si Xian yun?! OMO!!!

“Ha..ha…si..sino daw hinahanap?Ako?”

“Ano? Wag namang feeling ate, sinabi ko lang namang may dumaan ha, ang peeling nito yah! Hinahanap dawww ni hindi nga sila bumaba e!”Felix

>_< ok…Lea nahahalata ka kapag ganyan e!!

Tska…bakit ba kasi kapag may magarang dumaan na ganun, si Xian na agad?! Haayyy nakoooo

“Saan ba dumaan?”

“Dun sa may kanto, malapit sa compteran nila ate Lorrainne”Felix

“Sa tingin mo, sino kaya yun?”

“Aba malay ko! Marami namang mayaman sa Maynila ate malay mo naligaw lang yon dito”Felix

Bat naman kaya yun maliligaw? Sa pagkakaalam ko yung mga kotseng pangmayaman may mga GPS. Tama ba? GPS? Naririnig ko lang yan sa mga lalaki sa school e.

Baka naman kasi nalaman na nilang poser ako tapos hinahanap nila ako… TT_TT

“Ay nak, pumasok ako sa kwarto mo kanina, binaba ko yung mga marurumi mong damit.”Mama

“Ah okay po, salamat. Lalabhan ko na lang po yon bukas”

“Kahit ako na lang, kailangan mong magpahinga, hindi ka pa magaling. Kaya ko lang naman nasabi yun dahil may nakita ako.”Mama

--àO.Oß-- ano yung nakita niya???

“Ano po y-yon ma?”

“Mga beauty products nak, sayo ba talaga yon?”Mama

“ANO MA, BEAUTY PRODUCTS? HAHAHA! ATE GUMAGAMIT KA NON?!”Jan-jan

Hay! Akala ko naman kung ano na yon!

“Ah binigay lang po sa akin ni Lorrainne yun ma, bago ata nilang business yun.”

“At ikaw naman Jan-jan! Anong masama kung gagamit ako nun ha? Ha?”

“Mabuti naman at natututo ka nang mag-ayos nang sarili mo. Maganda ‘yan nak” Mama. patawa niyang sabi.

“Ate sa tingin ko sayang lang ‘yan e, baka hindi tatalab sayo HAHAHAHAHAHA”Jan-jan

“Tumigil ka nga! Libre lang naman yon, binigay nga lang sa akin e!! wala naman sigurong masama kapag susubukan”

“Ay nako sinasabi ko sayo walang epekto yan HAHAHAHAHA”Jan-jan

Ang sasama talaga ng mga kapatid ko T_T

“Ts! Makataas na nga lang!!”

Pagkataas ko, humiga ako agad.

Nakatingin ako sa ceiling..

Napa-isip ako ng mga bagay-bagay..

Madalas ko tong gawin tuwing wala akong mapaglabasan ng mga hinanakit ko sa buhay. Pero hindi ditto sa kwarto ko, dun sa dati naming tambayan nila kuya ko. Naaalala niyo pa ba yon?

Maganda kasi dun, makikita mo yung clouds kapag umaga o hapon ka pumunta dun. Kapag gabi naman, ang mga kumikislap na mga bitwin.

Sa ganitong paraan pakiramdam ko nababawasan iniisip kong problema, para bang may isang tao kang kausap pero wala naman talaga XD

Sasabihin mo yung mga tanong mo sa isip mo na ayaw mong ipaalam sa iba..

Yung mga sarili mo lang na mga problema…

Parang ganito…

Paano kaya kung isang araw malaman ko na lang pinaghahanap na pala ako ni Xian?

Paano ko na lang ipapaliwanag sa kanya ang lahat?

Paano na lang kung mawala lahat ng meron kami, ang bahay namin, yung jeep, yung trabaho nina Kuya ko..?

 Hindi rin naman kasi biro ang panloloko ng tao.

Hindi ko rin siya masisisi kung magagalit siya sa akin dahil kahit ako naman, ayokong niloloko ako.

Kaya siguro, naiisip kong posible niyang magawa ang mga bagay na naiisip ko.

Madali lang naman para sa kanyang gawin yun dahil mayaman sila at marami silang hawak na tao.

Ano ba tong gulong pinasok mo. Hay! Wala nang lusutan ito…

*

zzzZZzZZZZzzz….

*

A/N:

SORRY PO KUNG WALEY AT MAIKLI AT MATAGAL. </3

BABAWI TALAGA AKO SA SUSUNOD NA CHAPTER! PROMISE L J)))

*Chapter dedicated to: Althia Evangelista. :D ayan na yung dedication mo! Hohoho, pasensya na kung ngayon lang ^_^v

~ Put God First.

KIMPOYLOVES21 <3

God bless & be a BLESSING! 

POSER LOVESTORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon