"Saan mo ako dadalhin? Hindi ito ang daan pauwi!" Singhal ko habang tahimik lang siyang nagmamaneho.Hindi siya umimik. Mas lalo tuloy akong nanggigil. "Iuwi mo na ako! Hinahanap na ako ni mama!"
Wala talagang kahit ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig hanggang sa huminto kami sa harap ng building.
"Bakit mo ako dito dinala?"
Bumababa siya at pinagbuksan ako ng pinto at hinila palabas. Pumasok kami sa building na iyon at sumakay ng elevator. Pinindot niya ang ika 20th na palapag makailang minuto lang ay bumukas na iyon.
Hinila niya ako papunta sa Room 2024 at pumasok kami doon. Kung hindi ako nagkakamali ay isa itong apartment.
Ang linis at ang ganda ng mga gamit. Mukhang mga mamahalin lahat.
Iniupo niya ako sa kanyang couch.
"What do you want to eat?" Tanong niya sa normal na boses.
"Ano?" Kumunot ang aking noo. "Bakit mo ako dinala dito?"
"Ipagluluto kita. Maupo ka lang diyan." Sabi niya na hindi pinansin ang tanong ko.
Pumunta siya sa kusina hindi ko inalis ang aking paningin sa kanya hanggang sa hindi ko na siya makita.
Nilibot ko ang aking paningin.
"Ano ba ang plano niya?" Napalunok ako ng di oras.
May nakita akong remote sa lamesita at kinuha iyon. Pinindot ko iyon at nanood ng t.v. Habang nanonood ako ay may nalalanghap akong mabangong amoy ng pagkain.
Tumunog ang aking tiyan. "Gutom na ako." Sinilip ko ang kusina kung tapos na ba siyang magluto.
"Hindi pa siguro siya tapos."
Agad akong napabalikwas ng maalala ko si mama.
Bakit kaya hindi man lang niya ako tinawagan kung bakit hindi pa ako nakauwi?
Kinuha ko ang cellphone sa aking bag. "Naku! Lowbat pa."
"Kumain na tayo." Ani Keilev.
Sakto. Gutom na gutom na ako.
"Ah.. Kei. May charger ka? Lowbat kasi iyong cellphone ko hindi ko matawagan si mama."
"Mamaya mo na e-charge yan. Kumain muna tayo." Seryoso niyang pagkasabi.
"Sige. Gutom na rin ako, eh."
Agad kong tinungo ang mesa may nakahandang Caldereta, vegetable salad at leche flan doon.
Natakam ako sa caldereta. Paborito ko kasi iyon. Agad akong nag sandok ng kanin at kumuha niyon.
"Ang sarap!"
Hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi iyon masabi. Napakasarap naman kasi niyon. "Ang husay mo pa lang magluto!"
Nang matapos kaming kumain ay inilagay lang niya lahat ng plato sa dishwasher machine. Tapos ako naman ay humahanap ng charger.
Kailangan kong matawagan si mama baka nagaalala na iyon saakin.
Bahagya pa akong nagulat ng may nagsalita saaking likod. "Don't worry about your Mom. She knows that your with me."
"Ano?!" Napasigaw ako sa gulat.
Paano pumayag si Mama na pabayaan ako sa Keilev na ito? Ganito ba niya pinagkakatiwalaan ang amo?
"Paano mo siya napapayag?"
Ngumisi ito ng nakakaloko. "As if naman humindi siya."
"Iuwi mo na ako, please. May pasok pa ako bukas."
"Dito ka magpapalipas ng gabi."
"H-ha?" Kailangan kong umisip ng paraan para makauwi ngayong gabi.
Tila normal lang sa kanya na sabihin na dito ako magpapalipas ng gabi. As if naman na papayag ako. Hindi pwede ang gusto niya! Basta, hindi maaari.
Nag isip ako ng maipapalusot. "W-wala akong toothbrush na dala."
"May bagong toothbrush doon sa cabinet ng banyo. Gamitin mo nalang." Sabi niya habang nakapamulsa.
"W-wala akong dalang damit."
"May damit doon sa kwarto ko. Kasya iyon sayo."
Paano na ito? Lahat yata ng mga palusot ko meron siyang nakareserba. Wala na akong magagawa pa. Gabing-gabi na rin wala ng bus na bumabyahe. At saka takot din akong mag taxi pag gabi baka kung ano pa mangyari saakin.
Mas mabuti ng dito. Safe.
Bagsak ang balikat kong tinungo ang banyo. "Maliligo lang ako."
"Okay. Bilisan mo at maliligo din ako."
Hindi ko na siya pinansin at diri-diretsong tinungo ang banyo. Pumasok ako doon at naligo.
Kumpleto talaga sa gamit ang lalaking iyon. Pati bathrobe na pang babae ay meron siya.
Lumabas na ako at nakita ko siyang nakaupo sa couch na naka dekwatro.
"Tapos na ako. Asan ang kwarto mo?"
Tininuro niya ang kanyang kwarto. Pumasok ako doon at ni-lock iyon.
Mahirap na. Baka silipan ako ng lalaking iyon.
Dumiretso ako sa kanyang walk in closet. "Aba! Talaga nga pa lang may mga damit siyang pangbabae dito!"
Kanino kaya ito? Siguro pagmamay-ari ito ng girlfriend niya.
Kinuha ko ang Black sleeveless at ang navy blue cotton short. Ito nalang susuutin ko mas comfortable.
"Pahiram muna, Carina. Ah.." Pabulong kong sabi.
Isinuot ko iyon. At hinintay na mag-dry ang aking buhok. Nang maramdaman kong hindi na basa iyon ay humiga na ako sa kanyang kama.
Dito na ako matutulog. Bahala siya diyan. Doon siya sa couch matulog kung gusto niya basta hindi kami pwedeng magtabi.
At saka siniguro kong locked ang pinto para siguradong hindi siya makakapasok.
Inaantok na ako. Kailangan ko ng matulog may pasok pa ako bukas.
Hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako. Sapagkat nagising akong may humahalik sa aking leeg.
Sino ba ito? Baka panaginip lang. Minsan kasi nag we-wet dreams din ako.
Pero parang hindi ito panaginip dahil naramdaman ko ang paghawak niya saaking gitna. Kahit na may short pa iyon ay nararamdaman kong naglalakbay ang kamay niya doon.
Alam kong hindi panaginip ito. Iminulat ko ang aking mata.
Nagulat ako sa aking nakita. "K-Keilev?"
"Yes, baby..." Salita niya sa paos na boses.
"P-paano ka nakapasok?"
"Nakalimutan mo yatang bahay ko ito." Pagkasabi ay ginawaran niya ako ng agresibong halik.
BINABASA MO ANG
Merritt Crusset (Beauty is Inside)
Ficción GeneralRemember that beauty is inside. |R18