Chapter 9:

1 0 0
                                    


Marco's POV

"Guys,  next week na first quarter exam natin." Announcement ni Danica. Si Danica ang aming SSG at classroom president. Mabait ito, masipag palakaibigan at madaling lapitan.

"Oy guys, dating gawi. Hahaha Marco wag kang madamot ah?" dagdag pa ni Lester habang kinukulit ako.

Itong si Lester na siguro ang pinakamahangin sa lahat. Ang lakas nito magbiro, pero pag siya na ang pagbiruan magiging isang mabangis na dragon ito na nagbubuga ng walang humpay na apoy. Talagang isang demonyo na ang kaharap mo pag siya ginalit mo.
Ayaw na ayaw niya sa mga taong mapagpanggap at sa mga kpop fans. Pero takot itong magkaroon ng bagsak na grado.

"Ano ba tumigil ka nga." Pagrereklamo ko.

"Ayiee!! Choosy mo teh." Wika ni Hannah na umiirap pa.

Hay naku, talaga lang. Ayoko kasi sa taong manyak at marami ng nagawang kasalanan sa mga babae.

Itong si Hannah naman, hindi ko alam kong loyal talaga ito sa bf niya. Masyado kasing maraming kaibigang lalaki.

"Ayaw mo kay Lester Marco? Akin ka na lang." Sabi ni Ivan na may pakindat-kindat pa. Ngunit sinuklian ko lang ito ng irap.

Susss, hindi mo ko madadaan sa mga ganyan. Hindi na ako magpapauto pa sa inyo.

Itong si Ivan naman, kung si Lester mahangin siya naman supah manyak. Pero hindi pa daw ito nakatikim ng babae.

"Ay nga pala Marco, napansin mo ba si John? Dalawang araw na kasi siyang hindi pumapasok eh." Tanong sakin ni Kate. Siya kasi yong secretary namin.

"Speaking of John, totoo bang umalis na siya dito? Kasi narinig ko ang usap-usapan na umalis  na raw siya dahil sa pangbablackmail ng isa sa mga kaklase natin." Sabi ni Mare na talagang parang antena na nasasagap lahat ng chismis.

Gulat naman ang iba ko pang kaklase sa narinig.

"Toto ba yon? Akala ko ba nagpakamatay na." Dagdag pa ni Marife na katulad din ni Mare, chismosa pero very light lang. Mas blooming lang ito dahil sa masayang lovelife niya.

Mas lalo pang naging maingay ang classroom at hindi na ako umiimik pa at pinagsusulyapan na lamang sina Sam. Tahimik lang din ito at mukhang malungkot. Dahil kaya to sa nangyari kagabi?

"Hoy Marco, sumagot ka naman." Pageeksena ni Britney sa pananahimik ko. Si Britney ang nabibiyaan sa height at ganda ngunit nagkulang  naman sa laman. In short payat.

"Pwede ba wag niyo kong kulitin tungkol diyan dahil hindi ko rin alam ang sagot. Pareho lang tayo dito." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Ayy, nagtatanong lang naman, grabi relax lang."

Patuloy pa rin sila sa pangchichismis kay John at mukhang naiirita na rin siguro itong si Sam dahil tumayo na at mukhang galit.

"Pwede ba, instead of talking about that missing person na wala namang magandang naidulot, why dont you study para hindi naman kayo palaging umaasa sa iba. Malapit na ang examination natin kaya magpraktis na kayong mag-aral.!" Sabi nito na nagpatahimik sa lahat. Wala na silang ibang nagawa pa kundi ang magsibalik sa upuan at mag-aral.

Grabi, hindi ko inexpect na yon ang sasabihin ni Sam. Totoo kayang nagbabago na siya? Natauhan na kaya siya sa mga ginagawa niya? Mabuti naman siguro kong ganon.

"Marunong ka rin palang mag-aral Sam? Hahaha!" Pagbibiro ni Lester dito.

Ngunit hindi na sumagot pa si Sam at muling umupo sa kanyang upuan.

Si Sam na siguro ang pinakamaganda sa mga bakla dito sa school. Nasa kanya na kasi ang katawang hubog babae at ang mukhang parang dyosa. Magaling din itong sumayaw sa katunayan siya ang president ng dance group ng school.

Hanggang sa mapunta na naman ang usapan kay Joshua.

Si Joshua, baka may alam siya kung bakit hindi na pumasok si John." Sabi ni Krisheel habang nananalamin sa kanyang cellphone. Si Krisheel ay may taglay din na kagandahan. Sumasali din ito sa mga beauty pageants. Siya ang beaty queen ng section namin.

"Oo nga, hindi bat magbebestfriend sila?" Sabi ni Rita habang naglalagay ng maskara. Ito namang si Rita ay hindi mabubuhay kung hindi makapag makeup. Araw-araw iba-iba ang awra. Talagang siya na ang makeup queen.

"By the way hindi pa rin ba makakapasok si Joshua?" Singit ni Kate. "Nababahala na kasi adviser natin sa mga chismis eh." Dagdag pa nito.

Nakinig lang ako sa mga usapan nila at patuloy sa pagsulyap sa kinaroroonan ni Sam. Nakaupo kami ni Ley sa unahan kaya hindi namin masyadong makita ang mga ginagawa nila sa likod.

Tumigil lang ako ng mukhang nakakahalata na si Sam.

________

Author's POV

"Alam na kaya nilang patay na si John? Kung alam na nila bakit hindi man lang sila naaapektuhan. At teka nga lang, bakit ba palagi nilang sinusulyapan si Sam? Hahahaha, mukhang pinagsuspetshahan nila si Sam. Magaling! Mabuti yang ginagawa niyo." Sabi ng isa sa kanila.

Jeremy's POV

"Nakatingin sila sa atin Sam." Bulong ko sa katabi kong si Sam.

"Ano naman ngayon? Inggit lang sila sa beauty ko." Sabi niya habang nakataas ang kanang kilay.

Oo nga pala hindi ko pa nasabi kay Sam na nandoon din sina Ley at Marco kagabi. Agad ko kasi siyang inuwi sa kanila dahil basang basa ito habang hawak-hawak ang USB.

Siguro kapag sinabi ko sa kanya yon, ako ang pagbubuntungan niya ng galit. Ayoko, ayoko non. Ayokong makitang magalit si Sam ulit. Nakakatakot siya.

"Oh bakit natahimik ka jan?" Tanong niya sakin.

"A-aahhh... wala, may iniisip lang."

Posible kayang pinagsususpetsahan nila si Sam sa pagkawala ni John? Kung narinig nga nila ang usapan nina Sam kagabi, posible kayang alam na nila ang lahat? Alam na kaya nila ang plano ni Sam? No, hindi pwede.

Ley's POV

Alam kong may kinalaman dito sina Sam, Jeremy at Hannah. Kaya ngayon sila na muna ang suspects ko sa pagkawala ni John. Aalamin ko kung nagpakamatay nga itong kaibigan namin.

Mas mabuti sigurong magmatyag na lang ako sa kanila at dapat hindi mahalata. Kailangan kong bantayan lahat ng mga kinikilos nila at kung maaari sundan sila saan man sila magpunta.

At mas mabuti na rin sigurong wag na muna itong malaman pa ni Joshua. Kailangan muna naming magsinungaling sa kanya ngayon. Ayaw namin siyang mag-alala lalo na't hindi pa siya magaling.

________

To be continued......

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's Beast FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon