"Tigilan mo nga ako Hannah sa mga kalokohan mong 'yan!" Naiiritang saad ng binata Kay Hannah. Sabay ayos ng upo sa kama at ibinaling ulit ang mga Mata sa librong binabasa.
Bahagya namang umusod si Hannah para mapalapit Pa lalo sa binata.
"'Eh ang arte mo naman kasi bebz 'eh! Isa lang naman! Hindi naman kita r-reypin. Isang kiss lang naman 'eh! At tsaka girlfriend mo naman ako at boyfriend kita anong masama dun!?" Pagmamaktol ni Hannah.
Gusto niya lang naman kasing halikan ang BOYFRIEND niya anong mali 'dun?
"Alam mo kung iyan lang naman ang dahilan mo kung bakit napasugod ka dito sa condo ko,
ng ganitong oras Na ng gabi ay umuwi ka na lang at magpahinga, kakauwi Pa lang natin galing sa field trip tapos nandito ka!" Inis Na sabi ng binata
Habang nakabaling ang atensyon sa librong binabasa., Kanina Pa kasi ito kinukulit ni Hannah na halikan siya. Ewan niya ba kung anong merong tama itong bruhang 'toh. Mula nung um-oo SiyA sa gusto nito ay sobra Na itong makadikit sa kanya. Kaya naman laking pag-sisisi niya sa Naging padalos dalos Na desisyong um-oo SiyA sa gusto nito.
"Ewan ko sayo bebz!" Saad ng dalaga sabay aktong nagmamaktol. Na Hindi man lang pinansin ng binata at patuloy Pa rin sa pag-babasa.
"Buti Pa ang libro binibigyan ng pansin, buti Pa ang libro inuunawa, buti Pa ang libro tinitingnan sana pala Naging libro Na lang ako!" Mahinang reklamo ni Hannah sa sarili.
----
Gusto sanang tumawa ni Kurt sa narinig niyang magr-reklamo ng dalaga ay Hindi niya Na lamang binigyang oras Pa. Sa totoo ayaw niya naman talagang um-oo sa Dare ng dalaga ngunit sumusobra Na ito at kelangan ng pagbigyan ng matigil Na. Isang buwan lang naman. Pagtyagaan Na lang muna.
Pero kung ganito ba naman araw araw Na kukulitin SiyA ng dalaga ay ewan~-----
"Bebz~ Gutom Na ako~ Hindi Pa ako kumakain" saad ng dalaga habang nakanguso Kay Kurt Na busy Pa rin sa pag-babasa.
Pasado alas nuwebe Na kasi at bago Pa man Siya makauwi ng mansyon galing trip ay agad naman siyang sumugod sa unit ni Kurt. Bakit ba? Eh sa agad niya 'daw' Na miss ang BOYFRIEND niya.
"Umuwi ka Na kasi" saad ng binata Na habang nakatuon Pa rin ang Mata sa libro.
'Konti Na lang talaga pupunitin ko Na ang librong 'yan!' Saad nito sa sarili.
"Ayaw! Dito ako matutulog" pa-cute Na saad ng bruha sabay puppy eyes.
Nabigla naman si Kurt sa sinabi ni Hannah Dahil para balingan niya Na ito.
"Hindi pwede! Umuwi ka Na nga!"
"Ayaw ko nga! Dito sabi ako matutulog!" Pamimilit ng dalaga. Tiningnan naman SiyA ng masama ni Kurt ngunit wala lang si Hannah at tinaasan nito ng kilay ang binata.
"Sh*T. May pasok Pa bukas kaya Hindi ka pwede matulog dito! At tsaka baka pagalitan ka Pa ng magulang mo! Halika Na hahatirin Na lang kita" sabay akmang tayo nito ngunit pinigilan SiyA ni Hannah kaya naman ay napaupo Na lang ulit SiyA sa kama.
"Bebz naman~ plz? Hmm? Minsan lang naman ako dito matutulog kaya pagbigyan mo Na ako. And about kina mommy wala naman sa kanila kung wala ako sa bahay Hindi naman nila malalaman kasi wala sila dito sa Pilipinas, at nagpaalam ako Kay Nani Na dito ako matutulog" lintaya nito.
"Bawal nga kasi! Bakit ba ang kulit mo? Halika Na!"
Sabay tayo nito at sa pagkakataong 'toh ay Hindi Na napigilan Pa ito ni Hannah.
"Ano Na? Tara Na ?" Saad ng binata nang mapansin niyang Hindi Pa rin nakasunod sa kanya si Hannah.
Sobra Na siyang naiirita sa dalaga at baka makaladkad niya Pa ito palabas.
Mas kinainis niya lalo ang ginawa nito.
Nahiga ba naman sa kama niya at pinulupot sa buong katawan ang comforter niya.
Napahilot Na lamang ng noo si Kurt sa inasal ng dalaga.
'Brat' tanging nasambit niya sa sarili.
------
Kumakalam Na ang sikmura ni Hannah Dahil sa Gutom. Pasado alas onse Na ng hating Gabi at Hindi Pa SiyA kumakain. Mag-isa lamang Siya ngayon sa kwatro ni Kurt. Ewan niya ba kung nasaan ang lalaking iyon. Simula kasi nung pinulupot niya ang sarili sa comforter ay Hindi Na SiyA lumabas Pa ng kwatro. Malay natin tuluyan na siyang ma-kick out sa condo ng BOYFRIEND niya.
'Saan naman kaya 'yun natulog.'
Tanong sa sarili.Napag-desisyonan naman ni Hannah Na lumabas ng kwatro at hanapin ang prinsipe.
Nang may marinig siyang nag-sasalita sa dinning Hall.
Boses ni Kurt Na parang may kausap ito.
"... I miss you so much Eli... Yeah don't worry about me... Plz take care of yourself I'm not there to protect you." Saad nito sa telepono.
Habang sumisimsim ng alak.
Naka talikod ito sa kanya kaya
naman ay Hindi nito alam Na Nasa likod lang pala SiyA nito." Haha ....yeah ...yeah ..stop it Eli haha it's annoying!.....no! I don't mean it.. I love you, you know that haha"
Napatigil naman sa kinatatayuan si Hannah Dahil sa narinig nito.
'I love you?' Aba! Tinataksilan Na ba SiyA ng binata? Hindi Pa nga sila tumatagal! Aba~.
Dahil sa inis niya ay lumapit ito sa kung saan nakaupo ang binata.
"Sino yan!?" Inis nitong tanong Kay Kurt Na ikinagulat naman ng binata sa bigla niyang pagsulpot sa tabi nito.
"Nothing ..I'll call you tomorrow Eli ....yeah good night? I mean good morning haha nevermind... Okay love you"
Nang ibaba Na nito ang telepono ay tiningnan SiyA nito ng masama."Wala ka bang manners? May kausap 'yung tao bigla ka Na lang susulpot" inis nitong baling sa dalaga. Ewan niya ba kung bakit sobrang pagka-irita ang nararamdaman nito dito sa dalaga.
"Sino yun?" Samantalang Seryoso naman siyang tiningnan ng dalaga at walang pakialam sa sinabi ng binata.
"None of your business" barito nitong sagot sabay inom ng alak.
"Kapag nalaman Kong niloloko mo ako Kurt malalagot ka sa'kin" banta nito sa binata Na ikinatawa naman nito.
"Seriously Hannah? Binabantaan mo ba ako? niloloko? kita? Tsk Naging girlfriend lang naman kita Dahil sa Dare mo, kaya don't acted like a possessive girlfriend. Hannah" Nakangisi nitong baling sa dalaga.
Ayaw man aminin ni Hannah ay totoong naaktan SiyA sa sinabi ng binata.
"Ah basta ayusin mo yan kahit Na laro lang toh' para sayo. Para sa'kin Hindi ito laro."
Lakas loob niyang sagot dito.
'P*tcha bakit ba SiyA nagkakaganito Kay Kurt? 'Atensyon lang naman ang gusto niya sa buong buhay niya. Atensyon Na Hindi Na bigay ng mga magulang niya.
Pero ngayon buong Atensyon lang ni Kurt ang kailangan niya.
SiyA lang.----------
A/N:
Natatawa ako sa mga pangalan Na nabigay ko sa mga kaibigan ni Kurt Andrew haha.Kit
Andrew
DrewParang iisa lang ang pinanggalingan,.
Vomments
YOU ARE READING
Ang Bruha Na Desperada
RomanceBruha, masamang ugali, walang budhi, baliw, Iyan ang pagkakakilala at sinasabi ng lahat kay Hannah Suarez. Isang malditang maganda iyon ang sabi niya. Malakas, walang nakakatalo at kinatatakutan ng lahat, ngunit bakit pag dating kay KURT ANDREW PECS...