AGKB 28: Define Love

3.8K 116 5
                                    

Brixx's

Masaya ako dahil nakita kona ulit yung bestfriend ko pero parang galit siya sakin. Ano kaya problema ni Ran? Sana makatulong naman ako

"Brixx! Lutang ka nanaman" rinig kong sabi ni Marcky

"May iniisip lang ako" tinignan naman nila ko na parang interisado sa iniisip ko "Kung paano ko mapapasagot tong katabi ko" banat ko, nag si Ayiee naman sila, Si Alliah kasi yung nasa tabi ko

"Namumula si Alliah hahahahaha" pang aasar ni Sheena

"Corny mo pre!" tawang tawang sabi ni Ivan

Inaasar lang nila kami ni Alliah hanggang makarating kami ng room "Cr lang ako" paalam ko kay Alliah pero ang totoo hahanapin ko si Cheska and Ran.

Takbo lang ako ng takbo, Alam kong hindi pa kasi sila nakakapunta sa class, maaga pa naman kaya hahanapin kona din sila.

Napagod na ako kaya naisipan kong wag nalang pumasok sa first class ko, Tatambay nalang ako dito sa mini house, Papasok na sana ako kaso may nakita akong babae sa gilid ng narra tree dito sa gilid ng mini house

Lumapit ako ng konti, At nakita ko yung mukha niya "Nandito kalang pala, Kanina pa kita hinahanap" sabi ko, Onti onti naman siyang lumingon sa akin, Napatayo naman siya tapos kinuha yung gamit at balak na niya sanang umalis, pero bago yon hinawakan ko na agad yung braso niya kaya napahinto siya

"Usap muna tayo, Tutal late narin tayo" pagaya ko. Alam ko masamang mag ditch sa class pero gusto ko siya makausap. I miss her, my girl bestfriend

Inaya ko siya sa mini house at tinanong kung kumain naba siya pero tumango lang siya. May problema nga

Nilapag kona sa harap niya yung juice na kinuha ko tapos umupo sa tabi niya "Kailan kapa nakauwi?" tanong ko

"Yesterday"

"Kamusta kana?"

"I'm fine, Ikaw?"

"Same"

Wala ng nagsalita samin nung natapos yung maiksi naming conversation. Di ako sanay na di kami madaldal katulad noong bata pa kami kaya ako na dadalal sa kanya.

"May sasabihin ako/I have something to ask" sabay naming sabi kaya natawa kami medyo. And dahil don nawala masyado yung coldness ng atmosphere namin

"Mauna kana" ngiti niyang sabi

"Ikaw na"

"Ikaw na"

Kahit kailan talaga hindi ako nananalo sa babaeng to "Tss, Fine" sabi ko sabay taas ng dalawang kamay. Natawa naman siya kaya napatawa nalang din ako .

"Sorry" siryoso kong sabi kaya napatingin naman siya sakin ng diretsyo

"Sorry kasi hindi na kita nabalikan don" magsasalita sana siya kaso inunahan kona siya "Naging busy kasi ako, Pero balak ko talaga pumunta dun sa vacation kaso naunahan mo ako, nagulat ako kanina na nandito ka pero i'm glad na umuwi ka dito" medyo natatawa kong sabi kaya napatawa nadin siya

"Nakakatampo ka kasi, Kaya pinuntahan na kita dito. And I miss my boy bestfriend"

"Hahahaha sabi na eh, Ano nga pala yung tanong mo?" bigla namang nawala yung ngiti niya. May nasabi ba kong masama?

"I just want to ask if Allish is your girlfriend?"

Tinitigan ko muna siya mabuti bago sumagot, Siguro mga 10 Secs. din siguro yun "Nope pero ano...Basta masaya ako kapag kasama ko siya and ayoko siyang mawala sakin, Parang ikaw lang kayo nila Cheska nila Ivan, Importante kasi kayo sakin" sabi ko sabay yakap

Ang Girlfriend kong BoyishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon