DEAN’S POV
JULY 5, 2017
“Dito ka muna sa bahay natin titira at hindi ka na rin papasok sa university. Babalik ka sa pagiging home schooled hanggang sa matanggal yang cast mo at si Zara na ulit ang magiging teacher mo. Inasikaso na lahat ni Mimi mo para hindi ka mapag-iwanan sa mga lessons.” Tahimik akong nakikinig sa mga sinasabi ni Tatay sakin. Nandito na ako ngayon sa bahay at umagang-umaga ay pinatawag ako sa opisina nya. “Pwede kang lumabas ng bahay pero kailangang may kasama kang driver at isang bantay at dapat kasama mo rin si Zara. Hindi mo muna pwedeng gamitin si Axe. Naiintindihan mo ang lahat ng iyon, my princess?” lumapit sakin si Tatay at umupo sa harapan ko.
“Opo Tay.” Walang ganang sabi ko.
“Pansamantala lang naman ito kaya magtiis ka muna.” Malambing na sabi nya.
“Ano pa po bang magagawa ko? Eh baldado ako eh.” At itinaas ko pa yung kamay kong naka-semento.
“Hindi ka naman totally baldado anak, sadyang yan lang ang kabayaran ng pagiging pasaway mo.” Umiwas ako ng tingin kay Tatay dahil sa sinabi nya. Heto na nga siguro yon. “Halika na, baka naghihintay na sila Nanay mo.” At inakay nya ako palabas ng opisina nila ni Nanay. Hindi na ako nagwe-wheelchair ngayon kasi nga sinabi ko na—nakakalakad naman talaga ako.
Paglabas namin ng opisina ay ang mukha agad ni Nanay ang bumungad sakin.
“Ano? Nasabi mo na?” mahinang sabi nya kay Tatay pero narinig ko. Hindi ko narinig sumagot si Tatay kaya nakipag-beso lang ako kay Nanay bago sila inunahan sa paglalakad. Saktong paglabas ko ng hallway kung saan ang opisina ay syang pagbaba ng tatlo kong Kuya.
“Oh bunso! Kamusta? Dito ka na ulit titira?” naka-ngising sabi ni Kuya Drake pero naka-poker face lang ako dahil na-iinis pa rin ako sa fact na hindi ko masusuntok ang mga mukha nila dahil isa akong dakilang right handed! Get na?
“Kelan ba kayo aalis dito sa bahay?” mataray na tanong ko habang papalapit ako sa paanan ng hagdan. Gusto ko sanang dumiretso ng dining area pero mukhang mag-aabot pa kami ng mga kapatid ko sa may hagdan.
“Woah! Relax, bawal kang ma-stress. Ayaw mo bang nandito kami? Mas madali kang gagaling kung palagi mong nakikita ang gwapo naming mukha.” At nag-pogi sign pa si Kuya Drake.
I mouthed Pakyu kasi nakaka-irita na talaga silang tatlo eh.
“Aalis na ako bukas, babalik na akong Italy.” Biglang singit ni Kuya Drei habang naglalakad kami papuntang dining area.
“Pwede ba akong sumama? Gusto ko kasing mag-bakasyon kela Uncle Vincent.” Dire-diretsong tanong ko. Actually, kagabi lang sumagi sa isipan kong umalis ulit ng ban—“Oh? Anong nangyari sa inyong tatlo?” napatigil ako sa pag-iisip at sa paglalakad dahil naramdaman ko ang paghinto nilang tatlo kaya nagtataka akong tinignan sila.
“Anong sabi mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Delton.
“Isang buwan pa lang magmula nung umuwi ka ng Pilipinas tas aalis ka nanaman?” matapos ni Delton ay si Kuya Drake naman yung nag-salita.
“What did you say? Sasama ka sakin?” na sinundan naman ni Kuya Drei.
“Ano yung sinabi mo anak?” nabaling yung tingin ko sa likuran ng mga kapatid ko dahil sa biglang nag-salita. Papalapit si Nanay at si Tatay sa pwesto namin. “Pupunta kang Italy? Bakit?” dagdag na tanong ni Nanay.
Humugot muna ako ng isang napaka-lalim na hininga bago ako nag-salita. “Gusto ko po munang umalis ng Pilipinas. Gusto ko po munang magpahinga. Total home schooled nanaman din ako ulit kaya pwede po ba?” baling ko sa mga magulang ko. Nagkatinginan muna ang parents ko bago sila tumingin sakin.