32ND MISSION: NAKALIMUTAN MO YATANG AGENT ANG GIRLFRIEND MO?

788 16 0
                                    

Exhausted!

yan ang naramdaman ni Leilanie sa loob ng dalawang araw na pamamalagi nya sa Royal Blue Resort. hindi na sya nag abalang magbihis pa. Pagka hubad ng jacket ni Cris, Agad syang dumapa sa kama.

Pero wala pang isang minuto, me kumatok na agad sa pinto.

"oh my.." reklamo nya.

Muling may kumatok sa pinto.

"pasok."

"Fuck!" Agad napabalikwas si Leilanie ng marinig ang boses ni Dave. Hinatak nya ang pinaka malapit na pwede nyang gamitin upang takpan ang sarili.

Pareho silang nag iwas ng tingin at namumula.

Ano bang problema? Diba kanina lang nasa gitna sya ng ng tatlong grupo ng kalalakihan? Pero bakit pagdating kay Dave, nasisira ang kumpiyansa nya sa sarili?

"b-bakit?"

"pumunta ako dito para i-check ka. Sabi ni Aldrin bigla ka na lang daw tumakbo kanina. Me problema ba?"

Leilanie sigh. Atleast ngayon hindi na masyadong awkward. Me topic na sila.

"kinailangan ako ng Warlock kanina. Nabago ang plano kaya Hindi na execute ng maayos."

"hanggang dito ba naman nag tatrabaho ka? We're here to enjoy and relax."

"baka nakalimutan mong agent ang girlfriend mo? I work twenty four hours a day."

Dave smile dahil sa sinabi ni Leilanie. Masarap sa pandinig nya ng i-claim nito ang sarili bilang girlfriend nya.

"bakit ka nakangiti?" Kunot noong tanong ng dalaga.

"wala, bagay kase sayo yung binili ko." half truth. Hindi yun ang dahilan kung baklit sya ngumiti pero kahit papano, masaya din syang makitang suot nito ang blue two piece na binili nya.

"speaking oif which, akala ko ba pink yung bibbilhin mo?"

"enough babe. Suot mona eh. hindi na natin pwedeng isauli." Lumapit si Dave at humiga sa kama habang nakaupo si Leilanie malapit sa kanya. He put his two hands under his head then look at her. "you look really tired." Leilanie saw the concern in his eyes.

"i run until makarating ako kabilang isla."

"what?" sabay upo kayat ngayon ay magkaharap na sila ng dalaga.

"do i need to repeat myself dave?"

"no. Nagulat lang ako. Alam mo ba kung gano kalayo yung tinakbo mo? Humigit kumulang three kilometers. You should've call me para nahatid kita."

"hindi ko alam kung nasaan ka. Besides, hindi kita pwedeng isama sa mga mission ng Warlock. Delikado."

"ako ang leader ng Outlaw. And let me remind you, Outlaw ang number one sa ranking for about five years ang still going strong. Wag mo kong pag sabihan kung ano ang delikado at hindi."

"Leader ka ng Outlaw. Hindi ka Warlock."

"Pero girlfriend ko ang pinuNo ng Warlock. Which means,"

"hindi ka makekealam dahil may tiwala ka sa kakayahan ng girlfriend mo at isususport mo sya. That's it. I get it. Thank you boyfriend." Leilanie said seriously.

Hindi na nagsalita pa si Dave. bumuntong hininga si Dave at umiling. After couple of seconds, Leilanie changed the topic.

"ilang girlfriend mo pa ba ang ieeliminate ko?"

'hindi ko alam" walang ganang sagot ng binata.

"paano ko malalaman kung tapos na ang trabaho ko kung hindi ko alam kung ilan sila?"

"bigla na lang naman sila susulpot eh " once again, Dave looked at her eyes. "why Leilanie? Ganun ka ba excited matapos ang mission mo to get rid of me?"

Nagulat si Leilanie at hindi alam ang isasagot. She can see the pain and worries in Dave's eyes. (why?) She asked herself. But there's no other reason na maisip nyang posibleng maging rason.

Malakas ang pakiramdam nya. as far as she could remember, never pang nagkamali ang instinct nya. Pero ngayon, nagdududa sya kung tama ba ang nababasa nya sa mga mata ni Dave.

(pain and worries.)

(to get rid of me?)

She dont know what to say. She's still looking at Dave ng muli itong humiga at bumuntong hininga. He put his right arm in his forhead that covers his eyes.

Disappointment.

(Disappointed ba sya sakin?)

And she dont know why also pero bakit parang may kumirot sa puso nya?

Gusto nga ba nya?

*(aYoeMi)

MISSION: ELIMINATE ALL DAVE'S GIRLFRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon